SUNFLOWER

1.1K 55 28
                                    

Cody's POV



"I'm sorry."


Hindi ko talaga alam kung bakit ko ginawa yun. Maging ako ay nasorpresa sa ginawa ko.



Ano bang nangyayari sa'yo Cody?


I admit na attracted ako sa kanya pero yung halikan siya na walang permiso ang hindi ko kayang gawin.

Gago! Nagawa mo na.

Nakatulala naman si Lea sa akin tapos parang maiiyak na siya.


"I'm really sorry." Natatarantang sabi ko. Although sanay na ako kay Shania na madalas umiyak kapag hindi napagbibigyan, iba ang case ni Lea.



"Ano pong nangyari?" Tanong ng isa sa kambal, I'm not sure kung sino sa kanila, nakatutok lang kasi ang atensyon ko kay Lea.


"It's okay. But please don't do that again." Sabi niya nang makabawi sa pagkabigla. "Let's go, late na tayo."


At nauna na siyang lumabas ng bahay.



Gusto kong suntukin ang pader para mailabas ang aking frustration. Kung kailan medyo maayos na ang pakikitungo niya sa akin saka ko pa nagawa ito.

Kenneth and Kyra quickly browse the pictures and they both grinned at me upon seeing it.


"Smooth." -Kyra.

"Suave." -Kenneth.


Sabay pa silang nagthumbsup.

At least kakampi ko ang dalawang cute na batang to.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Tahimik kami habang nasa byahe. Ang awkward, grabe. Hindi ako makaisip ng magandang topiko para mapag-usapan.


Bakit ba pagdating sa kanya parang natatameme ako.



Nawawala ang pagkaflirt ko.


"Uhm, Tito Cody. May girlfriend ka na po ba?" Tanong ni Kyra.



Syeeeet!!



Pambihira wrong timing naman ang tanong na to. Sana kapag break na lang kami ni Shane saka ito maitanong.


Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako or magsasabi ng totoo.

If I say, No, mapopormahan ko si Lea but if I say Yes, baka mawalan na ako ng chance.


So what should I say?

Bahala na.


"Yes, I have. And her name is Shania." I said hesitantly.


Napatingin sa akin bigla si Lea. "Shania?"

"Do you know her?" nakakunot-noo kong tanong. Gulat na gulat kasi ang expression niya.


"I used to know someone with that name. Nevermind." She waved her hand and look straight ahead.





Hmmmnnnn....


"Ay sayang naman, Tito Cody. Gusto pa naman namin kayong maging daddy. Hiwalayan niyo na kaya ang girlfriend niyo." Biro ni Kenneth.



"Kenneth!!" Mabilis na saway ni Lea.


"It's ok, Doc. They're just being honest kung ano ang nararamdaman nila. Di ba kids?" nakangiting tanong sa dalawang bata.


Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now