JuliElmo One Shots Book 2

By MyTrixietrix

92.5K 4.1K 213

Anything beyond your imagination. More

"Sleep Well"
"My Plan"
"Cold Coffee"
"Scratch"
"Iron Girl"
"Ocean Eyes"
"April Fools"
"With a Smile"
"Focal Point"
"Fluctuating"
"So Much"
"Cruel Dreamer"
"Statue"
"Correction"
"Naririnig"
"Red Box"
"Harmonica"
"Takas"
"Sixth"
"Final Walk"
"Manga"
"Chemistry"
"Last Man"
"If it's Love"
"Early"
"Cupid"
"Fight Song"
"Deleted"
"Destination"
"Pokemon"
"Pasalubong"
"Prom"
"Quits"
"To be Continued"
"Lifeline"
"Miracle"
"Best Part"
"Air"
"Seed"
"Game Over"
"Take a Bow"
"For Now"
"One of Us"
"Bulong"
"Gamot"
"Elevator"
"Bestie Goals"
"Inevitable"
"PromoShoot"
"Receive"
"Pangarap"
"Salad"
"Unperfect"
"Single"
"Tiptoe"
"Timing"
"Take Two"
"Cycle"
"B"
"Too"
"Instead"
"Chase"
"Signature Move"
"Escape"
"Preso"
"Y and X"
"Coin"

"Count to Three"

946 46 6
By MyTrixietrix


"Count to Three"

"Come with me."

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at niluwa siya nito. Seryoso ang mukha niya habang sinasabi abg katagang yun. Hindi ko siya maintindihan.

"Why?"

"I have no time to answer your question, Julie Anne. I need you to come with me."

Umiling ako.

"Ayoko. Walang dahilan para sumama ako sayo."

Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko at nilapitan nalang niya ko at bigla akong hinatak. Pumapalag ako pero masyado siyang malakas.

"Ano ba! Let go of me!"

Hindi ko napansin na mabilis niya kong nakaladkad sa hagdanan. Nakita ko na nakatayo si Mama at Papa.

"Ma! Pa!"

"Tito, Tita, aalis muna po kami ni Julie."

Nagkatinginan si Mama at Papa sabay tumingin sa kumag na ito.

"Sure."

Nanlaki ang mata ko ng pumayag sila. Ngumiti naman ang loko at muli akong hinatak hanggang sa nakarating na kami sa kotse niya. Pinasakay niya ko.

"Saan mo ba ko dadalhin ha? At talagang nabilog mo ang magulang ko at pumayag sila na sumama ako sayo?"

Galit na sabi ko sakanya. Tiningnan niya ko.

"Bakit? Obvious na ba na sakin parin nagtitiwala sila Tito at hindi sa boyfriend mo?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Sinarado niya ang pinto at sumakay na din sa kotse. Tiningnan ko siya ng masama. Okay, sige. Tama na siya dun sa part na nagtitiwala sakanya sila Mama at Papa pero gumagawa ng paraan si Ben na ma gain ang trust nila. Tumingin ako sa pinto at akmang bubuksan ang pinto ng nilock niya yun.

"Ano ba! Walang point para magkita at mag usap tayo kaya please lang.."

Hindi siya nagsalita at inasikaso lang ang pag seatbelt sakin. Tiningnan niya ko.

"No escaping now, Julie."

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Wala na kong nagawa dahil hindi rin naman ako makakaalis. Wala din ang cellphone ko para humingi ng tulong. At hindi naman ako makapag reklamo dahil may basbas ng magulang ko ang pagkidnap sakin ng Mokong na ito. Palihim ko siyang tinitingnan at nakita ko na seryoso lang siya. Wala akong nakikitang kahit anong emosyon sa mukha niya.

Naalala ko noon tuwing nagmamaneho siya. Tuwing patakas kaming nagkikita, palagi siyang nakangiti kahit pa nagmamaneho. Ang sabi niya sakin hilig niya ang makasama ako sa loob ng kotse o kahit saan basta kaming dalawa lang. Nag eenjoy siya kasi pareho kami ng hangin na nalalanghap. Hobby ko din noon na pagmasdan siya pero ngayon iba. Ibang ibang Elmo ang nakikita ko. Parang halos walang bakas ng Elmo na kilala ko noon.

Ako ba ang may gawa nito?

Masyado na bang masakit ang nagagawa ko at hindi ko naramdaman na nakagawa ako ng isang manhid na tao?

Ako ba?

"Nandito na tayo."

Tumingin ako sa paligid at nakita ko na nasa overlooking kami ng Antipolo. Dito kami madalas magpunta lalo na kapag may problema kami. So ibig sabihin may problema nga talaga kami na pag uusapan. Bumaba siya ay pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba na din ako at hindi na nag-abala pa na kausapin siya dahil mag aaway lang kami. Mas maganda ng siya ang mauna para matapos na ito.

Umupo kami sa may puno doon. Pinutol na puno yun na ginawang upuan. Nakatingin ako sa city lights. Maganda. Sobrang ganda ng lugar na ito pero naisip namin na dito dalhin ang problema namin. Nagbabakasakali kasi kami na kung nasa isang magandang lugar kami, lahat ng problema namin mawawala. Lahat ng pangit matatabunan ng maganda.

"I'm starting to hate you, Julie."

Napatingin ako sakanya ng sabihin niya yun. Masama ang tingin niya sa view. Maganda masyado yun para samaan lang niya ng tingin. Pero anong magagawa ko kung galit naman talaga siya.

I'm starting to hate you.

Yes, finally. Gusto ko talagang marinig sakanya ang mga katagang yan noon pa man. Parati niya kasing sinasabi sakin na mahal niya ko at lalaban siya para samin. Hindi ako sumasagot sa mga sinasabi niya dahil umpisa palang mas gusto ko na marinig na galit siya sakin. Ano kayang dahilan?

"Why?"

"Dahil sobra na. Okay lang kung ako ang nasasaktan eh pero sana naman wag mo na sila idamay. Nasa tabi mo sila nung mga panahon na wala ako. Nasa tabi mo sila nung nga panahon na nasasaktan ka ng dahil sakin. Nasa tabi mo sila nung panahon na binabash ka. Nandyan sila para ipagtanggol ka. Nandyan sila, wag ka lang masaktan."

Now, I finally understand kung bakit siya galit. One thing na ayaw ni Elmo? Yung masasaktan ang nga fans namin. Hindi lang halata sakanya pero totoo yun.

"So it's about them?"

"Yes."

"Wala naman akong intensyon na saktan sila. Alam mo kung anong ibig kong sabihin dahil naranasan mo na din ang ganito. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na wag silang madamay at wag silang masaktan pero anong magagawa ko kung sa huli pare pareho pa din kaming magkakasakitan. Nagagalit sila sa mga nagiging desisyon ko? Fine. Naiintindihan ko. From that action, binigyan ko na sila ng karapatan na magalit kahit wala naman talaga dapat. Desisyon ko na sagutin si Ben. Desisyon ko na maging kami at pakawalan kung anong meron tayo. Ang akin lang naman sana maintindihan nila na ito na ang buhay ko ngayon. Ito na ang mundong ginagalawan ko. Siya na ang nasa buhay ko. Ito na ang Julie Anne San Jose ngayon."

Tumango tango siya.

"I understand."

Napabuntong hininga ako. Alam ko na nasaktan nanaman siya sa sinabi ko dahil kahit ano pang gawin idahilan ko, masasaktan at masasaktan siya. Wala namang point pa para pagaanin ko ang situation dahil ito talaga ang totoo.

"Sorry kung wala na yung Julie Anne San Jose noon. I'm really sorry."

"Naiintindihan ko, Julie. Ang akin lang, wag mo silang balewalain. Nandito tayo sa kinakatayuan natin ng dahil din sakanila. Bago pa tayo magkaroon ng sariling pangalan, meron munang JuliElmo. Bago pa tayo magkaroon ng Elmo fans at Julie fans na handang sumuporta kahit sino pa ang kasama natin. Meron munang JuliElmoes. Nandyan sila para satin, up and down, heaven and hell. Wag mo sana silang isantabi lang. Naparamdam ko na sakanila yun noon at hindi naging maganda ang resulta. Sana ikaw din, Julie."

Napayuko ako sa sinabi niya. Mali naman kasi talaga ako, inaamin ko. Iniwasan ko naman eh. Nasasaktan din naman nila ako. Mali lang siguro ako pero hindi ako masamang tao para hindi ko intindihin ang nararamdaman nila.

"Wag ka na maguilty."

Napaangat ako ng tingin. Tiningnan ko siya na nakatingin pa din sa ibang direksyon. Kung kanina galit ang nakikita ko sa mata niya, ngayon naman naging soft na ito. Sa sobrang lambot ng emosyon na makikita mo sakanya anytime na magsalita ako, masasaktan ko siya.

"Ginagawa mo lang ang bagay na sa tingin mo ay tama. Pino-protektahan mo lang ang taong mahal mo at kung ako man ang nasa posisyon mo? I think, I'll do the same way. Po-protektahan din kita. Di bale ng masaktan at makasakit ako, wag lang ikaw."

Napaiwas ako ng tingin. Wag, Elmo. Hindi na ko deserving pa sa mga salita mo. Pareho na tayong nagkakasakitan, hindi ako deserving para protektahan mo.

"Stop protecting me, Elmo. Stop caring about me. It's not your job, you're not even my boyfriend."

I know, masakit. Pero totoo yun.

"Alam ko. It's not my job anymore but I still want to do it."

Tumingin ano sakanya.

"What happened to your i'm starting to hate you, Julie a while ago? Can't you see, Elmo? Mas gusto ko na galit ka sakin. Mas gusto ko na yun ang nararamdaman mo para sakin."

"Why? Dahil ba the more I care about you, mas nakaka guilty?"

Natahamik ako sandali dahil totoo ang sinabi niya. Tumango ako sakanya.

"Yes. I don't want to feel guilty, Elmo."

Huminga ako ng malalim.

"Naumpisahan mo ng magalit sakin, ipagpatuloy mo nalang."

"No."

"Just do it, Elmo."

"No."

Nainis na ko dahil sa kakulitan niya. Napatayo tuloy ako.

"I SAID DO IT ELMO!"

Tumingin siya sakin. I saw the same expression that night. The night that I broke up with him.

"I can't. Yes, I told you I'm starting to hate you but still I end up forgiving and loving you, Julie."

Yumuko siya at napailing. Nawala ang seryosong Elmo kanina at parang isang kawawang bata ang kasama ko ngayon.

"Elmo.."

Umupo ulit ako sa tabi niya.

"Remember, you were the first one to walk away."

"Julie, sometimes walking away is the loudest thing you can say."

Napayuko ako sa sinabi niya. He's right. That time alam ko na hindi niya gustong lumayo pero ginawa niya para sakin. Ako ang unang bumitaw, hindi siya. Kung hindi ako bumitaw noon meron pa sanang kami ngayon.

Nagulat ako ng maramdaman ko na nilagay niya ang jacket niya sakin. Nakatingin lang ako habang ginagawa niya yun. Umupo siya ulit.

"Don't overthink, Julie. Kung ano man ang nangyari satin, bumitaw ka man, nandito parin naman ako. I won't go far away."

"Elmo.."

Ngumiti siya sakin. Sa ginawa niyang yun parang libo libong karayum ang tumusok sa puso ko. Ito ang unang beses ngayong araw na ngumiti siya. Parang ang tagal tagal na nung huli ko siyang makitang ngumiti. Alam ko na ngiting nagsasabi na wag na kong mag-alala at hindi ngiting nagsasabi na masaya.

"Here."

Nagulat ako ng inabot niya sakin ang phone niya.

"Call him. Wala siyang number sa phone ko pero sigurado ako na kabisado mo naman yun. Call him para mapanatag ang loob mo."

Umiling ako at binalik sakanya ang phone niya. Tumingin ano sa magandang tanawin sa harap ko.

"Hindi ko kabisado ang number niya."

Tiningnan ko siya. Nakatitig lang siya sakin. Hindi mo na kailangan pang malaman na hanggang ngayon hindi ko pa nabubura sa isip ko na kabisado ko pa rin hanggang ngayon ang number mo.

"Okay. Gusto mo na bang iuwi kita? Lumalamig na."

Kung kanina ayokong sumama sakanya, ngayon parang hinihiling ko na sana bigyan pa ko ng mahabang oras para makasama pa siya. Alam ko na mali na sumama sa taong minahal ko. Sa ex ko. Pero ngayon lang. Ngayon lang.

Umiling ako sakanya.

"Pwede bang dito muna tayo?"

Ngumiti siya at tumango sakin. Ilang minuto din kaming tumahimik.

"I'm sorry about our fans. Parte sila ng buhay ko at kung kaya ko lang silang protektahan sa lahat ng sakit, gagawin ko."

"Don't worry. JuliElmoes is much stronger than before. I'm sure they can handle it. At sigurado din ako na hindi ka nila bibitawan kahit pa nasasaktan na sila. Mahal talaga nila tayo. Inch by inch gumawa tayo ng paraan para makabawi sakanila."

Tumango ako at ngumiti sakanya. Kahit pa hindi ko sabihin, alam ko na tutulungan niya ko. Na hindi niya ko iiwan. Nakaramdam ako ng malakas at malamig na hangin na dumapo sa balat ko. Pero nakaramdam din ako ng paghawak sa balikat ko. Tiningnan ko si Elmo. Agad niyang tinanggal ang pagkakaakbay sakin.

"S..Sorry. Nilalamig ka na kasi. Ayaw mo pa ba umuwi?"

"Ayoko pa muna."

Tiningnan ko ang kamay niya.

"Okay lang."

Ngumiti siya sakin. Sumandal ako sakanya at inakbayan na niya ko. Iba ang pakiramdam ko ngayon. This is my home.

"Julie.."

"Hmm?"

"Don't you love me anymore?"

Is love enough to make this work? Is my love for him enough to make him stay?

Naramdaman ko na niyakap na niya ko patalikod. Pumikit ako at dinama ang moment na ito.

"If you can't fall in love with me now, then fall into my arms instead. I promise I will make you mine again. I promise I will make you love me again."

Bulong niya sa tenga ko. Hindi ko napigilan na mapangiti. Pero mas napangiti ako sa huli niyang sinabi.

"JuliElmoes got my back now, Julie. Hindi mo sila pwedeng kalimutan nalang basta. Anak mo sila sakin, tandaan mo yan."

Tumingin ako sakanya. Nakangiti lang siya sakin. Ngumiti na din ako sakanya.

"Close your eyes and count to three."

This is the part I've been waiting for. Sinunod ko ang sinabi niya.

"One.."

"Two.."

"Three.."

Natapos ako magbilang pero wala naman aking naramdaman. Iminulat ko ang mata ko para tingnan siya.

Then I felt it.

The End. 

Continue Reading

You'll Also Like

15.5K 1.6K 26
Why can't Travis love Stacey even if Stacey loves him? Why do they agree in arranged marriage if there's only one-sided love occured? Does it have a...
39.6K 1.3K 77
Compilation of Vhoice stories.
1.2M 24K 56
just for fun
116K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...