Chapter 37: Tropa

3.4K 114 6
                                    

Chapter 37: Tropa

Isang Sabado sa may hardin nina Miggy, nakatayo si Stella at Eric sa isang sulok habang pinagmamasdan nila yung sobrang daming mga pusa na nakaupo sa harapan nila. "Miggy bakit ang dami?" tanong ni Eric. "Wag kayo matakot, friends ko lahat yan" sabi ni Miggy.

Tumingala si Stella sabay niyakap manika niya pagkat sa bubong sobrang dami naman mga kalapati. "Pili na kayo, kahit ano diyan sa inyo na" sabi ni Miggy. May isang kuting na mabalahibo ang lumapit kay Stella, nagpaikot ikot ito sa isang paa niya kaya ang batang babae nakiliti.

Lumuhod si Stella sabay hinaplos yung kuting, "Miggy gusto ko siya, para siyang white tiger o. Nag mix yung black and white" sabi ng batang babae. "Sige sa iyo na siya, ikaw Eric sino ang gusto mo?" tanong ni Miggy.

"Hmmmm...ayon" sabi ni Eric sabay turo sa kulay grey na sobrang taba na pusa. "Hahahahaha Oinky name niya" sabi ni Stella. "Tawag mo na nga sa akin Oinky tapos cat ko Oinky din?" sagot ni Eric.

"E di Piggy" sabi ni Stella. "Sige" sagot ni Eric. "Ano name ng pusa mo Stella?" tanong ni Miggy. "Hmmm come Miggy" biro ng batang babae sabay tawa pero lumayo yung pusa. "Sige ka lokohin mo pa ako at magagalit sila laha sa iyo" sabi ni Miggy.

"Joke lang naman, come baby. I will call you...boy ba siya?" tanong ni Stella. "Girl" sagot ni Miggy. "Crystal, come baby Crystal" lambing ni Stella at lumapit yung pusa at nanlambing. "Uy uy uy" bigkas ni Eric na nagnerbyos nang inakyat siya ng pusa. "Ang bigat niya" reklamo ni Eric nang naupo si Piggy sa balikat niya.

Naupo si Miggy sa damo, sinugod siya ng mga pusa at lahat dumikit at lumambing sa kanya. "Wow, ang galing galing mo naman" sabi ni Stella. "Upo din kasi kayo, lahat ito friends ko" sabi ni Miggy kaya naupo yung dalawa at sinugod din sila ng ibang mga pusa.

"Miggy sino nakatira don sa small house?" tanong ni Stella. "Ay bahay nina Ivan at Adolf yan. Mamaya punta tayo don, inaayos pa kasi nila e" sabi ng batang lalake. "Wala ba kayo pagkain?" tanong ni Eric kaya natawa si Miggy. "Meron pero mamaya na pagkatapos natin magswimming, kasi nililinis pa yung pool. Tatawagin tayo ni ate Althea mamaya" sabi ni Miggy.

Ilang minuto lumipas nasa bahay na sila nina Althea. "You are so pretty ate" sabi ni Stella. "Salamat" pacute ni Althea. "Ang galing mo lumangoy, siguro dito ka lagi" sabi ni Eric. "Favorite ko swimming e, Stella di ka lalangoy?" tanong ni Miggy. "Lalangoy pero sabay na kami ni ate" sagot ni Stella.

"Ate, pareho tayo apat" sabi ni Miggy. "Ows? Mga witch din kayo?" bulong ni Althea. Tungo ulo sina Stella at Eric kaya napapalakpak si Althea. "Ate si Stella magaling sa kulam" sumbong ni Miggy. "Bestfriend na kita, mamaya mag usap tayo" sabi ni Althea.

Isang oras lumipas sa lungga nina Ivan at Adolf. "Wow, ang dami mo mask" sabi ni Stella. "Hindi ka natatakot?" tanong ni Miggy. "Hindi, ang dami dami mask" sagot ng batang babae. "Miggy sino sila?" bulong ni Eric.

"Ah, yan si Ivan tapos yung mas old si Adolf. Ivan and Adolf these are my new friends. They are like me" sabi ni Miggy. "Uncle mo at lolo mo?" tanong ni Stella. "Hindi, basta friends ko sila. Dito sila nakatira" sabi ni Miggy.

"Do you know what a summon entity is?" tanong ni Ivan. "No" bulong ni Stella. "Ah then you can just call us friends" sagot ni Ivan. "Teacher ko sila, tinuturuan nila ako ng madami" sabi ni Miggy. "Hello little girl, you have a very nice doll. Let me guess you are a doll user" sabi ni Adolf. "Ano yon?" bulong ni Stella kaya natawa si Miggy.

"Ganyan sila lagi, di ko din alam sinasabi nila e" sabi niya. "Bakit may dark smoke sila?" tanong ni Stella. "You can see the dark smoke?" tanong ni Adolf. "Saan? Wala naman e" sabi ni Eric kaya nilapitan ni Adolf si Stella.

MASKARAWhere stories live. Discover now