HANSEL

958 46 9
                                    

✩✩✩

Lea's POV

Mahigit dalawang linggo na since the last time na nagpakita si Cody. At hanggang ngayon hindi ko rin siya sinubukang tawagan man lang.

After nang inasal niya sa parking lot ng ospital, bakit ko siya tatawagan?

Pero namimiss mo siya diba?

Of course Not!

(Nagmomonologue siya 😁)


Rob's voice pulled me out from my trance.

"Lei, let's have lunch together. My treat." -yaya niya sa akin pero wala ako sa mood.

Dalawang linggo na rin n nag-aaya si Rob na kumain kami sa labas pero nagkakataon na may pasyente ako during lunch time at kung wala naman ay nakakahanap ako ng lusot.

Pero ngayon wala na akong maidahilan.

"Sure." Pagpayag ko para wala na siyang masabi.


Kailangan ko rin kasi siyang makausap regarding dun sa ipa DNA test ko.




>>>>>>>>>>>>



Habang kumakain kami, andaming kwento ni Rob pero hindi ko naman naiintindihan at hindi ako makarelate. Ang gusto ko ay makauwi na at makapagpahinga pero konting tiis pa, matatapos din ito.


Lumipas pa ang kinse minutos.

Nang hindi na ako makatiis, pinigilan ko na siya sa pagsasalita at tinanong.

"Rob, anong result ng DNA test?" hindi ko na mapigilang itanong dahil atat na rin akong malaman ang resulta.

Tumigil siya sa pagsasalita at tumitig sa akin. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Negative, Lei. Hindi nag match. Yung dalawang samples na binigay mo are two different persons." sagot niya pero parang may takot sa kanyang mga mata. Hindi ko mawari pero pakiramdam ko may mali.

Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko sa mga oras na ito dahil sa nalaman ko.

Nadismaya? Nalungkot? Pero ang sigurado ko, nakahinga ako ng maluwag.

Kasi kung si Cody ay si Aga, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. At paano ko din maipapaliwanag kung may mga memories si Cody sa past niya na hindi naman related sa nakaraan ni Aga.

And if ever, sino yung pinalibing ko at iniiyakan ko nang halos araw araw?

At least ngayon alam ko na na hindi talaga sila iisa.

"Lei, are you okay?" Puna ni Rob nang bigla akong natahimik.

"Yah." I answered despite the great disappointment I am feeling right now.


"Kanino ba kasi ang mga samples na yun?" tanong niya.

"Sa kaibigan ko. Nakisuyo lang kasi siya sa akin." Pagsisinungaling ko.

Ayoko ko kasing malaman nila ang tungkol dito.

Hindi kasi nagkakilala ng personal sina Rob at Aga kaya hindi alam ni Rob kung ano ang itsura ng asawa ko.


>>>>


Pagkatapos namin kumain ay hindi ko inaasahan ang mga susunod na sasabihin niya.


"I think this is the right time to ask you again, I really like you and I'm willing to be a father to your children if you'll let me. Lei, can you be my girlfriend?" Seryosong tanong ni Rob at pinisil pa ang aking kamay.


Isang taon din na nagpapalipad hangin si Rob bago siya naglakas nf loob na umamin sa akin na may gusto pala siya.


Two months ago, humingi siya ng permiso na ligawan ako.


At simula noon, naging tampulan na kami ng tukso sa ospital.

Sasagutin ko na sana siya noong death anniversary ni Aga pero noong time na yun ay siya namang pag admit kay Cody sa ospital.


Ang galing ng timing.


Kung kailan handa na akong magpapasok ng ibang lalaki sa buhay ko saka namang pagdating ng isang taong magpapaalala sa akin sa unang lalaking minahal at mahal ko na sobra sobra.



"Bigyan mo pa ako ng konting panahon para mag-isip." Hinayaan ko na lang na hawakan niya ang kamay ko. Baka kasi maoffend kapag hinila ko.

"Willing akong maghintay, Lei. Pero sana hindi abutin ng forever." Nakangiting saad niya.


Napangiti rin ako ng bahagya.

"Huwag kang mag-alala. Malapit na." sagot ko kahit sa katunayan ay hindi ko rin alam kung darating ang panahon na magmamahal pa ako ng iba liban kay Aga.


But what about Cody? Ano yang nararamdaman mo for him? - yan na naman ang sutil kong utak.


"Umaasa akong pag dumating ang araw na yun, Oo ang maging sagot mo." puno ng kompyansa ang tinig ni Rob nang sabihin niya iyon.



Hindi ko maipapangako.


Dahil hangga't nandiyan si Cody na nagpapaalala sa akin kay Aga baka hindi na ako tuluyang makapag-move on. At ang kinatatakot ko ngayon ay ang umuusbong pagtingin ko para kay Cody.

Inaamin kong umasa ako na sana magmatch ang DNA sample nina Cody at Aga pero ngayong alam ko na ang totoo, mainam siguro na putulin ko na ang lahat ng ugnayan na meron kami ni Cody.

Kasi baka naibabaling ko lang sa kanya ang pagmamahal ko para sa namayapa kong asawa.

Maybe it's about time to let someone in. Pero bago iyon, kailangan ko munang siguraduhin na magiging maayos ang pagtanggap nina Kyra at Kenneth.

>>>>>>>

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now