FROOTEES

1K 61 9
                                    

Lea's POV


It's already 11pm when I finally received the most awaited SMS from Vice.

I quickly grabbed my purse and headed out upon reading the address. At dahil hindi ko kabisado ang lugar na yun, nagpatawag na lang ako ng Taxi sa Guard sa labas ng subdivision.

And thankfully after 30 minutes, nakarating na rin ako. As expected, halos wala nang tao sa kalsada at sarado na rin ang lahat ng establishment sa paligid.

Hindi na ako sinamahan ni Vice dahil magkasama daw sila ng boyfriend niya at may hindi sila pagkakaintindihan na kailangan nilang pag-usapan. Kaya ang ending, ako lang mag-isa ang nagtungo dito sa bar kung saan nandito daw ang asawa ko.

Asawa..

It seems so long ago since the last time  I used that word. Countless times I prayed for this but now that my prayers are finally answered, I don't know what to do.

Pagpasok ko pa lang, parang gusto ko nang bumalik sa bahay. Pero nilakasan ko ang loob ko kung gusto ko talagang magkaayos kami.

Palinga linga ako sa paligid nang may kumalabit sa aking balikat.


"Can I buy you a drink?" Tanong ng isang matangkad at mestisong lalaki na tantiya ko ay nasa 25 to 30 years old.

He is smiling at me seductively.

Umiling ako. He is trouble.

Hindi ko naman first time na magpunta sa mga ganitong klaseng lugar pero that was before, noong nag-aaral pa lang ako, dalaga at wala pang asawa at mga anak.

"Care to dance?" Sabi pa niya at inilahad ang kamay pero hindi ko pinansin. Naging malikot ang aking mga mata para hanapin ang asawa ko.

"Are you with someone?" Tanong ulit ng lalaking to.

Ang kulit!!!

Sakto namang nahagip ng aking paningin ang isang pamilyar na pigura.

"Yes. Excuse me." Sabi ko sa kanya ng diretso sa mata. At tumalikod kaagad para lapitan si Aga.

Ilang dipa na lang ang layo ko mula sa kanya ng biglang may tumabing babae.

Nakatalikod kasi siya kaya hindi niya ako nakita.


May ibinulong yung babae tapos ngumiti si Aga saka sabay na tumayo at umalis na magkahawak kamay.


Parang pinipiga ang puso ko habang tinatanaw ko sila palayo.


"Hey, lady. Are you one of Cody's friend?" Tanong ulit ng makulit na lalaki. Sinundan pala niya ako.


Bakit ba sobrang kulit ng isang to. Nauubusan na ba siya ng babae at ako pinagkakainteresan niya? Hindi naman ako socialite tulad ng mga ibang babae na nandito.


Simpleng black long sleeves at pantalon lang naman ang sout ko. Hindi ako agaw pansin lalo na at nakasalamin pa ako.


"I'm his wife." Bulong ko pero somehow despite the noise narinig niya ang sinabi ko.


"Cody? Has a wife?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki. He looked at me intently at saka tumawa. "Really? But you're not his type. I mean, no offense cause you're a beautiful woman....but he is into model type women. And he is engaged to Shane Torres."

Umirap ako sa kanya tapos lumakad na palayo papunta sa direksyon kung saan nagtungo si Aga.

He seemed to know quite a lot about Cody but I know my husband better than anyone else. And if he is indeed my husband, Aga, then I have nothing to worry.

"I'm Dervy, by the way, and if you like, I'll accompany you. I know where Cody is taking her." Prisinta ng lalaking nagngangalang Dervy.


Paano ko tatanggihan ang alok na yun.

Napansin naman niyang natigilan ako.

"They're going to one of the VIP rooms. Cody is not really a regular here. But Shane had brought him here on some occassion but he never came here alone. This is the first." He said.

Hindi ba niya alam na patay na ang girlfriend ni Cody?


I wonder.


"I didn't get your name.." he trailed off while scrutinizing me from head to toe. He doesn't look like a thug and a pervert but looks can be deceiving. A rich kid who thought the world is his is more dangerous than anyone else.

"Lea." I said. I should have not told him but I somehow want them to know that the Cody they knew has a wife and the name is LEA.

"Lea." He said as if testing the my name on his lips. "Beautiful name for a gorgeous woman." He winked at me but I pretended I didn't see that.

I wanted to talk to my husband, iyon ang ipinunta ko dito, and not to endure a one-sided flirtation with a random guy.

>>>

"Hey Cody! Look who I got here." Sigaw ni Dervy para maagaw ang atensyon ni Aga na kasalukuyang nakikipag flirt dun sa babaeng kasama.

Napalingon si Aga sa amin ni Dervy at kumaway pa. Pero napalis ang ngiti niya pagkakita sa akin.

Lumapit sa amin si Aga. Hindi naman nagreklamo yung babaeng kasama niya.

"Does Shane knew you have a wife?" Nakakalokong tanong ni Dervy. This caught the attention of some young men on the counter. Napatingin na sila sa gawi namin.

Hindi ko alam kung close silang dalawa pero mukha namang magkaibigan sila.

Hindi agad nagsalita si Aga. Humugot muna ng malalim na hininga bago lumapit ng kaunti sa amin.

"Shane is dead. Don't talk as if buhay na buhay pa siya. And Dervy, I need to go. Thanks for tonight." Sabi ni Aga at nilagpasan na kami, ni hindi man lang niya ako tinapunan ng sulyap.


Wala mang lang siyang sinabi sa akin. Parang hindi niya ako nakita.

Naramdaman ko ang pagyugyog ni Dervy sa balikat ko. Nakatulala na pala ako.


"From the looks of it, mukhang nag-aaway kayo and I conclude that it's your fault. Siguro naman hindi mo na tatanggihan ang alok ko." Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin dun. At kung anuman ang inaalok niya hindi pa rin ako interesado.


"I'm sorry, kailangan ko nang umalis." mabilis kong turan at patakbong sumunod sa direksyon na tinungo ni Aga.

Kailangang mahabol ko siya. Hindi ko kaya ang ganitong trato niya sa akin. Masakit.

Kung kailangan magmakaawa din ako sa kanya, gagawin ko.

And thankfully hindi ako hinabol nung Dervy.

✩✩✩

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now