Chapter 33: Nicanor

3.4K 122 13
                                    

Chapter 33: Nicanor

Sa gym habang nag eensayo ang karate class ni Miggy napatigil siya at tinignan yung isang matandang lalake na naka wheelchair. "Okay take five" sabi ng instructor kaya si Miggy nilapitan yung matanda.

"Hello little boy" bati ng matanda. "Ano nangyari po sa inyo? Bakit ka naka wheelchair?" tanong ni Miggy. "May sakit ako" sagot ng matanda. "Bakit madami kang peklat sa kamay? Hindi ka siguro careful pag nag play ka" sabi ni Miggy kaya napangiti yung matanda.

"What is your name?" tanong niya. "Miggy, ikaw po ano po name niyo po. Madaming po kasi sabi ni lola po na pag matanda kausap ko lalagyan ko ng po. Pero hindi ko nilalagyan ng po pag kausap ko yung isang bad na kapitbahay namin" sabi ng bata kaya natawa yung matanda.

"Ako si Nicanor" sabi niya. "Nicanor, para ka yung nilalagay ni ate sa food" sabi ng bata kaya natawa yung isang magandang dalaga sa likod. "Ang ganda ganda naman niya" bulong ni Miggy kaya napatawa ulit si Nicanor. "Ang bata bata mo pa alam mo na yung maganda?" tanong niya.

"Opo, kasama mo siya?" tanong ni Miggy. "Oo, bakit?" tanong ni Nicanor. "Kasi..." sabi ng bata saka tinitigan yung babae. "Nararamdaman niya ata, lumayo ka konti, kunwari uutusan kita. Ayusin mo kabit sa kwintas mo" sabi ni Nicanor gamit ang isipan niya kaya biglang umalis yung babae.

"Bakit siya umalis?" tanong ni Miggy. "Ay siguro kinuha yung gamot ko" sagot ng matanda. "Ahhh...ano sakit mo?" tanong ni Miggy. "Sundalo ako dati" sabi ng matanda. "Masama ang nagsisinungaling" bulong ni Miggy kaya nagkatitigan sila ng matagal.

Hinaplos ni Nicanor kwintas niya, gumaya si Miggy kaya napatingin ang matanda sa suot nito. "Sino nagbigay sa inyo niyan?" tanong niya. "Basta, siguro bad person ka. Siguro kalaban ka" sabi ng bata. "Hindi, I am a friend" sabi ni Nicanor.

"Bad person ka siguro, siguro ikaw yung gusto kumuha sa akin" sabi ni Miggy. "Sino ang gusto kumuha sa iyo?" tanong ni Nicanor. "Yung mga gusto din kumuha kay ate Charlotte. Kasi may isang old lolo na nag attack, tapos sinaktan kami kaya wala na siya" sabi ni Miggy.

"What do you mean wala na siya?" tanong ni Nicanor. "Wala na, wala na siya hands, wala na siya feet tapos wala na siya" sabi ng bata. "Oh my goodness, you have witnessed that at a young age?" tanong ni Nicanor.

"Kung hindi ka kalaban patunayan mo" sabi ni Miggy. "Sige, ano gusto mo gawin ko?" tanong ni Nicanor. Lumapit ang bata at biglang nagmano. "Kailangan mo ako bigyan ng pera kasi pag nagbless ako sa lolo at lola ko binibigyan nila ako pera" sabi ng bata kaya ang tindi ng tawa ni Nicanor.

"Sige, eto one hundred" sabi ng matanda. "Wow, madami ako mabibili nito. Akin po ba lahat ito?" tanong ni Miggy. "Oo, sige na bumili ka ng gusto mo. Malapit na matapos break niyo" sabi ng matanda. "Ay mamaya nalang, itatago ko nalang" sabi ni Miggy saka umalis.

Bumalik yung dalaga kaya tinignan siya ni Nicanor. "Wala kwenta mga suot natin na kwintas, he can sense us" sabi niya. "He can? Ibig sabihin malakas siya" sabi ng dalaga. "Oo pero wala ako maramdaman sa kanya, malakas yung suot niyang kwintas" sabi ni Nicanor. "But we found him" sabi ni Claire.

"Too early, hindi pa dapat siya mahahanap" sabi ng matanda. "Ano po ibig niyo sabihin? Hindi ba lagi niyo sinasabi sa amin na paparating na siya?" sabi ni Claire. "Oo nga, well this is the first time that the prophecies did not come true then" sabi ng matanda. "I heard what you were talking about, sabi niya may nakalaban sila"

"Siguro tama yung naririnig natin na balita tungkol sa isang elder" sabi ng dalaga. "Si Geron?" tanong ni Nicanor. "Opo, yan yung kumakalat na balita na e, hindi pa siya bumabalik sa isipan niya" sabi ng dalaga. "Then the boy is in danger" sabi ni Nicanor.

MASKARAWhere stories live. Discover now