Chapter 12: Young Witch

3.7K 111 17
                                    

Chapter 12: Young Witch

Isang araw umaligid sa back door si Miggy, lumabas siya saka nilingon ang buong paligid saka nung wala siyang makitang tao nilabas niya wand niya. Tinuro niya ito sa sako ng bird seed, umangat ang madaming butil saka sila pumasok sa mga bahay ng mga kalapati.

Umingay yung mga kalapati kaya nagkumpulan na yung mga pusa sa garden. "Wait for your turn" sabi ni Miggy saka tinutok wand niya sa drum ng tubig. Napalingon siya, umangat yung tubig at pumasok sa mga painuman ng mga kalapati.

Sa mini cottage sa likod ng bahay napangiti si Ivan habang pinapanood yung bata na ngayon pinapakain naman yung mga pusa. "Alam ko pinapanood mo ako" bulong ni Miggy. "Very good boy, magaling ka na" sabi ni Ivan. "Syempre practice ako ng practice ng ilang months na" sagot ng bata.

"Tinatawag ka ng mommy mo" sabi ni Ivan kaya agad pumasok yung bata. "Yes mama" sagot ng bata. Hinahaplos haplos ni Vivian tiyan niya, "Come feel her kicking" sabi niya kaya lumapit yung bata at hinaplos tiyan ng nanay niya. Napanganga si Miggy, "Malakas siya mommy" sabi ng bata.

"Which is good anak" sabi ng matanda. "Mama si papa din ba mag operate?" tanong ng bata. "Ah hindi anak" sagot ni Vivian. "Why mama? Papa is good" sabi ng bata. "Yes he is but he is scared" sabi ni Vivian. "Hmmm e si papa nag operate sa akin e" sabi ng bata.

"Anak that was an emergency. Look even lolo is a good doctor pero when your papa came out it was not him because he was also scared. Your lolo did not want to be my doctor when I had you because he was scared too" sabi ni Vivian kaya simangot ang bata.

"Anak kasi syempre if something goes wrong they will never forgive themselves. Oo magaling sila pero siyempre natatakot sila. Ikaw kasi emergency yon so your papa was the only doctor there" paliwanag ni Vivian. "Okay mama, pero mama sino maglalabas sa kapatid ko? Magaling ba siya?" tanong ni Miggy.

"Your tita Claire" sabi ni Vivian. "Kaya ba punta tayo ng punta sa kanya?" tanong ni Miggy. "Yes, kasi anak pag buntis kailangan lagi magpa check up" sabi ni Vivian. "E mama you and papa are doctors" sabi ng bata. "Hahaha anak, kahit na, basta maiintindihan mo din one day pag ikaw na ang may pamilya" sabi ni Vivian.

"Mama I am only five years old. Lola will get mad if I will have a girlfriend" sabi ni Miggy. "Is Althea not your girlfriend?" landi ni Vivian. "Mama!" sigaw ng bata kaya natawa yung matanda. "I am sorry anak, nagbibiro lang si mama" lambing ni Vivian.

"Mama magrest ka kasi, isusumbong kita kay papa sige ka" banta ng bata. "E anak, mama has to walk also. Wag lagi nakaupo o nakahiga" sabi ni Vivian. "Gusto mo walk tayo sa labas?" alok ng bata. "Wag na anak, kahit sa garden lang ako after kumain ng friends mo" sabi ng matanda.

"Wait lang mama" sabi ng bata kaya agad lumabas si Miggy. "Uy bilisan niyo kasi mag walk mama ko" sabi niya kaya agad nag alisan yung mga pusa. "Mama pwede na" sigaw ng bata kaya lumabas si Vivian. "You know what anak until now I do not understand how you talk to them" sabi ng matanda.

"Mama because I have powers" sabi ng bata kaya tinignan siya ni Vivian. "Ikaw talaga anak" sabi niya. "Just joking mama" sabi ng bata saka naunang naglakad. "Sige na anak you go and play, I will be fine here" sabi ni Vivian.

"Joey stay with mommy" sabi ni Miggy kaya nakiliti si Vivian nang dumikit sa legs niya yung pusa. "Mama thirty minutes lang ha" sabi ng bata saka tumakbo palabas ng bahay. Ilang saglit naglalakad sina Miggy at Althea papunta sa park.

"Madami assignments pag grade one" reklamo ng bata. "Tapos mo na ba?" tanong ng batang babae. "Tapos na kagabi pa. Pero ate bakit madaming bad students sa school?" tanong ni Miggy. "Madami mayabang tapos magugulo" sagot ni Althea.

MASKARAWhere stories live. Discover now