Myra 300 e

699 32 1
                                    

Aga's POV

Kanina pa ako nakarating dito sa bahay pero andito pa lang ako sa labas. Hindi ko alam kung paano haharapin ang asawa ko.

Hindi lang siya ang naghahanap ng sagot. Maging ako rin ay windang na windang na rin.

Sino ba talaga si Aga Muhlach?

Ano ba talaga ang buong nangyari sa Cebu?

The more I think about it, the more na napapagtibay ang hinala ko na sa Cebu nagsimula lahat ng kaguluhan sa buhay ko, sa buhay naming mag-asawa.

Will it have been better kung wala na lang akong naaalala?

...

The living room is dark when I entered. Maaga pa naman kaya imposibleng tulog na ang mga kasambahay.

Dahan dahan akong pumanhik sa hagdan para hindi na maabala ang mga kasambahay na alam kung nanonood ng teleserye.

Saktong marating ko ang huling baitang ay siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto nina Kyra.

At lumabas ang isang matangkad na tao.

Naka face mask.

At sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako ng malakas. Ganun din siya.

Nabulabog naman ang boung sambahayan. The lights turned on, and everybody was panting.

Naningkit ang mata ko ng makilala ko si Vice.

"Ano ba naman Aga. Kung makasigaw ka para kang bakla!" pasigaw na sabi ni Vice.

At ang baklang ito pa ang may ganang magalit.

"Anong ginagawa mo dito?" iritadong tanong ko sa kanya.

"Tinawag ako ng asawa mo para maging nanny ng mga anak niyo." sagot nito.

Hinarap ko muna ang mga kasambahay at sinabihang bumalik na sa quarters nila.

Saka ako muling hinarap si Vice.

"Where is my wife?" mahinahon ko nang tanong.

"Pwede bang magpalit ka muna tapos usap na lang tayo mamaya. Maghuhugas lang ako ng mukha." Sabi nito at pumasok na sa guest room.

Nagsisimula na akong kabahan. Kahit naman may operasyon si Lea sa ospital ay hindi niya tinatawag si Vice para magbantay kasi tiwala namin kami sa mga tao dito sa bahay.

...

After 15 minutes...

Para kaming tanga ni Vice dito na nakatunganga lang sa isa't isa. Mula noong unang pagkikita namin sa mall ay ngayon ko lang nakita ang seryosong mukha nito.

"Akala ko hinihintay ako ng asawa ko dito sa bahay. Yun ang sabi niya sa akin kaninang napadaan siya sa opisina." panimula ko na lang para mabasag ang tensyon.


"Lea hired a private investigator. Dumating na yung result kaninang hapon. At pagkatapos nun ay nagtungo na sa airport."

"Airport?"


Hindi umimik si Vice.

"Saan pupunta? May emergency ba? Bakit hindi na lang niya pinagpabukas? Kailan daw babalik?" sunod sunod na tanong ko.

Hindi man lang kami nakapag-usap muna bago siya umalis. At hindi man lang ako sinabihan kahit sa text man lang.

"Sa Cebu." Sagot ni Vice.

Whaat???

Napahilamos naman ako sa aking mukha. "Anong gagawin niya doon?"

"Apparently, hindi ka pala lubusang ulila. According sa report ng investigator, may mga kamag-anak ka sa Cebu. And...doon ka pala nakikituloy noon."

Natigilan ako sa narinig. Sa totoo lang wala akong maalala na ganun.

I remember that more than 3 years ago ay nagkaroon ako ng malaking project sa Cebu. Isang kilalang tao noon ang may-ari ng building na itatayo ng construction firm namin. Pero hindi ko na maalala ang pangalan ng taong yun. All I know ay isang pulitiko.

"Can you give me the address?"


Kumuha si Vice ng papel at sinulat doon ang eksaktong address na pupuntahan ng asawa ko.


"Alam kong maraming matutuklasan si Lea once na nakausap niya ang pamilya mo Aga. Maaaring masagot na ang mga matagal na niyang katanungan. Pero there is no guarantee kung mabuti ang kalalabasan." makahulugang sabi ni Vice.


Sa tono ng pananalita niya, parang mga alam siyang impormasyon na hindi niya masabi.

"Bigyan mo ako ng isang scenario na maaaring mangyari after ng pagpunta ni Lea sa Cebu."

Ilang sandaling hindi umimik si Vice.

"Worst case? Maaaring hindi na makauwi dito si Lea ng buhay."


Nagimbal ako sa narinig.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Your family is affiliated sa mga Torres." Sabi ni Vice. "At hanggang dito na lang na ang masasabi ko sayo. What you do and where you go from here is your call. Nag-aalala lang ako sa kaibigan ko kaya ko ito nasabi sayo despite her insistence na wag kong ipaalam. I am doing this for the kids also."

Ngayon ko lang naalala, may mga anak pala ako.

At kung ganito pala ang sitwasyon, paano na lang kung mapapahamak ang mommy nila?

Kilala ko ang pamilya Torres. Kung si Shania nga ay nakagawa ng karumal dumal na bagay makuha lang ang gusto, paano na lang kung maghihigante sila? E di mas malala.

"Vice, take care of the kids please. Susundan ko ang mommy nila sa Cebu."


"You better make this right, Aga. Please, tulungan mo naman ang sarili mong makaalala sa nakaraan. Ikaw lang ang maaaring umayos sa lahat nang ito." Sabi ni Vice saka tumayo na sa kinauupuan.


But before siya makapasok sa kanyang kwarto at muli itong napalingon, "And Aga, be careful. Bring Lea back."

Of course, I will.

⚫️⚫️⚫️

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now