Chapter 32: Superhero

3.5K 123 5
                                    

Chapter 32: Superhero

"Ano ba kasi ginagawa mo?" tanong ni Leopoldo. "Parang si Superman lolo pag may isave na siya e sisirain niya damit niya tapos naka costume na siya" sabi ni Miggy. "Superman is not real" sabi ng matanda kaya tinignan siya ng bata ng masama.

"Miggy calm down, Superman is a fictional character" sabi ni Marina. Slow motion naupo si Miggy kaya bungisngis yung twins. "Kayo naman lola sinasaktan niyo feelings niya, gusto niya lang maging Superman for today" lambing ni Charlotte.

"Ayaw ko na" sigaw ni Miggy sabay inirapan yung dalawang matanda. "Wag ka magtampo, magiging mas malakas ka kay Superman one day" sabi ni Charlotte. "E hindi naman siya witch e, alien daw siya sabi ni papa ko" sagot ni Miggy. "Totoo, he came from another planet pero ikaw pag tinuloy mo itong studies mo kina lolo at lola magiging Superman kita" sabi ni Charlotte.

"Talaga? Pero ayaw nila ako magsuot ng costume" sabi ni Miggy. "Hindi mo na kailangan yon Miggy" sabi ng dalaga. "E pano na nila malalaman na superhero ako? Dapat may costume ako" sabi ng bata. "Ang importante alam ko" sabi ng dalaga.

"Halika na Miggy let us continue" sabi ni Leopoldo. "Galingan mo ha" lambing ni Charlotte. "Pero teka, bakit si Superman pag inalis lang eyeglass niya hindi na nakilala ng tao?" tanong ni Miggy kaya nagtawanan yung twins. "Yan din yung gusto namin itanong Miggy" sabi nila ng sabay.

"Kaya ako magsusuot ako ng maskara" sabi ng bata. "Trust me he has a lot of masks" sabi ni Charlotte. "Si lolo bibigyan pa niya ako ng maskara e" sabi ni Miggy. "May usapan tayo diba? Dapat galingan mo lagi. E tumitigas ulo mo naman" reklamo ni Leopoldo.

"Buti pa sa school may recess na pwede mag play. Pati sa lunch pwede mag play" bulong ni Miggy kaya napatingin si Leopoldo kay Marina. "He is right" sabi ng matandang babae. "Masyado niyo kasi pinopokpok" sabi ng twins. "But he needs it" sabi ni Leopoldo.

"Sige Miggy, one lesson tapos maglalaro tayo" sabi ni Marina. "Yes! Tara na lolo bilisan mo. Ang bagal mo maglakad e" banat ni Miggy kaya natawa ng husto si Marina.

Tumayo ng tuwid si Miggy sa tapat ng isang puno, "Handa ka na?" tanong ni Leopoldo. "Wag mo muna lalakasan lolo" sabi ng bata. "I told you to feel the elements, they will guide you. You will feel what is approaching you" sabi ng matanda. "Nakabukas pa naman mga mata mo e, mamaya blindfold" sabi ni Marina.

Naghasis ng bola na gawa sa lupa si Leopoldo, "Wag mo lang titignan, feel it" sabi ng matanda kaya hinarap ni Miggy kamay niya at sinalo yung bola. "Did you feel it?" tanong ni Leopoldo. "Yes lolo" sabi ng bata.

"O eto fire ball" sabi ng matanda. "E lolo pag catch ko yan masasaktan ako kasi ikaw yung gumawa" sabi ng bata. "Nacatch mo yung earth ball, natatakot ka lang" sabi ng matanda. Paglapit ng bola na gawa sa apoy pumikit si Miggy pero nasalo niya ito sa kamay niya.

"O ano?" tanong ni Leopoldo. "E bakit sabi mo sa akin pag ako gumawa hindi ako masasaktan, pero pag iba masasaktan na" sabi ng bata. "Something inside him is helping him" bulong ni Marina. "Nagtataka nga ako bakit hindi niyo tinuro yung isang lesson e" sabi ni Charlotte.

"We wanted to test him, totoo nga hinala namin" sabi ng matanda. "Ano nasa loob ni Miggy?" tanong ni Charlotte. "Hindi namin alam pero it is protecting him" sabi ni Marina. "Nagulat nga ako kasi hindi niyo tinuro yung element overpowering para masalo niya mga tira ng kalaban" sabi ni Charlotte. "It seems he does not need it, parang inborn na sa kanya" sabi ni Marina.

"O Miggy blindfold naman" sabi ni Leopoldo. "E gusto mo lang ako tamaan e" reklamo ng bata kaya laugh trip yung twins. "The lesson is using the elements, they will help you" sabi ng matanda. "E pano kung natamaan ako?" tanong ni Miggy.

MASKARAWhere stories live. Discover now