DEWBERRY

1K 51 8
                                    

CODY's

"Where have you been? I've been trying to reach you since yesterday." Galit na galit na bulyaw sa akin ni Shania.

" Galit na galit na bulyaw sa akin ni Shania

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Girlfriend ko.

May usapan kasi kami na ipapakilala niya ako sa isang associate niya pero di ko sinipot.


Kasama ko kasi boung maghapon ang kambal at si Vice. Inabot na nga kami ng gabi doon sa bahay ni Lea, umasa pa ako na mahihintay ko siya pero sa kamalas malasan, may scheduled operation pala siya that time.


Hindi rin maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. Hindi ko matukoy kung alaala ko ba yun or nanaginip lang ako ng gising at umaasang sana ako na lang si Aga.


Pero confirmed naman daw na si Aga ang nilibing nila kaya malabong mangyari na ako at siya ay iisa.


Pero may bumabagabag pa rin sa akin at hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pakiramdam na yun.

Kaya I need to ask Shania first.

"Bakit nga pala ako naaksidente?" Tanong ko imbes na sagutin ang tanong niya.


"What?" Biglang nabawasan ang galit niya at mukhang na bother siya sa tanong ko.


Or guni guni ko lang yun?



"Three years ago, nagising ako sa ospital sa Cebu na walang maalala. You were the only person in there na nakapagsabi kung sino ako. Ang tanong ko lang, paano ako naaksidente?"



"I've told you already. It's a suicide attempt, hindi yun aksidente. Sinadya mong ihulog mo ang sarili mo sa hagdan after kong makipaghiwalay sayo. You said na kung maghihiwalay din lang tayo ay mas mabuti pang mamatay ka na lang." Naiiritang sagot ni Shania.



She made it sound as if utang ko sa kanya ang buhay ko.


Sa loob ng tatlong taon, naniwala ako sa kanya at sa lahat ng mga sinasabi niya. May mga nagpakilalang kaibigan ko daw pero kahit anong gawin ko hindi ko naman maalala.


She said I am an orphan kaya hindi ko na hinanap ang mga magulang ko. May mga ipinakita naman siyang mga proof, pati graduation photos, kompleto.


But what bothers me is that there's not even a single spark of recognition sa mga pinakita niyang pruweba, pero tinanggap ko na lang at sinanay ang sarili ko na totoo ang lahat.

Sabi din niya, naggraduate ako sa engineering.

At sa lahat ata ng mga sinabi niya, sa puntong yun lang ako naniwala ng husto kasi I have the passion when it comes to engineering works.

Sa loob ng tatlong taon, pinipilit niya akong magpakasal na kami pero tumatanggi ako at laging naghahanap ng dahilan o palusot kung bakit ayaw ko pa.

Hindi ko lang kasi maintindihan e. Nakipaghiwalay daw siya sa akin tapos nagtangka akong magpakamatay, e bakit siya ang nag-aayang magpakasal kami.

Dapat nga sana matuwa ako pero kahit man lang konti wala akong nadama.

"Bakit ka ba nakipaghiwalay sa akin? At bakit mo ako binalikan? E di sana sinabi mo na lang na wala tayong relasyon tutal hindi naman kita maalala."

"Nung nakipag break ako sayo nun, I didn't mean that. Nadala lang ako sa emosyon ko nun. Di ko naman inexpect na magpapakamatay ka." Medyo malumanay na niyang sabi at saka nilapitan ako at hinawakan ang aking braso.

"Mahal kita at mahal mo din ako, ramdam mo naman diba?" Parang nagsusumamong sabi niya.

Maganda si Shania. Mala porselana ang kutis at pang Miss U ang tangkad. Mayaman din siya kaya afford ang laging nagtotour.


Malambing siya at maalaga, yun nga lang, possessive.

Binigay naman niya lahat ng pangangailangan ko kaya wala akong masabi.

I care for her.


I really do.

Pero yung pagmamahal ko sa kanya ay hindi matibay ang pundasyon kasi kung talagang sobra ko siyang mahal at nagawa ko pang magtangkang magpakamatay hindi sana ako maattract ng sobra kay Dr. Lea.


Oo, si Lea na tatlong beses ko lang nakita ng personal pero araw araw na laman ng isip ko at gabi gabing pantasya ko.



Dapat hindi ko nararamdaman yung matinding pagnanais na makasama siya kasi nga may mahal akong iba.



"Pwedeng wag na lang nating pag-usapan ang nakaraan? Nasasaktan at natatakot ako kapag naalala ko na nagtangka kang magsuicide ng dahil sa akin." Naiiyak na sabi niya.



Kapag ganito na siya, tahimik na lang ako.

Wala kasi akong maisumbat sa kanya e. She's a good girlfriend at kung tutuusin hindi naman siya mahirap mahalin.


"Alright." I said para hindi na siya tuluyang umiyak.

But I won't stop looking for answers.

"Pakasal na kaya tayo, Hon?" Kapgakuwan ay sabi niya. "Willing naman ako kahit sa huwes lang."

Nagulat ako sa sinabi niya, parang nagmamadali siya na ewan.

"Pero Shane, nag-iipon pa ako. Syempre gusto ko, kapag tayo ay ikinasal,dapat financially stable na tayo." Sagot ko. Pero ang totoo, hindi pa ako handa. Dahil ang dami ko pang katanungan sa sarili ko. At isa pa, nakakahiya din sa pamilya niya.


"Kaya ko namang itaguyod ang magiging pamilya natin. Para saan pa at naging mayaman ako?" sabi niya.


Umiling ako sa reasoning niya.


What about my ego? Ano yun, aasa na lang ako sa ibibigay niya? No way!

"Malapit na, konting tiis na lang." Sabi ko na lang para matigil na siya. Ayoko talagang pag-usapan ang tungkol sa kasal.


Kahit ipilit pa niya.


Hangga't di ko pa nababawi ang mga alaala ko, I won't marry Shania Torres.


Because now I am certain that she's not the woman I want to spend the rest of my life with.



- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now