Back in Time [Completed]

By KraftPaper

68.2K 2.9K 1K

Upon the death of her husband, Lea's world was shattered. But three years after just as she is finally moving... More

FITA CRACKERS
REBISCO
SKYFLAKES
OREO
NISSIN WAFER
DEWBERRY
JOLLY
CHIPS DELIGHT
SUNFLOWER
CREAM O
PRESTO CREAMS
CHUNKEE
BRAVO
MARIE
SUPER THIN
HANSEL
CHIPS AHOY
BINGO
BUTTER COCONUT
MAGIC FLAKES
CHOCO MALLOWS
BUDDY CRACKERS
GRAHAMS
COMBI
HIRO
TIGER
ACE
FROOTEES
EGGNOG
HAYLAYF
MONACO
BUTTER CREAM
SNAX
SMILEYS
HUM TUM CRACKER
COOKIE SAYS
DIGESTIVE
NARRA
MOLAVE
YAKAL
APITONG
PLUM
CYPRESS
OAK
MAPLE
PALM TREE
COCONUT
MANGOSTEEN
Tamarindus Indicus
Johnson's Baby Powder
Nivea - White and Repair
Myra 300 e
Cebuana Lhuillier
PAWNSHOP
Sayonara
EPILOGUE

ILANG-ILANG

1.2K 55 11
By KraftPaper

AGA

Simula noong nanirahan na ulit ako dito sa bahay ay kagabi ko lang ulit nakatabi sa pagtulog ang asawa ko na walang anumang nangyaring drama. Pero wala na si Lea sa tabi ko when I woke up this morning.

And then it came to me na Monday pala ngayon. May pasok ang mga bata at kung maaari ay si Lea ang naghahanda ng pagkain nila kahit mayroon namang katulong.

Tama ang hinala ko dahil pagbaba ko sa komedor ay nadatnan ko ang mag-iina ko doon.

"Good morning, Babies." Masiglang bati ko sa kambal.

"Good morning po!" Bati din ng kambal sa akin. They are busily munching their pancakes whiled their mother is cooking something.

It smells nice.

"Good morning, Babes." I said sweetly, referring to Lea. 

Napatigil siya sa kanyang ginagawa but I couldn't see her facial expression 'cause her back is on me.

"Ayiiieee!! Babes daw o." Nanunuksong sabi ni Kyra. 

Lea whirled around and looked at me pero saglit lang dahil nagbawi agad siya ng tingin. "G-good m-morning." Halos pabulong na sabi din niya.

Lumapit ako sa kanya saka hinapit sa baywang at niyakap siya patalikod. Napaigtad siya sa ginawa ko tapos para siyang naestatwa. I kissed her right ear down to her neck. 

"I'm cooking." 

Sensing her discomfort, I reluctantly let her go but before that, I whispered something in her ear. "I enjoyed last night's kiss, babes."

I kissed her cheeks then went to sit on the stool. 

Pinapanood ko siya habang inihahanda sa lamesa ang kanyang niluto. The twins seemed so engrossed eating that they almost forgot I am with them at hindi nila napansin na nanginginig ang kamay ng nanay nila.

I smiled inwardly kasi alam kong fresh sa utak ng asawa ko ang nangyari kagabi. Mabalin kasi sa paghalik ko sa kanya noong gabing late kami umuwi ng mga anak ko galing mall ay naulit na naman yun kagabi at mas malala pa. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, malamang iba na ang kinahantungan nun.





Nasanay na ako na kape lang ang breakfast ko kaya hindi na ako nakipag-unahan sa kambal sa pagkaing inihanda ng nanay nila. Just watching them happy and contented, parang busog na rin ako.

"Hindi ka ba mag-aalmusal?" Tanong ni Lea noong mapansin niyang hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko.

"Ipagtimpla mo na lang ako ng kape, Babes." Nakangiting sabi ko. 

Tiningnan lang niya ako bago tumalima.

Tahimik niyang inilapag sa aking harapan ang tinimplang kape.

It tasted good. As usual.

"Mommy, hindi po ba kayo kakain?" Tanong ni Kenneth.

"You eat first." Sagot ni Lea.

"But we want you to join us, mom." -si Kyra.

"Okay, kukunin ko lang yung isang upuan na inilabas ni Mylene kagabi, hindi niya ibinalik dito." Sabi niya. Noon ko lang napansin na tatlong silya lang pala ang nandito sa komedor. Kung bakit ba naman kasi kami dito nag-aagahan, e ang laki naman ng dining room.

Naging maagap ako sa pagpigil kay Lea. 

"Hindi na kailangan, sit on my lap." I said seriously. 

She gulped and her lips parted. I maybe acting weird but I don't want to pretend that I don't care about her anymore. Nagsasawa na akong panindigan na galit ako sa kanya dahil sa naging sitwasyon niya noon kay Rob, at ayoko na ring masayang ang oras at pagakakataon na hindi ko siya mahawakan.

"Sige na mommy, you used to sit on daddy's lap naman di po ba?" Sabi ni Kenneth.

I winked at my son and he gave me thumbsup in return. Kakampi talaga kahit kailan. 

Thanks, Buddy.

"Hindi na. Hindi tayo magiging komportable kapag nakaupo ako sa lap mo." Sabi niya tapos hinila na ang brasong hawak ko.

"Sige na nga, kunin mo na yung upuan. Ganyan ka naman e, hindi mo man lang ako mapagbigyan." sabi ko saka binitawan ang braso niya at humigop ng kape.

"Ay hala nagtampo na." Tila nakikisimpatyang sabi ni Kyra.

"Sige na kasi mommy, ano bang problema?" Sulsol naman ni Kenneth.

"Pinagkakaisahan niyo ba ako?" Tanong ni Lea sa aming tatlo. At muntik na akong mapangiti.

"Anong pinagkakaisahan na pinagsasabi mo?" Painosenteng tanong ko. Sa totoo lang, wala naman kaming pinagplanohan ng kambal na asarin si Lea. Ewan ko nga ba dito sa mga anak namin, pero aaminin ko, masay ako kasi pabor sa akin itong ginagawa nila. Hehe.

"Ewan ko sa inyo." Sabi niya tapos lumabas na para kunin ang isa pang upuan. Pupunta pa sa labas, meron namang upuan sa dining room, mas malapit pa. 

Mag-ooffer sana ako na ako na lang ang kukuha pero hindi na lang, malalaki naman ang mga braso niya, kaya na niya yun.

"Dad, nagalit na ata si mommy." Sabi ni Kenneth.

"Ha? Galit ba yun? Parang kinikilig." Sagot ko.

"Hindi naman po siya mukhang kinikilig, nung tiningnan nga po kami kanina para kaming papaluin." Sabi ni Kyra.

"Hindi, ganun lang yun. Syempre, shy type ang mommy niyo." Paliwanag ko. 

Shy type? Letse, si Lea na asawa ko? No, No, No. 

Pero wala na kasi akong maisip na idahilan sa kanila e kaya yun na lang at mukhang lumusot naman.

"Baka mag-away ulit kayo, Dad." Sabi ni Kyra.

"Please don't leave again, dad." -Si Kenneth.

"Ano ba kayo, masyado kayong nag-aalala. Mahal ako ng mommy niyo." Confident kong sabi kahit medyo nag-aalangan ang puso ko dahil sa totoo lang hindi pa ako ganun kaconfident na mahal pa talaga ako ni Lea hanggang ngayon.

Parang hindi rin convince ang kambal. 

"Mahal ako ni Lea. Sa gwapo kong ito, hindi ako ipagpapalit ng mommy niyo." I said more firmly this time.

"Talaga lang ha, muntik na nga po diba? Kay Tito Rob." Pagpapaalala ni Kyra.

Panira itong batang ito a, akala ko ba kakampi ko ang mga ito e bakit parang pagagandahin muna ang mood ko saka sisirain.

Ang ganda na ng gising ko e.

Saktong pagpasok ni Lea dala ang upuan.

Walang imikan habang kumakain kami. 

Pero mamaya pa ay may naisip na naman ang isa sa kambal. 

"Mom, do you remember that game na ginagawa natin noon?" -Kyra.

"Ano yun anak?"

"Yung random question at kailangang sagutin agad kung ano man ang unang pumasok sa isip." Paliwanag ni Kenneth.

Mukhang nag-usap ang dalawang ito. Hmmmnnn...

"We're still eating." Lea said but that statement is close to saying No.

"Mas may thrill nga po e, kasi maiiwasan talagang mag-isip ng bongga. Umpisahan na natin, dad, sali ka." Sabi ni Kenneth.

"Sige ako na ang mauuna," Sabi ni Kyra. "Ken, may crush o wala?"

"Wala." -Kenneth.

"E sino yung palagi mong sinusundan tuwing recess?" Nakangising tanong ni Kyra.

"Wala kaya." Tanggi ni Kenneth pero namumula naman ang pisngi. "Ako naman, Dad, nakailang girlfriend ka before mom?"

Tough question.

Pito? No, Siyam ata. Waaahhh! Hindi ko alam.

"Uhmmmnnn, eight." Sabi ko para safe.

"Ang dami." Komento ni Kyra. 

"Hindi walo, labing isa." Sagot ni Lea. 

Paano niya alam? College na noong nagkakilala kami a, at tatlo na ang naging girlfriend ko bago ko pa siya nakilala.

Nagtataka man ako ay hindi na lang ako nagsalita. Mahirap na baka may iba pa akong masabi.

"Mom!" pasigaw na sabi ni Kyra na ikinagulat naming mag-asawa, "Burning question, do you still love dad, with all your heart and soul?" mabilis na tanong ni Kyra.

Si Lea napatigil sa pagsubo at napatingin kay Kyra, samantalang kami ng kambal ay nakatingin sa kanya, awaiting for her answer.

***

Continue Reading

You'll Also Like

21.8K 744 17
Follow the story about political rivals - Bong Bong Marcos and Leni Robredo as they deal with the aftermath of their unexpected night together. #letl...
1.6M 93.3K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
45.7K 1.5K 42
𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗲𝗱𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 ,,It supposedly started with a promise of marriage" ©-𝘁𝗮𝘀𝗺𝗶𝗶 / 2021
23.2K 478 73
Mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana. A fan fiction story of LeAga. It Ends Here