ILANG-ILANG

1.2K 55 11
                                    

AGA

Simula noong nanirahan na ulit ako dito sa bahay ay kagabi ko lang ulit nakatabi sa pagtulog ang asawa ko na walang anumang nangyaring drama. Pero wala na si Lea sa tabi ko when I woke up this morning.

And then it came to me na Monday pala ngayon. May pasok ang mga bata at kung maaari ay si Lea ang naghahanda ng pagkain nila kahit mayroon namang katulong.

Tama ang hinala ko dahil pagbaba ko sa komedor ay nadatnan ko ang mag-iina ko doon.

"Good morning, Babies." Masiglang bati ko sa kambal.

"Good morning po!" Bati din ng kambal sa akin. They are busily munching their pancakes whiled their mother is cooking something.

It smells nice.

"Good morning, Babes." I said sweetly, referring to Lea. 

Napatigil siya sa kanyang ginagawa but I couldn't see her facial expression 'cause her back is on me.

"Ayiiieee!! Babes daw o." Nanunuksong sabi ni Kyra. 

Lea whirled around and looked at me pero saglit lang dahil nagbawi agad siya ng tingin. "G-good m-morning." Halos pabulong na sabi din niya.

Lumapit ako sa kanya saka hinapit sa baywang at niyakap siya patalikod. Napaigtad siya sa ginawa ko tapos para siyang naestatwa. I kissed her right ear down to her neck. 

"I'm cooking." 

Sensing her discomfort, I reluctantly let her go but before that, I whispered something in her ear. "I enjoyed last night's kiss, babes."

I kissed her cheeks then went to sit on the stool. 

Pinapanood ko siya habang inihahanda sa lamesa ang kanyang niluto. The twins seemed so engrossed eating that they almost forgot I am with them at hindi nila napansin na nanginginig ang kamay ng nanay nila.

I smiled inwardly kasi alam kong fresh sa utak ng asawa ko ang nangyari kagabi. Mabalin kasi sa paghalik ko sa kanya noong gabing late kami umuwi ng mga anak ko galing mall ay naulit na naman yun kagabi at mas malala pa. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, malamang iba na ang kinahantungan nun.





Nasanay na ako na kape lang ang breakfast ko kaya hindi na ako nakipag-unahan sa kambal sa pagkaing inihanda ng nanay nila. Just watching them happy and contented, parang busog na rin ako.

"Hindi ka ba mag-aalmusal?" Tanong ni Lea noong mapansin niyang hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko.

"Ipagtimpla mo na lang ako ng kape, Babes." Nakangiting sabi ko. 

Tiningnan lang niya ako bago tumalima.

Tahimik niyang inilapag sa aking harapan ang tinimplang kape.

It tasted good. As usual.

"Mommy, hindi po ba kayo kakain?" Tanong ni Kenneth.

"You eat first." Sagot ni Lea.

"But we want you to join us, mom." -si Kyra.

"Okay, kukunin ko lang yung isang upuan na inilabas ni Mylene kagabi, hindi niya ibinalik dito." Sabi niya. Noon ko lang napansin na tatlong silya lang pala ang nandito sa komedor. Kung bakit ba naman kasi kami dito nag-aagahan, e ang laki naman ng dining room.

Naging maagap ako sa pagpigil kay Lea. 

"Hindi na kailangan, sit on my lap." I said seriously. 

She gulped and her lips parted. I maybe acting weird but I don't want to pretend that I don't care about her anymore. Nagsasawa na akong panindigan na galit ako sa kanya dahil sa naging sitwasyon niya noon kay Rob, at ayoko na ring masayang ang oras at pagakakataon na hindi ko siya mahawakan.

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now