Chapter 50: The Promise

3.7K 123 11
                                    

Chapter 50: The Promise

"Someone is coming" bigkas ni Leopoldo kaya tinago niya asawa niya sa kanyang likuran. May portal na bumukas, naghanda yung mag asawa pagkat hindi nila maramdaman sino yung papasok sa gubat.

Nang humupa yung liwanag sa portal nanlaki ang kanilang mga mata nang makita si Miggy na hila hila yung isang malaking pirasong plywood kung saan nakahiga ang duguan na Charlotte. "Michelle! Misha!" hiyaw ni Mariel saka napaluha habang asawa niya paspas na sinugod yung dalawang bagong sulpot.

"Please heal her, I don't know how to heal" sabi ni Miggy. "Diyos ko anong nangyari sa inyo?" tanong ni Leopoldo na nagpipigil ng luha. "I am fine, hindi ako gaano nasaktan" sabi ni Charlotte.

Sumulpot ang twins, agad sila nagsisigaw. "Heal her!" sigaw ni Mariel. "Unahin niyo na si Miggy please" sabi ni Charlotte. "I am fine o, I am strong o" sabi ng bata na pinagpag sarili niya kaya humarap si Leopoldo sa kanya.

Tumalikod si Miggy, "Where are you going?" tanong ng matanda. "May nakalimutan po ako" sabi ng bata. "Let me go with you" sabi ni Leopoldo pero ang bilis na pumasok sa isang portal nung bata saka nagasara agad ito.

"Since when siya natuto gumamit ng mga portal?" tanong ni Mariel. "Ewan ko, Charlotte what happened?" tanong ni Leopoldo pero ang dalaga halos maduling at hindi makapagsalita. "You cannot speak to her yet. Her body is starting to heal. Medyo matindi ang trauma kaya we are also letting her brain relax" sabi ng magkapatid.

"Ano kaya nangyari sa..." bigkas ni Mariel pero bumukas yung portal, si Miggy lumabas dala ang isang mahabang staff at ulo ni Geron. "Jesus..." bigkas ni Mariel pero ang bata ngumiti lang at dumiretso sa daanan papunta sa waterfalls.

Pagkalayo ng bata, "Was that Geron?" tanong ni Mariel. "Yes it was...will you wake up Charlotte" utos ni Leopoldo kaya natakot yung twins sa aura ng lolo nila. Nagising si Charlotte, humikab saka tinignan yung dalawang matanda.

"Bakit po?" tanong ng dalaga. "Nakalaban niyo si Geron?" tanong ni Mariel. "Lola it's a long story" sabi ni Charlotte kaya kinuwento niya lahat ng nangyari. Nang matapos siya muli siya nahiga saka pumikit. "Wag ka matutulog" sabi ni Mariel.

"Pikit lang po, medyo masakit pa ulo ko" sabi ng dalaga. "Miggy came to your rescue? Alone?" tanong ni Leopoldo. "Opo lolo, kasalanan ko kasi hindi ko naman talaga dapat babanggitin name niya or iisipin siya kasi ang lakas nung unano. Pero nung palakas siya ng palakas natalo po ako kaya nagsorry ako kay Miggy. Then he appeared..he was so cool...white smoke...akala ko si Beatrice" sabi ni Charlotte.

"Yang unano, was his name Diego?" tanong ni Leopoldo. "I think so...opo ata" sabi ng dalaga. "Mabuti naman at hindi ka niya minolestya, that evil person is known for molesting girls" sabi ni Leopoldo.

"Akala ko ba kinulong nila yan? Diba kampo na nina Geron yung nakahuli sa kanya at ibang mga kasama niya" sabi ni Mariel. "I don't know what happened, pero are you really trying to tell me Miggy defeated Diego and Geron? Tapos may tatlong summon beings pa?" hirit ni Leopoldo.

"Opo, I am really sleepy. Can I sleep?" bulong ni Charlotte. "Of course iha, Michelle bring her to the house" sabi ni Mariel. "Mauna na kayo at titignan ko si Miggy" sabi ni Leopoldo. "Sasama ako sa iyo" sabi ng asawa niya.

Sa loob ng kweba nadatnan nila si Miggy na pinupunasan maskara niya. "Miggy are you okay?" tanong ni Mariel. "I am fine lola, is ate Charlotte okay?" sagot ng bata. "Yes she is okay, medyo inantok lang" sagot ng matanda.

"Miggy, would you like to tell us what happened?" lambing ni Leopoldo. "No" sagot ng bata saka ngumiti. "Miggy you killed a very powerful elder" sabi ni Mariel. "E namatay na siya noon e, pinatay siya ni ate Beatrice e at ibang friends ko. Hindi mo naman na pwede patayin yung patay e" sagot ng bata kaya nagkatitigan yung mag asawa.

MASKARAWhere stories live. Discover now