Chapter 49: Awakening

3.5K 124 22
                                    

Chapter 49: Awakening

Abala sina Mariel at Leopoldo sa paghahanda ng mga gamit para sa kanilang tatlong estudyante para sa Sabado sa may gubat nang biglang lumindol. "Leo itigil mo nga!" sigaw ni Mariel. "Hindi ako yon!" sagot ng asawa niya kaya yung dalawa napaupo sa lakas ng lindol.

"What is happening?" tanong ni Mariel. "I don't know! Ngayon lang lumindol dito sa gubat na ito" sigaw ni Leopoldo at ilang saglit nakarinig sila ng kakaibang ugong kaya nagtabi sila at nagyakapan. "Is Miggy here? Baka kalokohan niya ito. Diyos ko baka kung ano spell pinag aralan niya" sabi ni Mariel.

"Wala dito yung bata, if he was I would have felt him" sagot ni Leopoldo. Nakakabinging huni ng mga ibon narinig nila, sabay sila napatingala at nakita nila sobrang daming mga ibon sabay sabay papunta sa waterfalls.

"What the hell is happening?" sabay pa nilang bigkas.

Samantala sa loob ng malawak na kwarto takbo ng takbo si Miggy pagkat hinahabol siya ng tatlong nilalang. "Mama" sigaw ng bata na lumuluha sa tindi ng takot pagkat yung papalapit na sa kanya yung tatlong kalaban niya.

Sa isang gilid wala parin malay si Diego habang si Geron namimilipit parin sa matinding sakit pagkat kahit ano gawin niya lalo lamang humihigpit yung pagsakal ng makapal na ugat sa kanyang tuhod.

Nakita niya yung tatalong alaga niya humahabol kay Miggy kaya tiniis niya yung sakit saka siya nagsulat ng mga simbolo sa sahig gamit ang kanyang dugo. Sa malayo si Miggy papalapit na sa dead end, napilitan siyang humarap, sumugod yung nilalang na gawa sa usok kaya ang bata hinarap wand niya saka pumikit. "Wind like a bagyo please" hiyaw niya at nagulat yung bata nang makarinig siya ng mga sigaw. Napaatras niya yung tatlong kalaban, "Signal number three! Four! Five!" sigaw niya sa tuwa at yung nilalang na gawa sa usok halos nawala habang yung dalawang nilalang na kasama nito napaatras ng sobrang bilis.

"Huh signal number ten!" sigaw ni Miggy pero napasundan sigaw niya, "Daddy help" hiyaw niya pagkat sobrang lakas ng hangin bulandra sa mga dingding kaya pati siya natangay. Mala ipo ipo ang nangyari, si Geron lamang ang hindi natangay pagkat nakakapit parin yung ugat sa tuhod niya.

"Peste kang bata ka" bulong niya sabay napatingin sa ipo ipo kung saan mga alaga niya, katawan ni Diego at yung bata nasa loob nito. Sa loob ng ipo ipo nasuntok at nasipa si Miggy kaya yung bata napalabas. Naiiyak siya, gumagapang sa tindi ng sakit pero nakayanan niya tumayo.

Unang lumabas ng ipo ipo yung isang nilalang na may espada, pagtayo nito medyo pa siya hilo kaya si Miggy kinabahan. "When opponent has a weapon always watch his shoulders...when weapon is long stay at a distance..." bulong niya sa sarili habang inaalala mga turo sa kanyang ng kanyang coach at master ng karate.

"Wrong..stay close so they opponent cannot swing the weapon...pag short stay far" bulong ng bata sa sarili kaya napalunok siya saka nilabas ulit wand niya. Tumakbo si Miggy papunta sa kalaban, nakita ni Geron yon kaya napailing ang matanda. "Siraulo na bata pala to" sabi niya.

Kinasa ng nilalang espada niya, "Faster Miggy" bulong ng bata kaya nakalapit siya ng husto, pagtaga ng nilalang sobrang lapit na ni Miggy kaya wala nang matamaan yung espada. "Roots" bulong ng bata at may mga ugat na lumabas mula sa katawan niya, tumalon yung bata saka kumapit sa likod ng nilalang.

Mga ugat kumapit sa katawan ng nilalang kaya nagwala ito pagkat hindi niya makita si Miggy. Tinutok ni Miggy dulo ng wand niya sa batok ng kalaban saka nagpalabas ng iba't ibang mga bolang apoy at liwanag.

Na groggy agad yung nilalang, pagewang gewang ito sa tindi ng hilo pero walang tigil parin si Miggy. Sinubukan ng nilalang abutin yung bata, nagpanic si Miggy, winasiwas niya yung wand niya at nagkaroon siya ng ideya. Nagulat si Geron nang tila nagkaroon ng light saber yung bata kung saan naputol nito yung kamay ng nilalang na alaga niya.

MASKARAWhere stories live. Discover now