Chapter 47: Aftermath

3.5K 118 25
                                    

Chapter 47: Aftermath

Sa gitna ng gubat nagdadabog si Mariel nang makita na duguan yung tatlong bata. "Wag niyo sila gagamutin! Sige pauwiin sila" sigaw niya sa galit. "Lola wala naman sila mga sugat, duguan lang sila" sabi ng twins.

"Lolo Hilario healed us maybe before he died" sabi ni Miggy. "My God! Hilario the dark warlock! Mga siraulo ba kayo? Kayong tatlo lang? We felt his power a while ago then it was gone. Takot na takot kami kasi alam niyo ba he is a really bad person. He is a very powerful warlock" sigaw ni Mariel.

"At bakit ang dami niyong kasamang espiritu?" hirit niya nang makita yung mga ligaw na espiritu na gumagala sa gubat. "They are my friends lola" sagot ni Miggy. "I am so proud of you three. I saw how you..." sabi ni Leopoldo saka napatigil saka tinignan asawa niya.

"Ano?! You knew they were going to face Hilario?" sigaw ni Mariel. "Listen to me, I can explain. Nakahanda naman ako tumulong pero nakita ko..." sagot ni Leopoldo pero hinila siya ni Mariel palayo.

"Galit sila" bulong ni Stella. "Hindi, come on stand up you three para instant paligo kayo" sabi ng twins. Limang minuto lumipas ayos na mga suot ng mga bata. "Wait here and we shall go get food" sabi ng twins.

"Miggy pano mo alam kanina yung cage?" tanong ni Eric. "Nabasa ko sa book yon, kasi pag may wall ka gusto sirain tapos ihit mo siya ng hammer na malaki ng malakas e mapapagod ka lang. Pero pag ihit mo ng ihit paulit ulit kahit mahina force e...hmmm...nakalimutan ko na pero basta mag break din yon" sabi ni Miggy.

"Ganon nga ginawa ko, parang humina yung cage ng huminga tapos ginawa ko din sa cage ni Stella" sabi ni Eric. "Huh, akala ko malakas ka, ganon lang pala" sagot ni Stella kaya natawa si Miggy.

"Ikaw pwede ka din maging strong kasi pwede ka dumami. Siguro hindi mo kailangan magpadami, hmmm parang shadow ka...ay hindi. Yung punch mo sunod sunod. Yung lalabas yung isang ikaw para sumuntok, tapos yung isa ulit pero hindi lumalabas ng body" sabi ni Miggy kaya napaisip si Eric.

"Hindi lalabas?" tanong ni Eric. "Oo, hindi, ah parang lalabas pero para lang mag punch tapos iba naman. Para hindi ka mapagod madami kayo kaya lang hindi na nila kailangan lumabas. Practice mo kasi" sabi ni Miggy.

"Miggy bakit mo kinuha yung teeth ng snake?" tanong ni Stella. "Isa sa akin tapos yung isa sa iyo. Gawin mo pantusok. Pero gawin mo siya parang mga toothpick o pin. Kasi matibay teeth na yan" sabi ni Miggy. "Oo nga no, e ano gagawin mo dun sa iyo?" tanong ni Stella.

"Ewan ko" sagot ng batang lalake saka napahikab.

Sa malayo napatigil si Mariel sa pagsermon, "Tapos ka na?" tanong ni Leopoldo. "Galit ako sa iyo, you put them at risk" sabi ni Mariel. "But they survived and they killed a great warlock" sabi ni Leopoldo. "At ano naman kaya sinasabi mo pag sila yung namatay?" tanong ni Mariel.

"I was watching them, they were never at risk. The moment they set foot in front of the house of Hilario I sensed something special" sabi ni Leopoldo. "Anong special?" tanong ni Mariel.

"He sensed Hilario, he used what I taught him. Ginamit niya mga element at natantya niya na malakas si Hilario kaya nagpaunang atake na siya. Stella had a plan but Miggy sensed that Hilario was strong so they had to take the element of surprise. Tinuro ko sa kanya kapag malakas ang kalaban ay kailangan maunahan niya ito at yun ang ginawa niya"

"He shattered the door, that was enough to get the heart of Hilario racing. Doon na nagsimula unang atake ni Miggy. Nang makita ni Hilario yung mga bata kumalma siya kasi mga bata lang yon e. Bumagsak ang mga depensa niya nang makita yung mga bata at doon tinuloy ni Miggy atake niya"

MASKARAWhere stories live. Discover now