HAYLAYF

1.2K 61 79
                                    


✩✩✩

Lea's POV


I don't know how long I have been standing here.

10 minutes? Or maybe 20? I lost track of time. Sa loob nang ilang minutong ito ay nanalangin ako na sana manumbalik ang dating si Aga. Iyong Aga na asawa ko na hindi ako kayang tiisin kahit na anong mangyari. Maybe hindi na siya babalik.

May mga mangilan ilan na ding tao ang dumaan at curious na napapatingin sa akin pero wala akong pakialam.

The only thing that's running on my mind is the fact that Aga left me here...all alone.

Hindi man lang niya ako hinintay na makasakay ako ng taxi, basta iniwan na lang niya ako dito. Hindi man lang naisip na baka may mangyaring masama sa akin dito. Inuna pa niya ang galit at pagkainis niya sa akin kaysa ang kapakanan ko.


Medyo madilim pa naman. At walang napapadaan na taxi.



He did that without even having second thoughts.


Siguro nga wala na talaga siyang pakialam sa akin.


Maybe the Aga I knew is no longer there. Cody is a stranger to me and despite recovering some of his memories wouldn't bring back old traits.

After few more seconds before I decided to call someone for help, a familiar car skidded and stopped a few inches away from me. And I gasped audibly at the screeching of tires and a familiar car stopped a few inches away from me.

Lumabas si Aga mula sa driver's seat looking so grim, "Where's your car?"

Diba sabi niya wala na siyang pakialam? Bakit niya tinatanong ngayon kung nasaan ang sasakyan ko.

"Muntik mo na akong masagasaan. Gusto mo ba akong patayin?" I asked angrily. My heart is still racing. Seeing him makes my heart flutter despite the brewing anger for almost making me faint in shock.

Paano kung nahagip ako doon? Talaga bang ganito na siya katarantado at parang balewala na lang sa kanya kung makadisgrasya siya?


"Yung tanong ko ang sagutin mo." He demanded.


At siya pa ang galit!??


"Nagtaxi lang ako papunta dito." Kahit sobrang naiinis na ako, nagawa ko pa ring sumagot ng kalmado.


"Tsk! Kababae mong tao tapos magtataxi kang mag-isa. Ang lakas din nang loob mo. Parang wala kang pamilya na inaalala. Paano kapag may masamang mangyari sayo? Hindi mo ba inisip ang magiging kahihitnan ng mga bata?." Pangaral niya.


Napaawang ang aking mga labi sa narinig. Siya ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito pero siya pa ang may ganang mag accuse sa akin ng ganito?


"Nagbalik ka ba dito para pagsabihan ako ng ganyan? Hindi pa ba sapat ang mga sinabi mo kanina at nag-aksaya ka pa ng panahon na bumalik at pangaralan?"

Hindi siya sumagot bagkus nagtungo siya sa kabilang side ng sasakyan at binuksan ang pinto.

"Get in." Madiing utos niya.


"Ayoko. Kaskasero ka magmaneho. Baka mamaya ibangga mo pa ang sasakyan at nakainom ka pa." sabi ko. If there is something bad will happen to both us, the twins will be orphaned. They're too young to go through that kind of pain.

Ayoko nang maulit ang pagdurusang dinaanan nila noong inakala naming lahat na patay na si Aga.

Napabuntong hininga siya, "Sasakay ka ba ng maayos o bubuhatin kita?"

His tone is very serious at kapag nakainom siya, lahat ng sinasabi niya gagawin niya.

"Ako na lang magmamaneho." Pagpiprisinta ko. "Please, let me drive. Para sa kaligtasan nating pareho at para sa kapakanan ng kambal."

"I told you to get in the passenger seat hindi ko sinabing magmaneho ka." giit pa rin niya.


I pursed my lips and glared at him.
"Magtataxi na lang ako."

Nagtagisan kami ng titig at walang may balak magpatalo.

"At saan ka naman makakahanap ng taxi ng ganitong oras? Liblib ang lugar na ito, Lea."

Pero hindi pa rin ako natinag. Desidido na rin ako na hindi ako sasakay sa kotse niya.


"Hey Cody!" We heard someone called from the other side of the road.

Sabay pa kaming napalingon sa direksyon ng boses na yun.

Dervy is walking towards us na may hawak pang bote ng alak. He seemed intoxicated already. Gone is the cool Dervy I saw a while ago.

"I've been watching the two of you for a while now. And it looks like you are having a fight." Dervy said and he swigged from the bottle he is holding.


This is not good.

Mukhang mas marami nang nainom ang Dervy na to kaysa kay Aga.

"Kung ayaw nang sumama sayo, ako na ang maghahatid kay Lea." Sabay kindat sa akin at hindi yata napansin ni Aga yun.


Naalarma ako bigla sa sinabi ni Dervy. Baka pumayag ang asawa ko.


Nagawa nga niya akong iwan dito baka magawa din niyang hayaan akong tangayin ni Dervy.


"Salamat na lang, pare. Pero ako na ang mag-uuwi sa asawa ko." mariing sabi ni Aga. This is the first time that he acknowledged na asawa niya ako.


"So totoo ngang mag-asawa kayo. Well, congratulations, I think you got yourself one fine woman." - nakangiting sabi ni Dervy.

He is gawking at me and I don't like to be looked at that way.

I tugged Aga's shirt and he motioned me na pumasok na sa loob ng sasakyan.

Hindi na ako nagdalawang isip pa, dali dali akong sumakay at isinara ang pinto. Mukha namang hindi lasing ang asawa ko. Galit lang talaga siguro siya kanina kaya ganoon magpatakbo ng sasakyan.

Pero ano pa mang dahilan, I'd rather have my husband drive me home than anyone else.


"Bring her sa mga Saturday lakad natin. Matagal ka nang hindi nakakasama." Pahabol pang sigaw ni Dervy bago makasakay si Aga sa Driver's Seat.

I saw him nodded but I know he has no intention na gawin ang sinabi ni Dervy, I felt relieved.

Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko habang nasa byahe kami. Pasimple akong tumitingin kay Aga pero siya sa kalsada lang nakatingin.

Kahit hindi siya nagsasalita at parang walang balak makipag-usap man lang sa akin, kahit mga small talk lang, that's fine with me.


Ang importante, binalikan niya ako mula sa lugar na yun, and that's good enough.. for now..

Pero paano kung ayaw pa rin niya akong kausapin ng masinsinan sa maayos na paraan?


Akitin ko kaya?



Bahala na..

✩✩✩

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now