Chapter 51: Cute Vigilantes

4K 116 15
                                    

Chapter 51: Cute Vigilantes

Sa loob ng isang conference room sa palasyong lumulutang sa ere nagtipon tipon ang mga matatandang magic users. "Sir verified po na yung namatay ay si Hilario talaga" sabi ng isang dalaga.

"Yung Hilario natin?" biro ng isa. "Hahahaha no, our very own Hilario is still alive but nasa quarantine kasi parang may nawawalang parte ng isipan niya. He does not even know where he placed his wand" sagot ng isang matandang babae.

"So the dark warlock Hilario is dead, huh again. Baka nanaman mamaya magulat ulit tayo at mabuhay ulit yan" sabi ng isang matandang lalake. "Yung unang pagkamatay niya wala naman ebidensya, this time his body has been taken" sabi ng isang babae.

"At least nabawasan tayo ng babantayan, ilan pa ba ang nagtatago?" tanong ng isang matandang babae. "Dose pa po pero yung iba tumakas na palabas ng ibang bansa recently" sabi nung isang dalaga.

"Okay what is the next agenda?" tanong ng isang matandang lalake. "Ah..there have been series of reports...the Institute had to work overtime to correct and erase the memories of a lot of people" sabi ng dalaga.

"Why?" tanong ng matanda. "Madam there seems to be a vigilante group of witches" sagot ng dalaga. "Anong ibig mo sabihin?" tanong ng matanda. "First of all the officers of the institute has proven that they are not magic users. The culprits are witches"

"Example, meron po isang grupo ng kabataan, tinatawag na gang. Sama sama sila naglilibot, naninira, nananakot...to cut the story short madam e sabay sabay po sila nagkaproblema sa mga daliri nila"

"Kasi po may hand signals sila or hand signs, ah how do I explain this? They twist their fingers to form their group sign when they see each other" sabi ng dalaga. "Yes we are aware, hindi kami masyado matanda" sabat ng matanda.

"So ayon po, lahat po sila naging permanent yung hand sign nila" sabi ng dalaga at may mga ilang matanda ang hindi nakapigil sa pagtawa. "We were too late madam, hindi na po natin naayos kasi naalerto ang media at naging big news na po"

"Ang pinapalabas ng doctor ay nerve and muscle problem pero hindi niya maexplain bakit sabay sabay sila kaya lahat po sila under observation pa. We tried to cure them but to no avail, ang sabi ng mga kasama nating witches masyado daw malakas yung curse na pinataw sa grupo na yon" sabi ng dalaga.

"I say let them be" sabi ng matanda. "Oo nga, para hindi na makapag hasik ng lagim ang mga gang gang na yan" sabi ng matandang lalake. "Yes, it may be harsh but let that be a lesson to those gang members. Maganda yan para matakot din ibang gangs...teka sila lang ba ang inatake or meron pa?" tanong ng isang matandang babae.

"Sila palang po pero aantayin pa po natin may ibang gang ang maatake ng same curse?" tanong ng dalaga. "You said yourself we were too late already, the public already knows through the media and the doctor already gave his theory"

"Wag na natin pakialaman yan. So next" sabi ng matanda. "Mga magnanakaw na nagnanakawan po" sabi ng dalaga at nagtawanan na yung mga matatanda. "Are you kidding me?" tanong ng matanda.

"No sir, series of events sir, magnanakaw ninakawan kapwa magnanakaw tapos nagreklamo sila sa baranggay" sabi ng dalaga. "Hahaha, sorry but did we try to find the culprit? Kasi kung isolated yan sa isang baranggay then the witch must be from there" sabi ng matanda.

"Yes sir, but it was a chain curse. Base po sa expert natin nagsimula po yung curse sa isang magnanakaw. Tapos ang curse niya is to rob his fellow robber and when he does the curse now also affects that person"

"Hindi po mahanap yung pinagmulan e" sabi ng dalaga. "My goodness that is going to be a problem" sabi ng isang matanda. "I don't think so, magandang problema yan kasi mga magnanakaw lang naman ang mga mahuhuli. Think about it" sabi ng isang matandang lalake.

MASKARAحيث تعيش القصص. اكتشف الآن