PRESTO CREAMS

1K 57 8
                                    

♡ ♡ ♡

Cody's POV


"...because I'm pregnant with your child..."


Parang bombang sumabog sa mukha ko ang sinabi niya.


That can't be true!

I tried to recall the last time na may nangyari sa amin.

Last month ang huli before siya nagtungo sa Japan.

"Are you sure it's mine?" I know it is cruel to ask that but I need to be certain.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko at napaatras ako ng bahagya dahil sa impact.

"How dare you! You are the only man I slept with." She hissed.

"Shane, look, I'm sorry." agad kong sabi nang makita ko kung gaano siya nasaktan sa sinabi ko.

"Sorry for what? Dahil sa implication ng sinabi mo, na may iba akong kinakalantari?" Bulyaw niya.


Hindi ako makapagsalita.

"If you are breaking up with me, hinding hindi mo makikita ang anak mo once na maisilang ko ito." She threatened. "At sisiguraduhin ko rin na hinding hindi ka magiging masaya sa piling ng babaeng ipapalit mo sa akin."


Hindi naman ako makakapayag sa ganun.


"Papanagutan ko naman ang bata, hindi ko naman tatakbuhan ang responsibilidad ko." sabi ko sa kanya. Alam kong walang empty threats pagdating kay Shania kaya medyo natatakot na rin ako para sa welfare ng ibang babaeng mamahalin ko.

"Kung ganun papakasalan mo ako dahil kung hindi sigurado akong malilintikan ka sa daddy ko." Pagbabanta pa niya.


When I decided to break things with her, handa na ako sa anumang gagawin ni Mr. Torres. Sisirain lang naman niya ang career ko, that is all.


Pero iba na ang sitwasyon ngayon, kung ako talaga ang ama ng pinagbubuntis ni Shania, malamang baka mapatay ako ni Mr. Torres kung hindi ko papanagutan ang anak niya.


Kaya wala akong choice kundi umoo na lang sa sinabi niyang magpakasal na kami.

» » » »


Mabilisan ang ginagawang preparasyon ni Shania para sa kasal namin, tuwang tuwa naman ang mga magulang niya dahil sa balitang buntis na ang anak nila.

Para naman akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nangyayari ngayon sa buhay ko.



Apat na araw na simula nung sinabi sa akin ni Shania ang kagimbal gimbal na balitang iyon at apat na araw ko na ring hindi nakikita si Lea at ang kambal.


I miss them..


I know it may sound absurd kasi hindi ko naman sila kaano-ano at ilang beses ko lang silang nakasama pero iba e.



Gusto ko silang tawagan pero hanggang attempt lang kasi before pa mag ring ang cellphone ni Lea ay pinapatay ko na agad.


"Anong bang nangyayari sayo, Cody? Ilang araw ka nang parang balisa. Yung project natin sa Antipolo hindi mo na nasusupervise." Puna ni Ariel, ang kasamahan kong Engineer din.

"Pasensya na, Pare. May iniisip lang."

"Para kang bibitayin sa itsura mo, dapat magsaya ka kasi ikakasal ka na sa nobya mo. At magkakaanak na rin kayo." Sabi niya.

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now