Wings [Watty's 2020]

By Sandara022

4.1K 1.5K 481

What if pag-uwi mo ng bahay nyo may magsabi sa inyong sinusundo ka na nila? Si kamatayan ba toh? Maybe... ___... More

Disclamer
Prologue
Chapter 1- Wings?
Chapter 2- A Visitor?
Chapter 3- Takas
Chapter 4- The school
Chapter 5- Empyrean
Chapter 6- New Friends
Chapter 7- About Empyrean
Chapter 8- Ranking
Chapter 9- Trouble
Chapter 10- Library
Chapter 11- Garden of Darkness
Chapter 12- Looks
Chapter 13- Clinic
Chapter 14 - Practice
Chapter 15- The True Yna
Chapter 16-Mission
Chapter 17- Goodbye For Now
Chapter 18-Danger
Chapter 19- Bus and Jeep
Chapter 20- Missing Yna
Chapter 21- Village
Chapter 22- Mount Ajji
Chapter 24- Swing Bed
Chapter 25- Comeback Home
Chapter 26- Kapangyarihan
Chapter 27-The plan
Chaptet 28- The Chase
Chapter 29- Boyfriend?
Chapter 30-Save Yna
Chapter 31- Grandfather
Chapter 32- Espiya
Chapter 33- The feelings
Chapter 34- Party
Chapter 35- Rewrite the stars
Chapter 36-Jack
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Extra Chapter 1

Chapter 23- Madam Everest

62 28 0
By Sandara022


"Pagod is really really real~~." Reklamo ni Ley na pinipilit na lang na umakyat ng bundok. Lahat kami may hawak ng mahabang sanga para alalayan ang sarili namin sa pag-akyat .

"Shut up guys naiinis ako sa lahat ng bagay ngayon!" Sigaw sa amin ni Olivia na nakakunot ang noo.

"Buwanang dalaw mo ba ngayon?" Tanong ni Lorin kay Olivia kaya tinignan sya ng masama ni Olivia, napaatras naman si Lorin dahil sa takot.

"No. Naiinis lang talaga ako sa lahat ng bagay ngayon. I'M NOT IN THE MOOD!"

I'm not in the mood daw! Bilisan na natin sa pag-akyat baka ako pa pagbugtungan ng galit ng isang yan. Pagod na pagod na siguro kaya galit.

"Kumalma nga kayo!" Lagot, sumigaw na si Jack. Mukhang inis na rin.

"Sigaw pa more." Sabay irap ni Gary na tinutukoy si Olivia. Inis na nga talaga sila, hayyy.

"Pfft--" biglang nagpigil si Han ng tawa dito sa tabi ko. Baka siguro ayaw nyang mapuna sya ni Olivia kaya pinigilan nyang matawa.

"Olivia oh, si Han nagpipigil ng tawa." Sumbong ko  kaya napatingin ng masama si Olivia kay Han.
Nagtago naman si Han sa likod ko para hindi sya makita ni Olivia.

"Ikaw naman, Yna! Hindi kaya ako natawa!" Depensang sigaw ni Han kaya medyo napatawa ako. Inalis na ni Olivia ang tingin nya sa amin kaya pagkakataon na ni Han na hampasin ako sa balikat.

"Aruuuy! Bakit ba?" Mahinang sigaw ko sa kanya. Di mo gets? Mahinang sigaw? Sya patiwakal. De joke lang nananalantay na naman kase lahat ng kalokohan at kapasawayan dito sa katawan ko.

"Binuking mo ko." Nanlilisik na matang sabi nya sakin kaya napatawa ako at patakbong lumapit kay Jack, bago pa ko makalapit kay Jack...

"ANOO!?" tarantang sigaw ko. May dumagit kase sa aking malaking ibon. Napahawak sa kamay ko si Jack dahil naramdaman nya ang pagkakadagit sa akin.

Magkahawak kami ng kamay ni Jack pero malapit na kong mapabitaw kaya inatake ni Lorin ng Air ball ang ibon kaso hindi ito natinag sa pagkakahawak sa akin.

Sunod-sunod na silang umatake samantalang si Jack ay hindi maka-atake dahil hawak nya ko.

Masakit na rin ang pagkakahawak sa akin ng ibon dahil sa matutulis nitong kuko kaya unti unti akong nanghihina.

'Di nagtagal ay napabitaw na ko. Kasabay ng pagkakabitaw ko kay Jack ay syang pagkakadagit din sa kanilang lahat at dinala kami sa kung saan.

Feeling ko dadalhin nila kami sa pinakamataas na parte ng bundok.

Nang makarating kami sa pinaka tuktok binitawan ako bigla ng ibon kaya napasigaw ako.

"AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!"

Naramdaman kong may sumalo sa akin mid-air kaya napatingin ako dito. Nakita ko naman si Jack na nakalabas ang pakpak at buhat ako ng pa-bridal style habang nasa ere kami.

Pagka-landing naming dalawa sa lupa, binitawan agad ako ni Jack at dinamba naman ako ng yakap ni Frena.

Ang iba ay nakaupo sa lupa dahil katulad ko binitawan din sila ng mga ibon sa ere.

"Grabe yung mga ibon na yun! Wala manlang kaawa awang binagsak ako!" Reklamo ni Ley na nakahawak sa balakang nya.
"Binitawan din naman kami sa ere pero di kami nagrereklamo!" Sabay rolleyes ni Frena kaya napa-roll eyes din si Ley.

"Tumigil na nga kayo sa pag-aaway nyo! Ako ang naloloka sa inyo eh!" Saway ni Gary sa dalawa. Bigla namang nagsalita si George kaya napatingin kami sa kanya.

"Tingin nyo kanino kayang templo toh?" Tanong sa amin ni George kaya napalingon kami sa tinitingnan nya. Nang makita namin yung kanina nya pa tinititigan ay napanganga kame.

"George, kanina mo pa ko katabi pero 'di mo agad binanggit!" Sabay binatukan ni Josh si George kaya napahawak ito sa batok nya.

"Baka eto na ang bahay ni Madam Everest." Sabi pa ni Gray kaya napatingin ako sa kanya sabay tingin ulit sa temple.

Nakita kong nauna ng naglakad si Jack papasok ng templo, sumunod naman si Olivia kaya sumunod na din kaming lahat.

"Mas nakakatakot pa yung templo na toh kesa sa mga horror movies." Saad ni Josh na narinig ko.

Gabi na kase at ang templo na ito ay sira-sira na and ready to collapse.


"Magdasal ka nalang na wag sanang lumindol." Pagkasabi ko non ay biglang gumalaw ang lupa. How convenient. Tsk tsk.

"Too late, lumilindol na." Sabat ni Frena na nakatingin ng diretso sa daan, tumingin din ako dito at nakita kong babagsak na yung templo. Kapag hindi kami nakaalis agad dito, mamatay kami ng sama-sama.

"Anong plano?" Tanong ni Lorin na kinakabahan.
"Magandang tanong yan kase ang magandang gawin ngayon ay  TUMAKBO!"  napatakbo kaming lahat pabalik sa pinanggalingan namin ng sumigaw si Josh. Ang kaso, biglang lumiwanag kaya napahinto kami sa pagtakbo at saka napatakip ng mata.

Sa pagmulat namin ay isang magandang templo na ang nasa harapan namin ngayon.

Whut? Nasan na yung sira-sirang templo kanina?


"Wow..." Bulaslas ni Han na pinapaikot-ikot ang tingin sa paligid, ganon din ang ginawa naming lahat.

"Sabihin nyong nanaginip lang ako." Utos ni Frena.
"Nanaginip ka lang." Oh well, masunurin kase si Ley. Pero hindi na sya pinansin ni Frena at umirap nalang.

"Anong kailangan nyo?"

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

Nakarinig kami ng boses sa likod namin kaya natakot kami nina Frena, Lorin, Gary at Han. Magkakayakap kami ngayong lima dahil sa sobrang takot.

"Magsikalma nga kayo! Nakakahiya kayong kasama." Saway sa amin ni Olivia kaya naghiwa-hiwalay na kami ng yakap.
"Kayo po ba ang Everest na maaaring makatulong sa amin?" Tanong ni Gray sa babaeng nakaputi.


"Oo ako nga. Sumunod kayo sa akin." Utos sa amin ng babae kaya sumunod naman kami.

"Alam ko ang kailangan nyo at maari akong makatulong sa pagcontrol ng kapangyarihan ni Yna." Nagulat ako dahil alam nya ang pangalan ko pero mas nagulat ako ng makitang nakatingin sya sa akin.

Hindi pa  kase kami nagpapakilala sa kanya at lalong hindi pa namin nasasabi sa kanya ang pakay namin pero parang may alam nya na sya.

Maya-maya lang, nakarating kami sa sala at huminto kami dun.

"Empyreans. Mag-si-upo muna kayo dyan at ikaw Yna ang susunod sa akin." Pagkasabi nya non ay tumalikod na sya at nagsimulang lumakad. Napatingin muna ko sa mga kasama ko at nakita kong tinanguan nila ako.

"Kaya mo yan."

Nagulat man ako ng marinig ko ang boses ni Jack sa loob ng utak ko pero pinagsawalang bahala ko muna iyon at sumunod kay Everest bago nya pa ko maiwanan. But I appreciate what Jack said.

Nakarating kami sa isang malawak na library at dun lang ako hinarap ni Madam Everest.


"Yna... Malakas ang kapangyarihan na taglay mo. Sa sobrang lakas nito na kahit ikaw, ako o isa man sa mga guardians ay hindi ito kayang kontrolin." Paliwanag nya sa akin ni Madam Everest kaya napatitig ako sa mukha nya.

Kung ganon, pano sya makakatulong sa amin? Wala na ba talaga kong pag-asa?

"Ano pa po bang pwede kong gawin? Hindi na ba magagawan ng solusyon?" Tanong ko.
Iniwan naman nya ko sa gitna ng kwarto at may nilapitan syang kahon, lumapit ako sa kanya at may nilabas syang isang kwintas.

Hinarap nya ko bago nya iniabot sakin ang kwintas, nagtaka naman ako.

"Suotin mo ang kwintas na ito at lilimitahan nya ang kapangyarihang ilalabas mo." Paliwanag nya ulit.

"Anong mangyayari kung  hindi ko po ito gagamitin?" Tanong ko at kinuha sa kamay nya ang kwintas at sinuri ito.

"Malakas ang malalabas mong kapangyarihan, Yna. Pag nasobrahan ka sa paggamit ng kapangyarihan mo ay pwede itong ikasira ng mundo natin at mundo ng mga tao. Kung hindi man masira ang dalawang mundo, pwede mo naman itong ikamatay." Napahawak ako ng mahigpit sa kwintas na binigay sa akin ni Everest.

Ba't kailangang mangyari sa akin ito?

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 476K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #03 â—¢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
32.7K 1.8K 33
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
9.9M 494K 80
â—¤ SEMIDEUS SAGA #04 â—¢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...