PAWNSHOP

654 21 1
                                    

Lea's POV


Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin ng aking biyanan. O kung maituturing pa bang biyanan ang taong ito sa ginawa niya sa amin ng asawa ko.

Habang tinitingnan ko siya ay ganun din ang ginagawa niyang panunuri sa akin. Alam kong hindi gaanong maayos ang sarili ko ngayon dahil sa puyat at pagod pero kahit ganoon man, wala akong pakialam sa kung anumang iisipin niya sa akin.

Si Carlos Muhlach, base sa aking paningin ay nasa mid-sixties na. Meron na siyang hawak na tungkod pero kahit nakikita na sa pangangatawan nito ang panghihina dulot ng katandaan o di kaya'y mga iniindang sakit ay may mga mata itong matalas pa kasya sa isang bata. Mababanaag ang katalinuhan at malalim na kaalaman sa buhay.

Kung nakilala ko siya ng mas maaga, maaaring siya ang naging takbuhan ko kapag may problema.

Pero malupit ang tadhana dahil imbes na paghanga sana ang mararamdaman ko para sa aking biyanan ay matinding galit ang aking nadarama.

"Gusto kong sabihing ikinagagalak kong makilala ka, Lea." panimula niya at muntik na akong mapatawa ng mapakla sa tinuran niya.

"Pero batid kong magiging insulto iyon sa pandinig mo." Pagtutuloy nito. "Hindi ko alam kung ano ang sinadya mo dito. Marahil iyo nang napag-alaman ang tunay na pagkatao ng taong napangasawa mo."

Naikuyom ko ang aking kamay dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"Bakit?" iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Sa dami ng gusto kong itanong ay simpleng bakit lang ang namutawi sa aking mga bibig.

Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon meron sila ng anak niya pero bakit kailangang madamay ako? At ang mga anak ko?

"Bakit? Bakit ko nagawa ang lahat ng mga bagay na ginawa ko?" balik tanong ng matanda.

Huminga muna siya ng malalim na para bang humuhugot ng lakas para magsalita.

"Marami akong pagkukulang sa anak kong si Aga. Gusto kong ibalik ang dating pagtingin niya sa akin, ang dating respeto at paghanga niya sa akin bilang ama. Nagkamali ako noong nagkaroon ako ng anak sa labas. Pero sa panahong iyon, hindi ko pa batid ang kapalit ng ginawa kong kasalanan. Tuwang tuwa ako noong dumating si Angelo sa buhay ko. Sa labis kong kaligayahan, hindi ko napansin ang labis ding kalungkutan ng aking asawa maging ang naging epekto nito sa aking panganay." pagkukwento nito.

Gusto kong isigaw sa mukha niya na isa siyang tarantado pero nagpigil ako.

Normal lang na mamuhi sa kanya si Aga dahil sino ba namang anak ang matutuwa kapag nangaliwa ang haligi ng tahanan?

Kung may dapat mang sisihin sa pagkasira ng pamilya niya, siya iyon.

"Nang mamatay ang asawa ko at pagkaalis ni Aga sa bahay na ito, doon ko lang napagtanto na maling mali ako sa mga naging desisyon ko."

"Tigilan mo na kami." madiin kong sabi. Sa paraang mapang-utos at determinado. "Tama na ang tatlong taon na nagdusa kaming mag-anak dahil sa pakikipagkasundo niyo sa pamilya ni Shania."

Napayuko ng ulo ang ama ni Aga.

"Hindi kayo mamahalin ng anak niyo kung patuloy niyo pa rin siyang mamanipulahin s mga gusto niyo. Ang gusto lang naman ng asawa ko ay mabuhay ng masaya at payapa." Naiiyak na talaga ako. At sa sandaling bumagsak ang luha ko ay hindi na ako makakapag-isip ng maayos.

"Angelo is dead. All I have is Aga." wika nito. Nanigas ang panga ko dahil sa narinig. Alam ko ang gusto niyang iparating.

Mayaman sila at tanging si Aga lang anak niya buhay kaya kay Aga niya ipapamana ang kanyang kayamanan at ang negosyo ng pamilya nito.

"Alam kong hindi kayo kayang iwan ni Aga kaya gumawa ako ng paraan para makalimutan niya kayo pero sadya yatang kalaban ko ang tadhana dahil sa kabila ng ginawa kong paghahadlang ay nagkita pa rin kayo at bumalik pa rin siya sa piling mo."

"At wala rin akong balak na ibigay siya sa inyo. Hahawakan ko ang asawa ko at hinding hindi ako papayag na mahiwalay ulit siya sa amin."

Napangiti ang matanda at saka tumayo. Kahit hirap ay nagawa nitong tumayo ng tuwid gamit ang tungkod at saka ako tiningnang maiigi.

"Kaya gusto kong dito na kayo manirahan sa mansyon. Kayong mag-anak." mungkahi niya.

Napanganga ako sa narinig dahil kahit sa panaginip ay hindi ko inasahan na ganito ang magiging gusto niyang set-up.

"Pasensya na ho pero may buhay po kami sa Maynila at hindi na namin iyon maiiwan." Sagot ko.

Gusto ko nang lisanin ang lugar na ito dahil para akong kakapusin ng hininga.

"Kung ayaw mo, si Carmen ang papalit sa'yo." seryosong saad nito.

Natigilan ako at napatitig lang sa kanya. Gusto kong marinig kong ano ang plano niya.

"Kamukha mo si Carmen. Halos magkaboses na rin kayo at darating ang araw na lahat ng kilos mo at pag-uugali ay magagaya na rin niya. When that time comes, hindi na mahahalata ng anak ko kung ano ang tunay sa huwad."

Nanghina ako sa sinabi niya.

"Ako ang asawa niya. Hinding hindi maagaw sa akin ang asawa ko!" giit ko.

Tumawa siya.

"Iyon ay kung...buhay ka pa."

👊👊👊
End of Chapter

....

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now