Wicked Chapter Two

15K 265 97
                                    

"Bad terp?" biro ng isa sa mga kaibigan ni Cindy, si Aya. Maputi ito, matangkad at may payat na pangangatawan. Nakalugay ang itim nitong buhok na ang haba'y hanggang likod.

Kararating lang nila sa wash room. Kapag nandoon ang grupo nila, walang ibang pwedeng pumasok. Si Aya ang paboritong apo ng presidente ng kolehiyo kaya talagang makapangyarihan ang grupo nila.

Nakatuon lang ang palad ni Cindy sa malinis at talyadong lababo. Nanginginig siya, halata sa mukha ang galit nang sumagot siya. "Paanong hindi? Bwisit talaga yung Frog Prince na yon! Tama ba namang guluhin niya tayo?"

"Natural lang yun, Shin," sagot ni Elise sabay lagay ng kamay niya sa isang balikat ni Cindy. Matangkad rin ito ngunit hindi mahilig sa matataas na sapatos na tulad ng tatlong iba pa. "Girlfriend niya yung napagtripan natin eh."

"Is that enough reason for him to go against me?" sigaw ni Cindy. Tila ba sa mga niya nais ibunton ang inis na nadarama.

"Shin, chillax!" alo sa kanya ng best friend niyang si Aya.

"How can I effin' chill? Naiinis ako. This is the first time na napahiya ako. At nang dahil pa sa palakang yon. You know, I really don't get it. I know na mag-on sila. Pero sapat ba talagang dahilan yon? Never niya pa 'kong sinuway sa gusto ko. Never! My goodness, I really hate that Stefania."

"It's Stephanie, my dear."

"Whatever. I hate her. I really hate that bitch. I'll make sure na masisira ko rin silang dalawa."

"Jealous?" biro ni Courtney na nakatanggap ng matalim na tingin mula kay Cindy. Itinigil nito ang paglalagay ng lipstick sa sariling labi. "Uhh... just kidding!"

"Ayoko ng gano'ng biro, Court."

"I know! But I was just kidding!" Tinapos na ni Courtney ang pagre-retouch. Sa kanilang apat, siya ang may pinakamagandang hubog. Hourglass figure kumbaga, talaga naman kasing napapanatili nito ang 24 inches na bewang.

"Yeah, chill! Sige ka, tatanda ka agad niyan!" biro naman ni Elise.

Kahit tunay ang mga kaibigan niya, hindi pa rin maiwasan ni Cindy ang mangulila sa pagmamahal. Gusto niya ng pag-aaruga ng mga magulang. Pero wala na siya noon, kasalanan ni Prince. Ngayon ay lalong nadagdagan ang atraso ng inosenteng binata dahil sa insidente sa cafeteria. At iisa lang ang gusto niyang mangyari, ang makaganti.

Hindi lang kay Prince, kundi pati kay Stephanie.

Galit siya sa babaeng iyon.

Sobra.


***

Magkakasamang naglakad papunta sa parking lot ang apat na dalaga. Wala na rin naman silang klase noon kaya pwede na silang umuwi. Una nilang dinaanan ang direksyon kung saan ipinaparada ni Prince ang sasakyan nila. Sabay kasi silang umuwi ni Cindy dahil sa iisang bahay lang ang tutuluyan nila.

Malapit na sila sa pupuntahan nang matanaw nila ang pag-uusap ng magkasintahan.

Nakita ni Cindy kung paanong ipinatong ni Prince sa kanyang balikat ang kamay ng babae. Hinawakan niya pa ito sa bewang at may kung anong sinabi. Pinanood niya ang paglapit ng labi ni Prince sa dalagang agad naman itong sinalubong.

Kasing pusok ng paghahalikan ng dalawa ang ideyang pumasok sa isipan niya. Kumurba ang isang makahulugang ngiti sa mga labi ni Cindy. Alam na niya kung paano siya gaganti.


Stephanie can't help but moan soundly as if her mouth wasn't covered by Prince's. Kahit kailan talaga, nanghihina siya tuwing inaangkin ni Prince ang mga labi niya.

Mahigpit siyang nakapikit habang nakapulupot ang parehong braso sa batok nito. Palalim nang palalim ang halik na pinagsasaluhan nila. Wala silang pakialam noon kahit pa nga ba nasa pampublikong lugar pa sila.

"Ahhh—" fuck! Stephanie almost cursed out loud when her hair was violently grabbed by someone, pulling her away from her lover.

"What the—" hindi naituloy ni Prince ang dapat sana'y reklamo niya nang makita kung kaninong kamay ang nakasabunot sa buhok ng kasintahan niya-kay Cindy. May pang-asar na ngiting nakaguhit sa labi nito. "Cindy."

"Oh, stupid frog freak! How many times should I tell you it's Shin?"

"Let her go."

She rolled her eyes and made faces. Then she violently pushed her.

Pinilit namang saluhin ni Prince ang dalaga. "Stephanie, okay-"

Hindi man lang natapos ni Prince ang sasabihin niya nang higitin siya ni Cindy mula sa likuran ng kwelyo niya. "Tara na, umuwi na tayo."

Napatingin si Prince kay Stephanie sa huling pagkakataon. Ni hindi siya nakapagpaalam rito nang maayos.

Wala nang nagawa si Stephanie kundi ang panoorin kung paanong sumunod ang nobyo niya sa utos ng pangunahing kontrabida ng kanilang masayang pagsasama. Pinulot niya na lang ang kanyang mga gamit na kanina'y naihulog niya.

Binuksan ni Prince ang pinto sa backseat ng kotse. Sa likod kasi sumasakay si Cindy para mas damang-dama niya ang pagiging amo niya kay Prince. Agad ring umikot si Prince papunta sa driver's seat. Ngunit bago pa man siya tuluyang makasakay ng kotse ay binalingan niya ng tingin si Stephanie. Nag-sorry na lang siya rito gamit ang kanyang mga labi. Pilit namang ngumiti si Stephanie para sabihing ayos lang siya. Wala rin naman siyang magagawa.


***

"Cindy, ano na naman bang problema mo?" habol ni Prince sa dalaga. Agad kasi itong bumaba mula sa kotse noong pagkaparadang-pagkaparada ng sasakyan sa harap ng malaking bahay.

"Ang problema ko? Gusto mong malaman? Yung girlfriend mong makati pa sa higad."

"Cindy, please. How many times should I ask you this?"

"And how many times should I tell you to call me Shin so your tiny mind could get it?"

"Fine, Shin. Now, pwede ba wag mo namang idamay yung girlfriend ko sa galit mo sa'kin?"

Sa kung anong dahilan, lalong nag-init ang dugo ni Cindy sa narinig. Tinitigan niya nang diretso si Prince sa mata gamit ang mga mata niyang punung-puno ng galit.

"Sasaktan ko kung sino ang gusto kong saktan at idadamay ko ang lahat ng gusto kong idamay. You know what, dahil alam kong mahal na mahal mo ang babaeng yon, lalo ko siyang gustong pahirapan."

"Cindy." His eyes were rather fierce, as if he was trying to equal the fire in her eyes.

Galit na napabuntong hininga ang dalaga. Hindi niya gustong ginaganito siya ng binata. Hindi siya sanay na wala ito sa kanyang tabi.

"That bitch."

"Stop addressing her that way."

Lalong nainis si Cindy. "Lumuhod ka muna sa harap ko at baka maawa ako sa girlfriend mo."

Umiling lang si Prince.

"You can't? Then mark my word. Lagot siya sa'kin." And she stormed the living room to go up to her quarter. Malakas niya pang ibinagsak ang pinto.

Napatingin na lang si Prince sa direksyon ng kwarto ni Cindy. Napabuntong-hininga siya. Pakiramdam niya ay lalo niya lang inilalayo ang loob ng dalaga sa kanya.

Mali.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon