HUM TUM CRACKER

1.3K 58 37
                                    

LEA's POV


I was in shock.

Hindi lang dahil sa nakaya niyang gawin yun sa kanyang kondisyon pero dahil na rin hinayaan kong may mangyari sa amin.


Holy cow! What now?

Kanina pa mahimbing na natutulog si Aga sa tabi ko pero hindi pa rin ako makatulog. Sinalat ko ang noo niya sa ikatlong pagkakataon. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na masyadong mainit.

He should feel better now and that's a relief.

Pero hindi pa rin maalis ang aking pagkabalisa.

What's gonna happen tomorrow?

Anong gagawin niya?

These are the questions na kahit mag-isip pa ako ng sobrang lalim ay hindi ko mabibigyan ng magandang kasagutan.

Maybe it's a bad idea na magkatabi kami dahil may lagnat pa siya pero wala akong lakas na bumangon. Hinang hina ang pakiramdam ko. At paulit ulit na bumabalik  sa alaala ko ang namagitan sa amin kanina.

Kinakabahan ako sa kung ano ang magiging reaksyon niya kapag magaling na siya. Baka kutyain niya ako ulit at kung ano ano na namang hindi magandang salita ang masasabi niya.


I need to think of a way to avoid that. I won't risk my heart again. 



I know that he has been hallucinating kaya mas mainam siguro kung bibihisan ko na lang siya tapos makikitulog na lang ako sa kwarto ni Kyra. That way, iisipin niyang panaginip lang ang nangyari sa amin ngayon.

Best idea ever!

I'm already on my way out nang bigla siyang umungol. And started murmuring, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya dahan dahan din akong bumalik sa kama..

I froze when he said..


...Shane...


Ouch! Maybe he's thinking about his dead girlfriend while making love with me..

...


I woke up early to prepare breakfast at para na rin hindi magtaka si Kyra kung bakit ako natulog sa kwarto niya.

"Good morning mommy!" Masiglang bati ni Kenneth.

"Good morning baby." Ganting bati ko at iniwan saglit ang niluluto ko para halikan siya sa noo. "Where's Kyra?"


"I'm here." Pupungas pungas na sagot ni Kyra. "Good morning mommy."

"Morning, sweetheart. What did you do last night at mukhang hindi ka yata nakatulog?" tanong ko. Maang-maangan lang ang.. hihi..


"I don't know mom, I just feel tired." sagot ni Kyra at umupo na rin sa tabi ni Kenneth.


Hinayaan ko na lang siya, alam ko namang ako ang dahilan kung bakit hindi maayos ang tulog niya. Pero syempre hindi ko sasabihin yun. Kyra is the type of girl na ayaw may katabi. Nagsimula lang naman yun three years ago so I thought ngayong nandito na ang tatay nila baka bumalik na siya sa dating Kyra pero hindi pa pala.



Nagconcentrate na lang ako sa aking pagluluto habang nakikinig sa usapan ng kambal. Maya maya pa ay narinig ko na ang pamilyar na boses na may kakayahang pabilisin ang tibok ng puso ko.


"Good morning." He said hoarsely. 


"Good morning, dad. Okay na po ba kayo?" -si Kyra ang unang nag-usisa. 

Tingnan mo tong batang to, nakita lang ang daddy niya parang nagising lahat ng himaymay sa katawan niya.

Aba, may paborito.. at hindi ako yun.. hurt much..

"I feel better na, anak. Thanks for asking." Sagot ni Aga. 

I turned around to face them which is a wrong move dahil nagtama ang mga mata namin.

Shems..nakatingin pala siya sa akin. 

Nag-init ang pisngi ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Parang hindi yata ako patatahimikin ng alaalang yun. Damn!


"Inalagaan ka po ni mommy nung nagkasakit ka." Bibong pagbabalita ni Kenneth. "She prepared soup, she wash your face, she changed your soaked clothes and she stayed all night to watch you sleep."

Napamulagat ako sa narinig.

"Really?" Aga said while smirking at me.

Lalo naman akong namula kaya tumalikod ako ulit at nag-astang abala sa niluluto.

I hastily served our breakfast para makakain na sila at matapos na ito.

...

"Thank you." He said directly at me.

Hindi ko sigurado kung para saan yung thank you na yun pero malamang, dahil ako ang nag-asikaso sa kanya.

"Wala yun. You are ill and I am a doctor." tipid kong sagot.

Shit! Bakit ganun. Baka isipin niya na ginawa ko lang yun dahil sa Hippocratic Oath. Dapat sinabi kong dahil asawa niya ako, o kaya'y dahil mahal ko siya. Hay! Why do I keep messing up on things?

"Salamat pa rin. I don't exactly remember what happened yesterday. Bigla na lang sumama pakiramdam ko." pagkukwento niya.

This is the first na hindi snide remarks ang naririnig ko sa kanya. I don't want to ruin the delicate balance sa pagitan naming dalawa but I need to know if he really don't  remember last night.


"How about last night? Did you remember waking up and taking your medicine?" Yung puso ko parang lalabas na dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

"Last night? Wala naman akong maalala. But I certainly had a dream." Nakangising sagot niya. "And it's a dream you wouldn't want to know." dagdag pa niya.

Hindi yun panaginip pero I prefer if you would think of it that way.


Pero wait lang, diba he's dreaming after nang may nangyari sa amin?

Alin ang tinutukoy niyang panaginip? Yung nangyari sa amin o yung kay panaginip niya kay Shane?

...

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now