CHOCO MALLOWS

1K 55 17
                                    

Lea's POV

For the nth time, my fingers traced my lips as the memory of Cody kissing me crossed my mind.



This reminds me of Aga.


Everything about Cody reminds me of my husband.

And there's nothing I can do about it.

Ano ba, Lea. Patuloy ka na lang bang mag iilusyon na siya si Aga? Diba nga hindi nagmatch ang DNA nila? Ano pa bang klaseng pruweba ang gusto mo?


Kung hindi ko pa naalala ang asawa ko ay baka hindi ko nagawang itulak kanina si Cody.

Pilit kong iwinaksi ang anumang bagay tungkol kay Cody at naghanda na para matulog.


Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sumilip sa bintana right after kong pinatay ang ilaw.


Parang may kung anong humahatak sa akin para tumingin sa labas.

The street is not completely dark kasi may light naman sa di kalayuan at may ilaw din ang poste ng mga fence ng bahay namin.

Kaya kitang kita ko ang nakaparadang puting Toyota Frontier sa harap ng gate namin.

Ano pa ba ang ginagawa niya dito? Pasado alas onse na.

Dumungaw si Cody sa bintana at tumingin sa direksyon ko. Buti na lang hindi niya makitang nakasilip ako dahil madilim dito sa loob ng kwarto.

Ay bahala ka sa buhay mo.

Matutulog na ako.

>>>

I tossed and turn on my bed for almost 20 minutes pero hindi pa rin ako makatulog.

Five more minutes.

10 minutes...


Another 5 minutes..

Pagtingin ko sa orasan, 12:05am na.

Bumangon ako at dahan dahang lumapit uli sa bintana.


My God! He's still there.

Kinuha ko ang aking robe at isinuot saka lumabas ng aking silid at maingat na bumaba sa hagdan para pumunta sa labas.




I hugged myself when I opened the main door as the cold night air brushes my skin.

With quick and long strides I went to open the gate.

I tapped his car window ng ilang beses.

Umibis siya sa sasakyan at tumayo sa harap ko.


"Ano pa bang ginagawa mo dito?" Naiiritang tanong ko. Kung hindi nga lang sana nakakaeskandalo sa mga kapitbahay, baka sinigawan ko na.

"Hinihintay ka." Nakangiting sagot niya. "At hindi nga ako nagkamali, hindi mo ako matitiis."

Napahilot ako sa aking sentido.

"Please naman, Cody. Umuwi ka na. Hindi ako makatulog sa ginagawa mong ito e." Naibulalas ko.


"Talaga?"



I glared at him.

"Dito na lang ako matutulog ngayong gabi."


"Ayoko nga. After that stunt you pulled earlier tingin mo pagkakatiwalaan pa kita? Baka mamaya gapangin mo pa ako."

"No, I promise magbebehave ako. You can double lock your door para secure ka talaga." Sabi pa niya na nakataas ang isang kamay na anyong nanunumpa sa watawat ng Pilipinas.

"Ayoko pa rin."

"E kung dukutin kaya kita." -sabi niya.

Mukhang seryoso at parang desidido na siyang gawin ang sinabi niya.

Bigla akong kinabahan.

Napaurong ako ng bahagya kasabay ng pabilis na pabilis na pagtibok ng puso ko.

"Subukan mong gawin, kitang kita ang mukha mo at plate number ng sasakyan mo sa CCTV." sabi ko para matauhan siya.


"Can you just give me a good night kiss so I can go? Para sa ikatatahimik nating lahat."

Huh?

"At sino ka para magdemand sa akin ng ganyan?" Nakakainis na siya. Sobra. Akala mo kung sinong gwapo.

Pero gwapo naman talaga.

Yun nga lang, sobrang bilib sa sarili.

Kaya lang wala naman kaming relasyon para humiling siya sa akin ng ganoon. We are not even friends!

Inilapit niya ang mukha niya sa akin bago sumagot sa tanong ko.

"When the time comes, magdedemand ako sayo at sigurado akong hindi mo ako tatanggihan." He said before starting the engine and drove away.


His last statement puzzles me. It's very cryptic.


Anong ibig niyang sabihin?

✩✩✩

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now