BUTTER CREAM

1.2K 65 36
                                    

Aga's POV

I woke up with a start and sat up straight. I realized I wasn't in my bed in my apartment. This room is different but familiar and feels homey.

The room is dark but I can still see the silhouette of someone sleeping on the couch a few feet away from the bed.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sigurado akong si Lea yun. I get up and switch on the lights.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

Buti na lang nagkasya siya.

Umupo ako sa gilid niya at tinitigan lang siya habang natutulog. She looks so serene and beautiful.

I stayed like this for several minutes until I decided na dalhin na siya sa kama.

I scooped her up and gently laid her on the bed.

Malaya ko siyang napagmamasdan ngayon. Bukas, balik na naman ako sa cold treatment pero I want this moment to be engraved in my memory.

Masakit man para sa akin ang isiping may gusto na siyang iba, kailangan kong tanggapin.

Kahit sinabi pa niyang mahal niya ako. Malamang hindi na yun katulad ng pagmamahal niya dati.

Because if she truly loves me the way she did years ago, dapat noong sinabi ko sa kanya ang totoo ay naniwala siya agad.

She of all people should have known.

Mahal ko siya pero masama pa rin ang loob ko. I don't want to give her the cold shoulder but this is also my way of protecting my heart.

So I kissed her lips softly.

And then whispered I love you in her ear and then left a kiss on her forehead.


>>>


Lea's POV

Kyra is sitting on my stomach again when I wake up and I groaned in protest dahil ang bigat niya.

"Mommy wake up!"

"What is it Kyra?" Nasasanay na siyang gawin sa akin ang ganito. Noon halos hindi ako pinapansin pero ngayon sobrang kulit na niya sa akin.

"Si Daddy po!"

Pagkarinig ko sa sinabi niya, parang nagising lahat ng cells sa katawan ko.

"What about him?" Napaupo ako at sumandal sa headboard. And Kyra adjusted kaya nakaupo na siya sa lap ko.

"He's here and he is cooking breakfast. And I can't believe that Tito Cody is really Daddy. Imagine, Daddy is with us all along, I knew it the first time I saw him at the mall pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala mommy na buhay si dad." She said animatedly. "Did you know that he slept here last night?"

"What do you mean 'here'? ", napatingin agad ako sa aking bed at  inassess kung dito mismo natulog si Aga kagabi.

"Dito po sa bahay." Nakakunot noong sagot ni Kyra.

"Sa sala?" Pasimpleng tanong ko.

"Huh? Mommy..bakit naman po matutulog si Daddy sa sala, e ang lawak lawak naman po ng bed niyo." Inosenteng sabi ni Kyra.

They don't know the situation. They expected na ok ang lahat sa pagitan namin ng daddy nila.

Ang dali nilang nag-adjust. They instantly believed that Cody is their father kahit walang explanation. Parang pinagdasal nila na sana si Cody ay ang daddy nila kaya naging madali para sa kanila na tanggapin ang lahat.

But wait!!!!

Di ba kasama ko si Aga kagabi na umuwi dito sa bahay? At siya pa ang naunang nahiga dito sa kama? Tapos ako naman ang natulog sa couch?

Ghaaaaad!!! Ako naman ang may amnesia ngayon.

So magkatabi kaming natulog? But I don't remember sleeping beside him.

"Tara na sa baba, mommy." Yaya ni Kyra. "Hinihintay na po nila tayo doon."


"I'll just wash my face first, sweetheart. Can you wait for me sa baba na lang?" I said.

"Okay." Sabi ni Kyra.


Pagkaalis ng anak ko ay dali dali akong bumangon. Nagtungo sa banyo, naghilamos, nagtoohbrush, at nagpalit ng damit.


What happened last night?

Imposible namang binuhat niya ako, e parang ayaw nga niya akong hawakan.


>Baka nagsleepwalk ka!

>Preposterous! I don't sleep walk.

"May sinasabi ka?" Biglang may nagtanong sa likuran ko.

Napaigtad ako bigla at napasigaw, "Why are you sneaking up on me?" I yelled when I saw his smug face.

"Ang feeling mo naman. Why would I sneak up on you?" Balik tanong niya.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Maliligo, bakit? Bawal ba? Akala ko ba kagabi sabi mo pwede akong tumira dito kasi bahay ko rin naman ito?" Tanong niya.


"Akala ko kasi...sabi mo, hindi ka muna titira dito." Naguguluhan na ako sa takbo ng isip niya. Pabago bago siya nang desisyon. Daig pa ang babae.

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Doc? Tumira ako dito o hindi? Nag-aalok ka pa tapos hindi ka pala sigurado kung gusto mo talaga." Parang galit na tanong niya. "Make up your mind."

"Of course I want you here pero sabi mo kasi kagabi hindi muna." Sagot ko. It's not easy to adjust. Ilang taon din siyang nawala then all of a sudden makakasama na ulit namin siya sa iisang bubong na parang walang nangyari.

"E di sige aalis na ako. Text mo na lang ako kung pwede nang bumalik." Sabay walkout.

"Aga!" I exclaimed out of exasperation.

Nakakainis na siya. Umagang umaga dinadramahan niya ako.

Matutuyuan talaga ako ng dugo sa taong ito. And to think that he is my husband.

Parang hindi niya narinig ang pagtawag ko sa pangalan niya.

I didn't go after him kasi parang wala na akong lakas, napabuntong hininga na lang ako.

Every time I open my mouth to say something, he managed to twist my every word into something I don't mean. Seems like lalong lumalala ang sitwasyon kapag kinakausap ko siya or kapag nag aattempt akong makipag usap sa kanya sa maayos na paraan.

Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko sa kanya.

"Bilisan mo diyan, Dok. Hinihintay ka ng mga anak mo." narinig kong sigaw niya mula sa labas ng kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag kahit paano because he didn't totally ignored me.

✩✩✩

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now