Sayonara

871 26 5
                                    

Aga's POV

Pagdating ko sa bahay ng aking ama, si Andrea ang sumalubong sa akin sa gate.

"Nasaan ang asawa ko?" agad kong tanong kahit walang kasiguraduhan kong nagkita nga ba sila ni Lea.

"Inside. Kausap ni Tito. I suggest na wag ka na munang makialam sa usapan nila. Hindi makakabuti sa inyo." Sagot ni Andrea.

Kahit noong mga bata pa lang kami, alam kong pasaway at parang may sira sa ulo ang pinsan kong ito.

Napakasinungaling pa kung minsan. Pero sa lahat din ng kamag-anak ko, siya ang pinaka reliable na source kung tsismis ang pag-uusapan.

Hindi ko pinansin ang suggestion niya, bagkus ay nagmamadali akong pumasok s kabahayan.

Saktong pagpasok ko ng marinig ko ang boses ni Papa.

"Iyon ay kung..buhay ka pa."

Napasinghap si Lea at maging ako ay nagulantang din sa tinuran ng aking ama.

Hindi ko lubos akalain na magagawang magsalita ng ganoon si Papa pero ano pa nga ba ang aasahan ko mula sa kanya?

Sinira niya ang buhay ko. Para na rin niya akong pinatay kaya hindi na ako magtataka kung totoong magawa niya nga amg kumitil ng buhay.

"Lea!" Tawag ko sa pangalan ng asawa ko pero hindi siya lumingon sa akin.

"Ano bang pinagsasabi niyo sa asawa ko?!" galit na galit kong bulyaw kay Papa.

"Wala naman akong sinasabing masama sa kanya." depensa ni Papa. "Sinasabi ko lang ang mga possibilities."

Naningkit lalo ang aking mga mata. Alam kong tinatakot niya si Lea. At hindi ko alam kung ano pa ang mga pinagsasabi niya sa asawa ko bago ako dumating.

"Ano bang gusto mo para tumigil ka na sa panggugulo sa amin?" tanong ko ulit. Kung hindi ko lang siya ama ay kanina pa dumapo ang kamao ko sa mukha niya.

Pero nanghihina na si Papa kaya siguro desperado na rin siya na mailipat ang lahat ng kanyang ari-arian sa kanyang tagapagmana.

"I need you to run the family business. Ikaw na lang inaasahan ko." mahina ngunit maawtoridad na sabi ni Papa.

"Noon pa man, wala na akong interest sa negosyo mo. Ibigay mo na lang lahat sa charity pero mag-iwan ka ng salapi para sa kinabukasan ng anak ni Angelo."

Hindi umimik si Papa kaya nilingon ko si Lea at hinawakan ang kanyang kamay. Sa awa ng Diyos hindi niya iwinaksi ang kamay ko.

"Babes...uwi na tayo." mahinang usal ko at tumango lang siya bilang pagsang-ayon.

Pero bago pa man kami tuluyang makalabas ng bahay ay narinig ko ulit ang boses ni Papa.

"I'm dying."

Napahinto ako bigla sa paglalakad at ganoon din si Lea.

Napapikit ako ng mariin. Saka unti unting humarap ulit kay Papa.

"I never wanted anything from you. I never asked you for anything after mom died. I strive to live on my own without your help. I loathed you. I haven't forgiven you for all the pain I've endured for almost two decades. But today, I sincerely wish this..Papa. May you rest in peace."

Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko paglabas namin sa bahay.

Wala kaming imikan ng asawa ko habang nagmamaneho ako pabalik sa hotel kung saan ako pansamantalang tumuloy.

Sari-saring emosyon ang nadarama ko ngayon. At hindi ko alam kung paano rin kakausapin si Lea para ipaliwanag ang lahat ng nangyari.

"Lea..."

Narinig ko ang mahina niyang paghikbi pero natatakot akong harapin siya dahil alam kong masasaktan ako ng labis.

"Bakit nangyayari sa atin ito?" tanong niya. Maging ako ay hindi ko alam ang sagot.

"Ang alam ko noon ay tuluyang ka nang nawala sa akin. I grieved for you. And how I wished na sana namatay ka na lang noon."

Parang punyal na sumasaksak sa dibdib ko pagkarinig ko ng mga salitang iyon.

Sa pagkakataong ito, tumulo na rin ang luha ko.

"I wish you were dead. That way, I would cherish the good memories we had, and to always remember you as the man I've married."

Sobrang sakit pero naiintindihan ko.

Naiitindihan ko na kung gaano niya ako kamahal.

"I think you should stay here."

Umiling ako. "Please, Lea....please...let me come with you."

"Narinig mo ang sabi ng Papa mo. He will not rest until you gave in. Ayokong dumating ang araw na pati ang mga anak natin ay madamay. Your dad is no longer the good man you remembered." Katwiran niya.

"Stay here and fix everything that needed to be fixed. Don't bother us while you are it. We managed three years without you, remember?" Pilit siyang ngumiti pero ang lungkot lungkot ng mukha niya.

"We can do it again, Aga. Ayusin mo muna ang buhay mo. Ayusin mo muna ang nakaraan mo saka mo kami balikan. We will be waiting for you."

Parang nawala lahat ng lakas ko. Ni hindi ako makapagsalita para tumutol.

Ang alam ko lang umiyak ako ng sobra sobra.

"Ayoko!" sa wakas ay naibulalas ko. Kasabay ng sunod sunod na pag-iling.

"Aga, let's make a deal."

Deal?

"When everything is over. We will all go abroad. Magsisimula tayo ulit. Kaya ipangako mo na gagawin mo ang lahat para maayos ang pamilya mo."

"Lea, it will take years. Hindi lang kay Papa ang problema. Sanga sanga na yan, marami nang tao ang nadamay at hinding hindi ko na maayos pa yun."

"Kahit abutin pa ulit ng tatlong taon, hihintayin kita. Kahit gaano katagal."

"Mahal kita." mahinang saad ko na para bang iyon na lang ang natitirang panlaban ko para magbago ang isip niya.

Gamit ang dalawang kamay ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mata.

"Mas mahal kita."

For it seems like eternity, ngayon ko lang ulit napakinggan na sabihin niyang mahal niya ako.

Kahit nalulungkot ang puso ko sa paghihiwalay namin ito, kontento na ako na malamang ako pa rin talaga ang mahal niya hanggang ngayon. At handa siyang magsakripisyo para sa pamilya namin.

Niyakap niya ako. Mahigpit. Na para bang hindi na niya ako bibitawan.

Pagkatapos naming mag-ayos at pakalmahin ang amin sarili ay inihatid ko na siya sa airport.

Kumaway pa siya sa akin bago pumasok sa departure area.

Paalam, Lea. Hanggang sa muli nating pagkikita.


The End.


Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now