CYPRESS

1.1K 52 11
                                    

Lea's POV

"Mommy.." A soft voice said behind me. I turned around to see my son, Kenneth, looking worriedly at me.

"What is it, anak?" Tanong ko at hinarap siya. Pansamantala ko munang isinantabi ang aking ginagawa.

"I heard dad yelling again last night." He said. "Why did you fight?"

At ten years old, hindi na niya basta basta tinatanggap ang mga excuses na sasabihin ko. Pero sa ngayon, alam kong hindi pa niya maiintindihan ang sitwasyon namin ng daddy nila.

"Come here." I opened my arms to welcome my son and he obliged immediately.

"Your dad and I are not fighting, there are just some misunderstanding. When you grow up, I'll tell you all about it." I said.

"The last time you had a misunderstanding, dad left and didn't came back." He said sadly.

Bigla kong naalala ang nangyari three years ago...

○○○

Flashback...

Abala sa pag-eempake ng damit si Aga nang pumasok siya sa kanilang bedroom.

Alam na niya kung saan pupunta ang asawa kaya hindi siya papayag na umalis ito.

"Sa oras na lumabas ka sa pintong yan, wala ka nang babalikan." Umiiyak na sigaw niya kay Aga.

Tiim-bagang lumingon sa kanya ang asawa.

"I need to go. Kung hindi mo maintindihan yun, wala na akong magagawa. Kailangan nila ako."

"Kailangan ka rin namin dito. Mas pinipili mo pa ang kabit mo kaysa sa amin ng mga anak mo?" Mapait niyang tanong.

"Trabaho ang pupuntahan ko doon, Lea. Nagkaroon ng problema at kailangang nandoon ako dahil pangalan ko ang nakasalalay dito." Paliwanag ni Aga.

"Bullshit! Wag mo akong gawing tanga! Matagal ko nang alam na may pinupuntahan kang babae doon."

"Babae ang kliyente ko, ilang ulit ko bang sasabihin sayo? May kaibahan yun sa iniimply mo."

"Hindi ako naniniwala." Hindi pa rin tumigil ang pag-agos ng luha niya.

"Kung totoo yang sinasabi mo. Ipadala mo na lang ang isa sa mga tao mo. Hindi ka aalis."

"Stop being so childish and irrational, Lea. Nakakainis ka na." Singhal nito sa kanya. Ito ang unang beses na ganito makipag-usap ang asawa sa kanya. Lalo siyang napaiyak dahil sa sobrang sama ng loob.

"Ako pa ngayon ang nakakainis?" Nanghihinang tanong niya.

"Fine, kung gusto mo sumama ka."

"You know I'm going to perform a surgery tomorrow." Gustong gusto niyang sumama at mapatunayan na mali lahat ng hinala niya.

"Kung ganun dapat you do not stress yourself. Hindi yan makabubuti sa pasyente mo. You should be preparing and resting. Tulad mo may importante din akong pupuntahan, at trabaho ito." Medyo malumanay na ang pagsagot sa kanya ni Aga.

"Hindi ka pa rin aalis. Subukan mong ituloy ang pagpunta mo don at makikipaghiwalay ako sayo." Banta niya.

Gusto niyang bawiin agad ang sinabi ng mapagtanto niyang hindi dapat ganun.

Aga looked at her with pure disbelief. Napahilamos ito sa mukha at huminga ng malalim.

"You're accusing me of infidelity? How can you think so lowly of me? You of all people should know that I won't ever do something like that. Well, if that is how you feel, Do whatever you want." Sabi nito at pinalibag na isinara ang pinto ng Master's Bedroom at napahagulhol naman siya.

It was confirmed by a friend na mayroon ngang kliyente si Aga sa Cebu pero iba ang closeness ng dalawa. Noong una, hindi siya naniniwala kasi may tiwala siya sa asawa niya pero nang naglaon, naging mas madalas ang pagpunta ni Aga sa Cebu at doon na siya nagsimulang magkaroon ng agam agam.

Noong nakaraang linggo lang, napag-alaman niyang buntis ang babaeng yun pero wala namang asawa.

Doon na siya naghinala ng sobra sobra. Ayaw niyang isipin pero malakas talaga ang kutob niya na anak ni Aga ang pinagbubuntis ng babae.

Kaya ngayon nagpupumilit si Aga na magtungo doon dahil malapit nang manganak yun.

Kung wala sana siyang mahalagang gagawin bukas, talagang sasama siya sa pagpunta sa Cebu.

End of flashback...

»»»

"Anak, wala namang may gusto sa nangyari noon e. Let's just be thankful na lang na bumalik na sa atin ang daddy mo." Pilit akong ngumiti.

"Please don't fight anymore, ayoko nang umalis si daddy." Naiiyak na sabi ni Kenneth.

Both the twins are very close to their father at hindi naging madali para sa kanila noong inakala naming patay na si Aga.

Kyra lost her blabby personality. Kenneth became taciturn too and refused to mingle with other children, same goes to Kyra.

"Don't make him leave, mom." Nagsusumamong dagdag niya. Para naman akong naging kontrabida nito.

My heart ached at my son's request. I felt like crying.

No, erase that, I felt like wailing.

Of course, I won't make him leave. The last three years without him is like living in hell.

"Hindi na ulit aalis ang daddy mo, I promise."

I hugged my son and prayed na sana hindi na kami ulit iwan ni Aga.

Kumalas si Kenneth tapos tiningnan ako. "Mom, bakit ka nga pala nasa mall noong isang araw? Akala ko po ba may trabaho ka that day?"

My brows creased and tried to remember kung nagpunta ba ako sa mall. Pero kahit anong pilit ko ay wala akong maalala.

"Hindi naman ako nagpunta sa mall, anak."

"Then who is the woman we saw? Kinausap pa nga ako. She even called me 'son'. Kamukha mo naman po siya." Kenneth said.

"That's not me."

"But if you weren't...then.. who is she?" Curious na rin na tanong ng anak ko.

Sino nga ba siya?

I intend to find out..

●●●

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now