MONACO

1.2K 62 20
                                    

Lea's POV


The car was so silent and I was kinda afraid that he'll fall asleep while driving. I know that he is tipsy and a little bit drowsy so I need to start a conversation with him bago pa kami bumangga sa poste ng meralco.


"Tinatanong ka pala ng mga bata." kaswal kong sabi.



"If they're asking how am I doing, tell them I'm good." He said flatly.


"Kailan ka babalik sa bahay? I mean,.. kailan ka titira ulit doon?" I asked nervously. I never meant to ask that question but it just slipped out of my mouth before I can even stop it.



His brows raised and his lips quirked upward in an amuse expression.


"I may be your husband but a lot has changed in the span of three years. Marami ka nang hindi alam tungkol sa akin at ganoon din ako sayo tapos gusto mong tumira ako doon?."

So anong ibig sabihin ng litanyang yan? Ayaw niya? Ganun?





"You're right. But I want to get to know the new 'you'.." I said softly. I wanted to believe that even though he changed, somewhere, somehow, the man I loved is still there.


"Really? What if I tell you now that there is no more trace of the gentleman, caring, loving Aga you used to know?" Nanunubok na tanong niya.


"Kahit naman mawala ang memorya mo, hindi basta mabubura ang pagkatao mo. I know you're still the same kahit naging medyo bastos at brusko ka na.." pag-amin ko. It's kind of sad to have this conversation with him, it feels like I'm having a negotiation.


He chuckled lightly, "And you're still the same old Lea." I heard him say but it's as if he's talking to himself.

So he remembered how I was like before.

At ikaw pa rin ang dating Aga.

"Saan ako matutulog kapag tumira ako doon? Di ba sabi mo wala kang spare bedroom?." Nakangising tanong niya and I knew instantly what's running through his mind.

Napalunok ako sa tanong na yun. Hindi ko napaghandaan ang isasagot. "I-ikaw k-ku-ng saan mo gusto."

He laughed. A real laugh.

"Anong nakakatawa?" Kinakabahan na ako sa mga isasagot ko sa mga tanong niya tapos pagtatawanan pa niya ako.

Nakakainis lang..

But I must admit, I love the way he laughs.


"Wala naman. Wag kang mag-alala, Doc, hindi ako lilipat sa bahay hangga't hindi ka pa komportable na nandoon ako. Isa lang ang gusto kong mangyari, ayaw kong may nagpupunta na manliligaw mo dun. Gawin mo sa labas kasi ayokong makita ng kambal."


Napakunot-noo ako.


Saan naman niya napulot ang ideyang may nagpupunta sa bahay? Si Rob lang naman ang malayang nakakadalaw sa akin. At saka hindi naman ako nagpapaligaw.

"Sinong nagsabi niyan? Si Vice?" tanong ko.

"Hindi. Si Mylene. At alam pala ni Vice ha." tugon niya.

"First of all, hindi ako nagpapaligaw sa kung kanikanino. Sinagot ko lang naman si Rob dahil sa tingin ko magiging mabuting ehemplo siya sa mga anak natin. The kids are growing up so quickly and they need a father figure in their life and Rob was there."


"Buti na lang pala bumalik ang alaala ko dahil kung hindi baka pinakasalan mo pa ang gagong yun."

"Mabait naman si Rob." iyon nga lang hindi ko na makapagkakatiwalaan dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling sa akin.

"Pinagtatanggol mo pa? O e di sige, kayo na lang magsama."

Unti unti na namang nabubuhay ang inis ko sa lalakeng to. This is not my husband talking, it's Cody.

"Nagseselos ka ba?" I asked instead. Aga never got jealous before. He's so sure na hinding hindi ko siya ipagpapalit sa iba. And I never did anything for him to be suspicious and jealous.

"Bakit wala ba akong karapatang magselos? Ako ang nawalan ng memorya dito at hindi ikaw kaya higit sa ating dalawa ikaw ang nakakaalam na mag-asawa tayo at may karapatan ako sayo." seryosong sabi niya.


Sasagot sana ako nang tumigil ang sasakyan. Nakarating na pala kami dito sa bahay.


Agad akong umibis ng sasakyan at walang lingon lingon na binuksan ang gateat pumasok sa loob.


Tuloy tuloy lang ang lakad.


Kasalukuyan kong binubuksan ang main door ng maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko.


"Ako na." Hinablot niya ang hawak kong susi at walang kaeffort effort na binuksan ang pinto.


He remained standing on the doorway and didn't attempt to come inside.


"Are you not going to come inside?" I asked. "It's already past midnight, I suggest you stay for the night."


"Okay." Walang pagdadalawang isip na sagot niya.


Nauna na siyang umakyat sa hagdan at iniwan ako para magsara ng pinto.


Naninibago ako kasi hindi naman ganito ang asawa ko dati. Alam kong naalala na niya ang hindi namin pagkakaintindihan bago naganap ang aksidente kung saan nabura lahat ng memorya niya.


Napabuntong hininga na lang ako sa sitwasyon namin ngayon. Kung dati rati, siya ang palaging nanunuyo ngayon naman ay baliktad na at hindi ako sanay sa ganito.


Nag-stay muna ako sa kusina para uminom ng gatas para pakalmahin ang sarili ko. At para makapag-isip na rin kung ano ang mabuting gagawin. I'm sure bukas magtatanong ang kambal.

I am going to tell the kids tomorrow that their Tito Cody is in fact their father.


Dalawampung minuto na pala ang lumipas na nakatulala lang ako dito. Kung hindi ko pa naramdaman ang pagod baka kahit hanggang umaga ay andito pa rin ako.


I checked the kids' room first before I headed to our bedroom.


Pagpasok ko alam ko na agad na agad na may tao doon kasi nakabukas ang wall lamp and there he is..tulog na.


Nakahiga na sa kama at mukhang himbing na himbing na. I felt envious, buti pa siya nakatulog kaagad, samantalang ako, baka abutin ako ng umaga ay gising na gising pa rin.


I changed my clothes and I was ready to get into bed when it finally struck me....



Ngayon ang tanong..



Tatabi ba ako sa kanya o ako na ang matutulog sa couch?


✩✩✩

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now