JuliElmo One Shots Book 2

By MyTrixietrix

92.5K 4.1K 213

Anything beyond your imagination. More

"Sleep Well"
"My Plan"
"Cold Coffee"
"Scratch"
"Iron Girl"
"Ocean Eyes"
"April Fools"
"With a Smile"
"Focal Point"
"Fluctuating"
"So Much"
"Cruel Dreamer"
"Statue"
"Correction"
"Naririnig"
"Red Box"
"Harmonica"
"Takas"
"Sixth"
"Final Walk"
"Manga"
"Chemistry"
"Last Man"
"If it's Love"
"Early"
"Cupid"
"Fight Song"
"Deleted"
"Destination"
"Pokemon"
"Pasalubong"
"Prom"
"Quits"
"To be Continued"
"Lifeline"
"Miracle"
"Best Part"
"Air"
"Seed"
"Game Over"
"Take a Bow"
"For Now"
"One of Us"
"Bulong"
"Gamot"
"Elevator"
"Bestie Goals"
"Inevitable"
"PromoShoot"
"Receive"
"Pangarap"
"Salad"
"Unperfect"
"Single"
"Tiptoe"
"Timing"
"Take Two"
"Cycle"
"B"
"Too"
"Instead"
"Chase"
"Signature Move"
"Count to Three"
"Preso"
"Y and X"
"Coin"

"Escape"

942 60 2
By MyTrixietrix


"Escape"

Kukuha na sana ako ng tubig sa ref ng biglang may nag doorbell. Wala naman akong ine-expect na bisita ah? Pumunta ako sa may pintuan at binuksan ko ito. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya na nakatayo sa labas ng unit ko. Tumingin siya sakin. Magsasalita palang sana ako pero naunahan ako ng mga yakap niya.

Bakit mo ko niyayakap?

Bakit ka nandito?

"I'm tired."

Hindi ako makakilos. Wala ding lumalabas na salita sa bibig ko at parang nakalimutan ko lahat ng dapat kong isipin dahil sa yakap na binibigay niya sakin. Pero napaisip ako sa salitang binitawan niya. She's tired.

"Pagod na pagod na ko."

Ano bang ginawa niya at napagod siya? Tumakbo ba siya? Pero hindi naman siya hinihingal. Sa pagkakaalam ko wala naman siyang ginagawa ngayon at nananatili lang siya sa bahay niya nila. Naramdaman ko na mas humigpit ang yakap niya sakin.

"Ganito ba talaga kahirap makaalis sa mundo mo? Ganito ba kahirap makaalis sa mundong ginawa nating dalawa? Pagod na ko. Pagod na pagod na ko."

Julie..

Doon lang ako natauhan sa mga sinabi niya. Hindi siya napagod sa kahit ano mang bagay pero pagod na siya dahil sa posisyon na meron kami. Matagal na niyang sinabi sakin ang gusto niya at ito nalang ulit ang unang pagkakataon na lumapit siya sakin. Hinayaan ko na siya sa gusto niya pero bakit parang may kulang pa din? Hindi pa rin ba siya masaya?

"Julie.."

Nilayo ko siya ng kaunti sakin para makita ko ang mukha niya. Nanatili lang siyang nakayuko. Julie, hindi ka dapat sakin tumatakbo kung pagod ka na sa mga nangyayari. Ibinigay ko na sayo ang kalayaan mo dahil sa hiling mo at dahil nakikita ko na doon ka sasaya pero mukhang kulang pa talaga.

Inakay ko siya at pinaupo sa sofa.

"Kukuha muna ko ng tubig."

Hindi naman siya nag react. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref. Pagod na pagod ako kanina dahil kakagaling ko lang sa gym pero nung nakita ko siya mas dumoble ata ang pagod ko. Napailing nalang ako at naglagay na ng tubig sa baso. Lumabas ako at lumapit sakanya.

"Uminom ka muna."

"S..Salamat."

Kinuha niya ang tubig at uminom.

"Ano bang problema?"

"Tayo."

Tumingin siya sakin.

"Tayo? Diba wala ng tayo?"

Pakiramdam ko napahiya ko siya sa sinagot ko kaya bumawi ako.

"I mean...tungkol ba ito sa mga fans natin? Sa JuliElmoes? Diba sila nalang naman yung kumokonek sating dalawa."

Dahan dahan siyang tumango.

"Pakiramdam ko ako na ang pinaka masamang tao. Biruin mo yun, nagawa kong iblock ang mga fans natin. Nagawa ko silang sagutin. Nagawa kong sabihan sila na umalis nalang. Diba ang sama ko? Ang sama ko na ba masyado sa mga ginagawa ko ngayon? Iniisip ko lang naman kung paano ko p-protektahan ang taong importante sakin..."

Tiningnan niya ko.

"Kaya paano nangyari na sa kabila ng pag proteka ko sa taong mahal ko, libo libo naman ang taong nasasaktan ko? Bakit ganun ang kapalit? Kaya kita tinatanong kung bakit ang hirap makaalis sa mundo mo. Sa mundo na ginawa nating dalawa. Bakit ang hirap?"

Ano nga ba ang dapat kong isagot?

"Julie.."

"Gusto ko ng umalis sa mundong yun. Nakakasakit na ko. Nasasaktan na ko. Hindi na ba importante ang kasiyahan ko? Palagi ko nalang bang iisipin ang kasiyahan ng iba? Wala na ba kong karapatan para mag desisyon ng walang iniisip na baka may masaktan ako? Nakakapagod na kasi, Moe. Nakakapagod na ang JuliElmoes."

Napasandal siya sa sofa matapos niyang sabihin yun. Pinagmamasdan ko siya. Ang lungkot ng mga mata niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya matapos niyang hingin sakin ang kalayaan na gusto niya. Hinayaan ko na siya na mamuhay sa mundong pinili niya. Akala ko sasaya na siya ng tuluyan pero bakit ganito? Sa desisyon niya ang dami niyang nasaktan. Sa naging desisyon niya madaming nadadamay. Sa desisyon niya pati siya nasasaktan.

"Hindi naman kasi solusyon ang pag block sakanila, Julie. Hindi naman kasi natatapos ang problema sa ginagawa mo. The more na iniiwasan, the more na mas lumalaki ang problema. You need a solution not a commotion."

"So anong gusto mong gawin ko? Manahimik? Palagi nalang akong nananahimik, Elmo. Akala ko kapag nanahimik ako titigil ang lahat. Akala ko kapag nanahimik ako masasabi nila na wala akong pakialam pero mali eh. Hindi ka lang pwedeng manatili na tahimik dahil hindi nila nalalaman na nakakasakit na sila. Hindi nila nalalaman na hindi na tama ang ginagawa nila. Kaya ko binasag ang katahimikan ko."

"Nabawasan ba? Nabawasan ba ang problema nung binasag mo ang katahimikan mo? May nangyari ba? Naging masaya ka ba?"

Tumingin siya sakin at umiling.

"Hindi, dahil alam ko sa sarili ko na mas lumala ang problema. Don't get me wrong, hindi ako ganun kasaya kung alam kong may nasasaktan ako."

"Oo nga naman kasi kung tunay kang masaya edi sana wala ka dito ngayon."

Pareho kaming natahimik sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Kung masaya siya edi sana wala siya ngayon dito dahil hindi naman ako ang dahilan ng kasiyahan niya eh. Isa nga ako sa mga dahilan na nilayuan niya para piliin kung saan talaga siya sasaya. Pero bakit nga ba? Bakit nga ba siya nandito?

"Bakit ako, Julie?"

Huminga ako ng malalim.

"Bakit ako ang tinakbuhan mo? Bakit hindi ka tumakbo sa boyfriend mo? Bakit hindi ka tumakbo sa mga kaibigan mo? Sa pamilya mo? Bakit ako ang napili mong takbuhan sa panahon na lubog ka na? Hindi mo ba naisip na parte ako ng mundong gusto mong layuan? Diba parte ako ng JuliElmo? Hindi mo ba naisip na parte ako ng mundong inaayawan mo? Na pilit mong tinatakbuhan palayo? Bakit ako..."

Napayuko ako.

"Parte ako ng mundong tinatakasan mo..mundong gusto mo ng kalimutan. Parte ako nun, Julie. Of all people, bakit kailangan ako pa? Wala ka na bang ibang option?"

"Dahil alam ko na naranasan mo na ang nararanasan ko ngayon. Pareho na tayo at sa tingin ko ikaw lang ang makakaintindi sakin."

Umiling ako.

"No, Julie. Hindi tayo magkapareho. Hindi ko ginawa ang ginagawa mo ngayon. Kahit pa sobra din akong nasasaktan sa ginagawa nila sakin, hindi ko nagawang saktan sila pabalik. Hindi ako nag block. Hindi ko sinasagot ang mga taong nambabash sakin. Ang coward bang pakinggan? Well yes. Dahil wala namang maidudulot na maganda ang pag ganti. Aaminin ko minsan naiinis ako sakanila pero mas nangingibabaw yung katotohanan na kahit anong gawin ko, hindi nila ako iiwan. Na mas pipiliin pa din nilang isipin na isa ako sa mga nagpapasaya sakanila. Tingin mo ba deserve ko matawag na happiness nila?"

Umiling ako.

"No. I don't even deserve them. But still, they chose to stay with me. To be with me.."

"M..Moe.."

Hindi ko na alam pero gusto ko na din sumabog. Hindi ako masaya sa mga nangyayari. Hindi ako masaya na makita siyang nasasaktan. Nagparaya ako dahil ang sabi niya sasaya siya kapag pinakawalan ko siya pero naiinis ako dahil gumagawa siya ng bagay para hindi matupad ang pinangako niya sakin.

Tumayo ako. Sunod sunod ang paghinga ko ng malalim.

"Gusto mo malaman kung anong side ko sa nangyayari sayo? Gusto mo makakuha ng sagot mula sakin, Julie? Sige, sasagutin kita. Mali. Lahat ng nangyayari ngayon, mali. Mali na binitawan mo sila. Mali na hinayaan mo sila na unti unting mawala sayo. Kung ganito ka magpakita ng pag protekta sa sarili mo at sa taong mahal mo pwes mali, Julie. Sa ginawa mo, sino na ang magpo-protekta sayo? Kaya ka bang protektahan ng boyfriend mo? Diba nakikisabay lang siya sa ginagawa mo? Pag protekta na ba ang tawag dun? Aasa ka ba sa nga fans niyo? Bakit? Saan ba sila nagsimula? Saan sila nanggaling? Diba sa JuliElmo din? Diba sila yung mga nag desisyon na samahan ka sa kasiyahan mo, suportahan ka sa mga ginagawa mo pero naisip mo ba na naging isa din sila sa mga taong sinasaktan mo?"

Nakita ko siyang umiiyak. Ayoko na sanang ipagpatuloy pa ang pagsasalita ko ng katotohanan pero wala naman akong magawa dahil pati ako hindi ko na mapigilan ang damdamin ko.

"Maling mali kasi, Julie. Nag focus ka kasi sa kung anong meron ka lang ngayon at hindi sa kung anong meron ka pa. Mas madami mas masaya. Mas madaming fans mas marami ang magmamahal sayo, magpo-protekta sayo.."

Napaupo ako at yumuko.

"Julie Anne San Jose will never be Julie Anne San Jose without JuliElmoes. At kahit pa sabihin mo na ayaw mo na sakanila. Na okay lang mawala sila? Julie..hindi mo na kailan pa mabubura ang katotohanan na parte sila ng buhay mo. At ganun din sila sayo, kahit pa gaano sila kagalit sayo? Sigurado ako na nahihirapan din silang bitawan ka dahil parte ka na ng pagkatao nila."

Matapos ng mahaba kong sinabi, tuluyan ko na ding narinig ang paghikbi niya. I didn't mean to hurt her pero yun ang katotohanan. Ayokong magsisi siya sa huli kaya hangga't maaga pa, hangga't may natitira pang naniniwala saming dalawa at naniniwala sakanya, isasave ko siya.

"Tama na siguro, Julie. Tama na yung pagpapakita na nagbago ka na. Na ibang iba ka na sa Julie na minahal nila. Napakita mo na sakanila na independent ka na, na kaya mo ng mag-isa. Ito lang ang sasabihin ko sayo, meron pang natitira, wag mo na sanang hayaan na mawala pa yun sayo."

Napapailing si Julie habang patuloy pa din sa pag-iyak.

"I'm sorry...I'm sorry.."

Ngayon ko nalang ulit siyang nakita na ganito ka down. Yung para siyang batang niligaw at hindi niya alam kung paano siya makakauwi. Lumapit ako sakanya at tumabi. Dahan dahan kong kinuha ang kamay niya na nanginginig na ngayon. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"Tahan na, Julie."

"I'm really sorry.."

"Mapapatawad ka din nila."

Kinapa ko ang shorts ko kung meron akong panyo pero wala. Nakalimutan ko na kakagaling ko lang sa gym. Ginamit ko nalang ang mga kamay ko bilang pangpunas sa luha niya.

"Tahan na. Okay? Darating ang panahon na maiintindihan mo sila at maiintindihan ka nila. It takes time."

Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Mahal ka ng JuliElmoes."

At mahal din kita.

"S..Sana dumating yung panahon na maparamdam ko sakanila na mahal ko sila. Na kahit nagbago ako, yung pagmamahal na meron ako para sakanila, hindi mawawala yun."

Pilit akong ngumiti sakanya.

"Tulad ng sabi ko, it takes time."

Nanatili kami sa ganung posisyon. Hawak ko ang kamay niya. Kahit dito man lang sana maramdaman mo na nandito pa din ako. Na ako pa din yung Elmo sa JuliElmo na minahal ng lahat. Na minahal mo. Hindi ko man makita sa ngayon yung Julie sa JuliElmo na minahal ko, alam ko sa sarili ko na ikaw pa din yung Julie na hinayaan kong mawala sakin dahil lang sa mas mahalaga ang kaligayahan mo kesa sa ikakasiya ko.

"Gusto mo kumain? Magluluto ako."

Tumango naman siya. Iniwan ko muna siya sa sala at nagpunta na ko sa kusina. Nagluto ako ng simpleng pagkain lang. Matapos ko magluto, binalikan ko siya. Kumain ka ng sabay. Tahimik lang siya at ako naman, nawalan ng sasabihin.

"Moe.."

"Hmm?"

"Can I stay?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Parang trumpo naman ang isip ko na hindi ko malaman kung anong isasagot sa tanong niya.

"Diba parang mali yun?"

Wow, Elmo. Alam mong gustong gusto mo ang idea na manatili siya dito. Ito na ang chance mo na makasama siya pero ikaw pa ang nagbibigay ng dahilan sakanya na magdalawang isip sa sinabi niya. Tsk.

Tiningnan niya ko. Nakita ko sa mata niya ang sinseridad.

"Please let me stay. Puro kamalian naman na ang nagagawa ko kaya hahayaan ko na..pero kung totoong mali ang hiling ko sayo? Wag kang mag-alala, hindi ako magsisisi sa kamaliang ito."

"Okay."

Binigyan niya ko ng isang maliit na ngiti. Pumunta na siya sa kwarto ko. Pinahiram ko muna siya ng damit ko para maging kumportable siya. Mabilis naman akong nakapag asikaso ng sarili ko bago ako tumabi sakanya sa kama. Hindi naman na bago saming dalawa ito.

"Moe.."

"Hmm?"

Bago pala ang mga ito, pinaalam ko muna sa magulang niya na kasama ko siya.

"Thank you. Thank you for listening. Thank you sa payo mo. Thank you for lending me your shoulder. Hindi ako nagkamali na ikaw ang lapitan ko."

Ngumiti nalang ako sakanya. Kung ito lang ang paraan para makasama ka? Hahayaan kitang tumakbo sakin kapag may problema ka. Hahayaan kita, Julie.

"Matulog ka na."

Pipikit na sana ako ng magsalita siya ulit. Nakatitig siya sa mga mata ko.

"Mahal mo pa rin ako."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Alam ko kasi na sinabi ko sakanya noon na para hindi na ko masaktan, ihihinto ko na ang pagmamahal ko sakanya. Pero nabigo ako.

"P..Paano mo nasabi?"

Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. Hinahaplos niya ito.

"Dahil nakikita ko yung Elmo sa JuliElmo na minahal ko. Nakikita ko pa din siya sayo. Yung Elmo sa JuliElmo na mahal ako."

Mahal pa talaga kita, Julie. Mahal na mahal. Kinuha ko ang kamay biya na humaplos sa pisngi ko at hinila yun para mas mapalapit siya sakin. Niyakap ko siya.

"Thank you ulit, Moe. Thank you.."

Ay niyakap niya ko ng mahigpit. Dinama ko lang ang yakap niya. Nang maramdaman ko na pantay na ang paghinga niya tska ako nagkaroon ng pagkakataon na mas matitigan ko siya. Hinalikan ko siya sa noo.

Napangiti ako sa naisip ko.

After what happened last time, I'm never letting you go. This time, I won't let you escape my world. It will always be a part of you.

A part of us.

The End. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 24K 56
just for fun
154K 8.8K 95
Inspired by: Gokusen [BOOK 01] Ginamit lang kita para makaganti sa kapatid mong traydor. I use you like a toy. Started Date: October 03, 2020 End: Ju...
913 51 11
This is the story about the Farmers daughter and a Millionaire daughter, nor they met when they was a children saving each other in the danger and Fa...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...