Chapter 11: Ang Guro

4K 109 7
                                    

Chapter 11: Ang Guro

Isang araw nagtatampo si Miggy, si Althea panay ang tawag sa kaibigan niya pero ayaw nito sumagot sa walkie talkie. "Alam mo Miggy baguhin mo yang ugali mo na yan. Hindi maganda ang inggit" sabi ni Ivan.

"E magaling na siya, nacocontrol niya yung bird seed. Gusto ko din ganon" sabi ng bata. "Hindi maganda ang inggit" sabi ni Ivan. "E gusto ko din icontrol yung bird seed e" pilit ng bata. "Alam mo ba ano ang inggit?" tanong ni Ivan.

"Jealous" sagot ni Miggy. "Alam mo ang nagpatumba sa mga dati kong mga amo ay inggit" sabi ni Ivan. "Hindi ako amo mo, kaibigan mo ako" sabi ni Miggy. "Alam ko, kaya lang tinuturuan kita Miggy. Sana makinig ka" sabi ng nilalang.

"Bakit teacher ka ba?" tanong ni Miggy kaya napatigil si Ivan at napaisip ng matagal. "May mga memorya ako nagbabalik...pero hindi ako makapaniwala. Siguro mga memorya ito ng isang dati kong amo" bulong ng nilalang.

"Pano ka lumabas? Baby ka din ba noon?" tanong ng bata. "Hindi ko alam, ganito na ako ang pagkakaalam ko. Madaming mga memorya sa aking isipan pero hindi ko alam kung akin talaga sila o sa amo ko" sagot ng nilalang.

"Ang galing na ni ate" sabi ni Miggy. "Alam mo Miggy, yang inggit dapat iwasan mo yan. Kung hindi mo maiwasan gamitin mo sa tama. Etong pagtatampo mo at pagkukulong hindi maganda"

"Imbes na nandon ka kasama kaibigan mo at nagpapaturo e di sana humusay ka din. Ngayon nandito ka ano nangyayari sa iyo?" tanong ng nilalang. "E dapat mas magaling ako sa kanya kasi mas matalino ako" sabat ng bata.

"Mali ka din, daig pa ng masipag ang matalino" sabi ni Ivan saka hinaplos ulo niya. "Bakit?" tanong ni Miggy. "Hindi ko alam, parang bumabalik talaga ang isang memorya na guro ako. Madaming mga bata, mga katulad mo sila at sila ay aking tinuturuan" sabi ni Ivan.

"E di turuan mo nalang ako" sabi ng bata. "Alam mo Miggy, mas maganda kung si Althea magturo sa iyo kasi sabi mo hindi mo ako maintindihan. Oo tuturuan kita pero sa ngayon mas maganda kung kayo ang magturuan"

"Alisin mo sa isipan mo na ikaw ang dapat magaling. Madami ako amo na bumagsak din dahil diyan. Kaya puntahan mo kaibigan mo, magpaturo ka sa kanya. Alisin mo yang init ng ulo mo, alisin mo yung inggit, at lalo na alisin mo yung yabang" payo ni Ivan kaya tinungo ng bata ulo niya.

"Dito ka lang? Gusto mo sumama?" tanong ng bata. "Dito lang ako, naaliw ako dito sa...ano ulit tawag mo dito?" tanong ng nilalang. "TV, madami channel yan. Eto o remote pwede mo ilipat lipat" sabi ng bata. "Wag na, ayos na diyan" sagot ng nilalang saka naupo at nanood sa TV.

Sa pool area nina Althea, "Ituturo ko naman e, ikaw nagtampo ka agad" sabi ng batang babae. "Sorry na, nainggit kasi ako" sagot ni Miggy. "Alam mo pano ako gumaling? Kasi practice ako ng practice, nagtatampo na nga dolls ko kasi hindi ko na sila kalaro e" sabi ni Althea.

"Hindi pwede mabilis?" tanong ni Miggy. "Hindi, diba pinakita mo noon. Tapos inggit ako kaya practice ako ng practice tapos eto o kaya ko na ibang bagay o" sabi ng batang babae saka pinalutang yung manika niya.

"Wag mainggit" bulong ni Miggy. "Practice ka din pero alam mo ang hindi ko kaya gawin yung ginawa mo sa pool. Yung nagka wave" sabi ni Althea. "Ah, saka na yon kasi wind yon. May iba ka bang ginagawa para mag magic?" tanong ni Miggy. "Wala, doon nalang tayo sa park para wala makakita sa atin" sabi ni Althea.

Sa park nagpasikat si Althea, yung maliliit na bato lahat pinalutang niya. Inggit na inggit si Miggy pero nagpigil siya saka tumabi sa kaibigan niyang babae. "Ikaw isa isa muna ha, wag ka mainggit kasi pag namaster mo na isa mapapalutang mo na lahat" sabi ni Althea saka sabay nag meow sina Joey at Max.

Napalingon yung mga bata, dumaan si Chester kaya humarap si Miggy. "Ano problema niyo?!" sigaw ng binata bigla kaya yung mga bata nanigas. "Ano?! Ha?! Wala naman pala e" sigaw ni Chester saka naglabas ng kaha ng sigarilyo at lighter.

MASKARAWhere stories live. Discover now