MAGIC FLAKES

1K 61 24
                                    

Aga's POV

She pushed me with all her might, Effectively breaking the kiss, then she slapped me.

Twice and Hard.

Serves me right for being a rake.

"Get out!!." Humihingal sa utos niya. "Get out of here bago pa ako tumawag nang pulis at ipakulong ka."

Damn it, Aga! Why did you do that for? Hindi mo pa nga nasasabi sa kanya na ikaw ang asawa niya.


Tsk! Tsk!


Minsan kasi wag masyadong pairalin ang selos at init ng ulo. -sabi ng utak ko.


"Lei, I'm sorry." Sinserong saad ko nang mahimasmasan ako.

"Don't call me Lei, hindi tayo close para tawagan mo ako niyan. GET OUT OF MY HOUSE!" Pagtataboy niya sa akin.


"Let me explain, please?" nagsusumamo na ako at gustong guston ko nang isiwalat na ako si Aga per this is not the time. Baka lalong mag-init ang ulo niya.



"Hindi na kailangan. Umalis ka na lang at huwag ka nang babalik pa."

That hurts.


Pero bakit ako aalis? E asawa niya kaya ako. Bahay ko rin to!



"Paano kung ayaw ko?" kung hindi niya ako papakinggan sa malumanay na paraan, idadaan ko na lang sa sindak.


"I'll call security." Pagbabanta niya.


"Tito Cody?" Someone asked behind us and I spun around to see Kenneth, standing a few feet away holding a glass of water.



"Hey Buddy! I dropped by to see Hello." Masayang sabi ko.





Kenneth put the glass on the nearby table and run towards me.


"Sabi niyo po dadalaw kayo last week. Hinintay po namin kayo para magkwento tungkol sa fieldtrip namin pero hindi naman kayo dumating." Nagtatampong sabi ni Ken.



"Last week ba yun? Pasensya na kayo ha, naging busy lang kasi ako pero di bale, from now on, madalas niyo na akong makikita." Nakangiting sagot ko.


I miss you, son. You've gotten a little taller from the last time I saw you.



"Promise po yan ha?" Sabi niya tapos yumakap sa akin.


Ito na ang pagkakataon ko na yakapin din siya.

"Kenneth, Mr. Aquino is not going to hang-out with us anymore."

"Ha? Pero bakit po?" -Si Kenneth.


"Marami siyang trabaho." sabi niya.


Napangiti ako ng palihim.


This is my wife indirectly saying na ayaw niyang pupunta pa ako dito. Pero not a chance, babes. Babawiin kita kay Manansala pero not as Aga but as Cody.



Mag-ingat sa mga planong yan, Muhlach. Masyado nang maraming hirap ang pinagdaanan ang asawa mo tapos paglalaruan mo pa. -sabi ng konsensya ko.


"Pero sabi po kasi ni Tito, he'll be here often." -Kenneth.




"You should get back to bed, sweetheart. Paalis na rin si Cody." She said sternly kay Ken.

Wala nang nagawa ang anak namin kung hindi ang sumunod.


Binalingan naman ako ni Lea after Kenneth was out of earshot.


"Aalis ka ba ng kusa o tatawagin ko na ang guard?"



"Lea, just give me at least five minutes to explain. I did that because I like you." I said hastily. "The moment I saw you in that hospital room, I felt this undeniable attraction between us."



Natigilan siya saglit.



"May boyfriend na ako." Sabi niya. I'm expecting na pagtatawanan niya ako o ipagtatabuyan pero ito ang dahilan niya.


O ano ngayon kung may boyfriend ka? E asawa mo naman ako.


"Mahal kita, Lea." Seryosong sabi ko.



Mahal kita bilang si Aga at mahal kita bilang si Cody. Kahit siguro maging sino ako, at kahit ilang beses akong mawalan ng memorya, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.

We stared at each other for a couple of minutes.

"First of all, I doubt kung alam mo ang tunay na kahulugan ng mga salitang iyan. Pangalawa, Wala akong gusto sayo at lalong hindi kita mahal." Madiin ang pagkakasabi niya yun.


Very convincing.



ARAY!! Ang sakit nun a.



Siguro nga totoo ang sinabi niya at may pagkamasokista din ata ako kaya nagawa kong itanong ito, "Mahal mo ba si Manansala?"

"Wala kang pakialam." asik niya. Nagkaroon tuloy ako ng kompyansa na hindi niya mahal ang Manansala na iyon dahil ang sagot dapat sa tanong na iyon ay OO at HINDI lang.

"E iyong nasira mong kabiyak, mahal mo pa ba?" I need to know if her heart belongs to me.

"I loved my husband." She said firmly.

Loved! Past tense.

Okay. I get it. Hindi na niya ako mahal.

"I still love him. And I will always love him."

Shit! For real?

Hindi ko na mapigilang ngumiti at kung hindi lang siya nakatingin ay maglulundag na ako sa sobrang galak.



"E paano kung sabihin ko sayo na ako ang--" Muntik ko nang masabi na ako si Aga pero buti na lang napigilan ko agad ang sarili ko bago pa lumabas ang mga katagang yun sa bibig ko.



"Ikaw ang?" nanghahamon na tanong niya.



Napalunok ako.




"Wala. Sige aalis na ako. Pero babalik ako bukas. Kailangan nating mag-usap."





"Wala na tayong pag-uusapan. Wag ka nang babalik!"



I ignored her.



I started walking towards the main door nang may naalala akong sabihin.


"Siyanga pala. I'm not sorry about the kiss. Matagal ko nang gustong gawin yun. Wala lang kasing magandang rason noon, pero at least ngayon meron na. And one more thing. Makipag break ka na kay Manansala."


Napataas ang isang kilay niya.

"Wala kang karapatang utusan akong makipaghiwalay kay Rob at lalong wala kang karapatang halikan ako dahil unang una, hindi kita nobyo at lalong hindi kita asawa. You're nothing to me but a sack of beans!" Bulyaw niya.


Napangisi naman ako.


Kung hindi ko lang alam na lalo siyang magagalit ay tumawa na ako ng malakas.


If I'm having this kind of reaction from here, it means I'm getting into her nerves.


And that's a good thing. Kasi kung wala siyang pakialam at kung wala siyang anumang nararamdaman para sa akin, kanina pa niya dinampot ang telepono at tumawag ng security.


I'm nothing but a sack of beans? Ang taray nun a. Masabi pa kaya niya yun kapag nalaman niyang ako talaga ang asawa niya?



"Remember your fairytales, Babes. Jack's beans turned out to be...MAGIC..."




End of Chapter
✩✩✩

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now