Nivea - White and Repair

716 28 9
                                    

Lea's POV

I wanted to surprise him kaya after my rounds ay nagpasya akong puntahan siya sa kanilang opisina at ayaing kumain sa labas.

Hindi ko na matandaan ang huling beses na dinala niya ako sa isang dinner date.

"Lea?!" Halata sa mukha niya ang sobrang pagkagulat.

"Yes. Are you expecting someone else?" Tanong ko.

"Oh, Miss Arevalo, may nakalimutan ka ba?" Biglang pasok ni Ariel.

"Miss Arevalo?" I asked. Bakit naman ako tatawaging Miss Arevalo ng lalaking ito?

At bakit ba nasangkot na naman ang pangalan ng babaeng yun?

"Ah, pare, this is Lea, my wife." Agad na sumabat ang asawa ko. "Sensya na ngayon ko lang naipakilala."

"Ang tagal tagal na nating ka-transact ngayon ka lang aamin." Pabulong na sabi ng lalaking tinawag na Ariel.

"Who is Miss Arevalo?" Tanong ko na nakadiretso ang tingin kay Ariel. Nagkunot noo naman siya, at para bang nalilito. Napatingin si Ariel kay Aga na para bang naghahanap ng isasagot.

"Ah, kliyente namin. Siya yung sinasabi ko noon na may ipinapagawang commercial building sa Antipolo. Yun ang madalas kong pinagkakaabalahan kasi pabago bago ng gustong disenyo." Si Aga na ang sumagot.

I have a feeling na si Carmen ang pinag-uusapan namin dito pero hindi na ako mag-uusisa pa baka kung ano pa ang malaman ko.

"Bakit ka nga pala nagpunta rito?" Tanong ni Aga para mabaling sa ibang usapan.

Sa totoo lang nakalimutan ko na kung bakit nga ba ako narito.

"Uhm, natapos na kasi ang rounds ko sa ospital. Yayain sana kitang lumabas."

"Maiwan ko muna kayo." Sabad ni Ariel bago umalis.

Naiwan kami ni Aga dito sa opisina niya.

"Let's go. Saan mo gustong pumunta?"

Napailing ako, "Busy ka sa trabaho kaya hindi na kita iistorbohin. Antayin na lang kita sa bahay. Ipagluluto na lang kita ng dinner. Will that be okay?" Sabi ko. Hindi ko alam kung halata sa mukha ko ang disappointment.

"Lea, may problema ba?" Tanong niya. "Ang lungkot ng itsura mo."

Wala na talaga akong maikukubli sa kanya. Kahit sabihing nawala ang memorya niya, batid kong kilalang kilala pa rin ako ng puso niya...kahit...may kahati na ako.

"Wala naman. Mag-usap na lang tayo sa bahay."

Hindi siya umimik. Parang may iniisip na malalim.

Sa mga ganitong pagkakataon, lalo akong nalulungkot kasi hindi na niya masabi sa akin ang laman ng isip niya.

"I need to tell you something." Seryosong saad niya.

Kinakabahan ako sa kung ano man yun pero hindi ko magawang kulitin siya na sabihin na sa akin.

"You were in a car accident before, right?" Tanong niya.

"Paano mo nalaman yun?" Nagtatakang tanong ko. Hindi iyon nalaman ng mga anak ko kaya hindi nila iyon maikukwento sa daddy nila. "Did Vice tell you?"

Aga shook his head. "I learned it from Ariel. From the people who hurt you."

"What do you mean?"

Huminga muna ng malalim si Aga.

"Shania...she knows you. She knew us. She wanted me." Simula pa lang ng pangungusap niya ay bumilis na ang tibok ng puso ko.

Everything goes back to Shania. That evil bitch!

Parang nanghihinang napaupo ako sa bakanteng upuan.

"Remember when I told you that she orchestrated everything? Shania asked her fried Dervy. Yung lalaking nakita natin sa bar. Siya ang pumutol sa brake ng sasakyan mo dahilan para mawalan ka ng control. They did that because nagsumbong si Shanjpia kay Dervy na nagbababae ako. At ikaw ang tinuro niya. I didn't know at that time kasi wala na akong memory."

Nagdidilim na ang paningin ko sa mga rebelasyon ng asawa ko.

What's with my husband na ganun na lang ang pagkahumaling ng Shania na yun?

"Are you telling me that Shania was the root of all these? Because of her obsession of you?"

Aga nodded. "I'm so sorry, Lea. Honestly, I just can't remember everything yet. Kung alam ko lang kung paano niya ako nakilala o kung paano ako nagkaroon ng koneksyon sa kanya, masasagot ko na lahat ng mga katanungan mo."

Of course, I believe Aga won't deliberately hide information from me. But well, he is not the same Aga I know.

Pero yung Aga ba na nakilala ko ay isang taong mapagkakatiwalaan?

"Gusto ba akong ipapatay ni Shania?" hindi ko mapigilang itanong.

Napahilamos ng mukha si Aga. "I don't know the extent of her hatred or her jealousy. Pero kahit alam kong gusto ka niyang ipahamak, hindi niya kakayanin na ipapatay ka kasi takot yun."

Hindi ako sumagot.

"What is there in Cebu?"

Ito ang lagi kong tinatanong sa kanya at sa sarili ko.

"What do you mean?" It's his turn to get confused.

"You didn't told me everything about Cebu. Naniniwala akong doon nagsimula ang lahat Aga. Kasi mula ng nagtungo ka doon, unti unti nang nawala ang Aga na nakilala ko."

Napatitig lang siya sa akin.

"I still do not remember."

"How long are you going to deny it?" mahinang sabi ko. Alam kong naaalala na niya ang ibang detalye pero may itinatago siya, maaaring ikasisira ito ng relasyon namin o maaaring ikapahamak namin pero magkaganunpaman, handa akong malaman yun.

"Okay. Kung hindi ka pa handang umamin sa akin, ayos lang. Pero sana hindi dumating ang panahon na huli na ang lahat bago ka magkaroon ng tapang para magsabi sa akin."

"Lei, I am not hiding anything from you..."

"I said it's fine, Aga. I'll see you at home.. Yun ay kung kami pa rin ang tinuturing mong tahanan." malumanay ko pa ring sabi kahit ang totoo ay naiiyak na ako.

Pagkasabi ko nun ay mabilis na akong tumayo at nilisan ang lugar na yun.

Pagod na akong maghintay kay Aga. Maybe it is about time na ako na mismo ang kumilos para tuklasin ang totoo.

Kung totoo mang hindi pa rin makaalala si Aga sa nakaraan, ako na ang pupunta mismo sa Cebu. Pero bago yun, aalamin ko muna ang tunay na pagkatao ni Carmen. At kung sino yung Miss Arevalo na tinutukoy nila.

⚫️⚫️⚫️

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now