MANGOSTEEN

1.2K 54 14
                                    

AGA

Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Dervy na naging sanhi para mabuwal siya sa kinauupuan. Pero hindi ako tumigil, hinawakan ko ang kanyang kwelyo at pinatayo para suntukin ang kanyang sikmura.

"Cody!" Sigaw ng babaeng kaibigan ni Shania.

Susuntukin ko sana ulit ang tarantadong lalaking ito pero dumating na ang dalawang bouncer kasama ang security guard.

"Tang'na Cody! Ano bang problema mo?" Galit na sigaw ni Dervy nang makabawi na ito sa pagkahilo.

"Naaksidente ang asawa ko sa gagawan mo, niyo! Mabuti pa sigurong samahan mo na rin si Shania sa impyerno para mabawasan ang masasamang tao dito sa mundo!"

Halata sa mukha ni Dervy na gustong gusto na gumanti pero hindi niya magawa kasi nakaantabay ang mga umawat sa akin.

"Ah, so alam mo na. Malay ko bang asawa mo siya. Ang sabi lang naman ni Shane nambababae ka. Yun pala yung kaibigan namin ang babae mo. Sa tingin mo papayagan naming ganun na lang ang gawin mo sa kaibigan namin?" Asik ni Dervy.

"Kahit ganito kami. May malasakit kami sa isa't isa." Dagdag pa niya at unti unting lumapit sa amin. "Hindi ka naman tatantanan sa ginawa mo kay Shane. Niloko mo siya."

"Nagpapatunay lang yan na hindi mo talaga kilala ang kaibigan mo. Siya ang manloloko. Pinaniwala ako sa loob tatlong taon na wala akong pamilya."

"Anong pinagsasabi mo?" Kunot noong tanong niya.

Iginala ko ang aking paningin sa mga taong nandoon. Lahat mga mutual friends nina Dervy at Shane at mangilan ilan lang ang hindi ko kilala.

Base sa itsura ng iba sa kanila parang alam ang tunay na nangyari.

"Hindi ko na kailangang magpaliwanag sa'yo." Sabi ko saka siya tinalikuran.

"Hindi pa tayo tapos, Cody." Banta niya pero inignora ko na lang yun.

...

Wala na akong ganang bumalik sa opisina kaya dumiretso na lang ako sa bahay. Pagpasok ko sa loob, nandoon pa rin sa garahe ang sasakyan ni Lea.

Natagpuan ko siyang naghahanda ng meryenda sa kusina kasama ang isa naming kasambahay.

"Maaga ka yata ngayon." Komento niya pagkakita sa akin.

Sa ilang hakbang, nakalapit ako sa kinatatayuan niya at tinitigan siyang mabuti.

"Bakit?"

Without answering I enveloped her in tight embrace.

Nailang naman ang kasambahay namin kaya nagmamadaling lumabas ng kusina.

"Anong nangyayari sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Lea.

"Hayaan mo na lang akong yakapin ka." Sabi ko at lalong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

Ang dami ko nang atraso sa asawa ko at hindi ko na alam kung paano ako babawi. Mula sa mga walang kwenta kong paratang, sa pang-aabuso sa pasensya niya at sa pagsasamantala ko kapag mahina siya.

Sa lahat.

I can't even say sorry. Because I know it is not enough. And even if I repent for a lifetime it would be enough to compensate the pain and suffering I directly and indirectly inflict.

Hinagod niya ang likod ko at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat. Nanatili kami sa ganitong posisyon ng mga ilang minuto.

"Aga..please wag mo namang sabihin may sakit ka o ano."

Napatawa ako sa sinabi niya. "Wag kang mag-alala, babes. Ikaw naman ang gamot sa lahat ng sakit ko."

"Manggagamot ako hindi gamot." Natatawang sagot niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ulit siya.

"What did I ever do to deserve you?"

"You're scaring me."

"I'm sorry. It's just that I haven't fully realized how blessed I am to have you until this moment."

She give me a weary smile. "I think pagod at gutom lang yan. May inihanda akong meryenda dito."

"Lei. Whatever happens in the near future, don't let go ha, promise me that we'll stay together, that we'll listen to each other and not to other people."

Her brows met.

"May ginawa ka na naman bang hindi ko maguhustuhan?"

"Did you have a car accident?"
"Yes. A year ago. But it's only a minor one. Just a few bruises."

Thank God.

"How did you know that? I don't remember telling you."

"Babes, hindi aksidente na mawalan ka nang preno. Sinadyang putulin yun." Sabi ko.

"Alam ko. Yan din ang lumabas sa imbestigasyon."

"Remember Dervy? Yung lalaking nakilala mo noong gabing pinuntahan mo ako sa bar."

Tumango siya. "Anong kinalaman niya dito sa usapan?"

"Siya ang gumawa nun at pakana yun ni Shania."

Napansin kong naikuyom ni Lea ang kanyang kamay.

"During those times, fragments of my past are resurfacing and I guess she's afraid that I will come looking for you."

"Impakta talaga ang babaeng yun."

"Don't speak ill of the dead, Babes. Let me do that."

"Paano mo nalaman?"

At ayon, ikinuwento ko sa kanya ang buong detalye. Wala siyang imik habang nakikinig sa kwento ko.

"You should be so proud, babes. Kasi asawa mo ako." Nakangiting sabi ko.

"Ha? Bakit? Hindi ba sumpa yun?" Ganting biro niya. Pero ang sama niyang magbiro ha. Masakit din.

"Sumpa? Itong mukhang ito? Pinag-aagawan ng maraming babae paanong naging sumpa yun?. Dapat magsaya ka kasi ikaw lang nakabihag sa akin." Sabi ko naman.

Umiling siya pero nakangiti naman.

"Hay, naku Cody, ibalik mo na yung asawa ko. Ayokong makipaglaro sayo." Sabi niya at pinaikot pa ang mga mata.

"Kung magiging si Aga ba ako ngayon, mahahalikan ka niya?" Seryosong tanong ko.

"Hmmnnn... hindi pa rin. May atraso pa yun sa akin." Bagamat nakangiti alam kong hindi pa rin siya komportable sa akin. At hindi ko siya masisi dahil sa mga kabastusang ginawa ko sa kanya.

"Uy, karapatan ko kaya yun." Sabi ko na lang.

"At karapatan ko ding tumanggi." Sagot niya.

Hindi na ako nagsalita pa baka magbangayan na naman kami nito.

So I just smiled.

In time, magiging okay din ang lahat sa amin. Sana lang wala nang bagong problema ang dumating.

●●●

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now