BINGO

993 57 31
                                    

...Life's all about moments of impact and how they changes our lives forever. But what if one day you could no longer remember any of them?...

The Vow


✩✩✩

Aga's/Cody's POV


"You are Engr. Aga Muhlach."

- - - -

Ano daw? Ano bang gustong palabasin ng matandang to?


"Paano po nangyari yun?" Kalmadong tanong ko kahit gusto ko nang ihagis ang lahat ng plorera sa bahay nila.



"Hindi mo man lang ba itatanong kung sino si Aga?" Tanong niya.


"Alam ko na kung sino si Aga. I met his wife, Dr. Lea Muhlach noong naospital ako." Sagot ko. "They said I look like him." I said referring to both Doctor Lea and her friend Vice, pati na rin ang kambal.


"Tingnan mo nga naman, tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para muli kayong magkita ng asawa mo."


Tumango tango muna siya bago nagpatuloy sa kwento niya.

"Noong bumagsak ang eroplanong sinasakyan mo patungong Cebu, agad na nagtungo doon si Shane. Inalam kung ano ang kalagayan mo, kung isa ka sa mga survivors. She hired people to look for your body at natagpuan ka nila sa pampang ng isang isla. Dinala ka niya sa ospital at hindi niya inireport na buhay ka. I don't know what she did pero that time may kapareho ka ng body built, kaso lang hindi na makilala ang bangkay dahil sa pinsalang natamo. Kinuha niya yung wedding ring mo at ipinasuot sa bangkay. Yun ang naging basehan ng asawa mo para ideclare na ikaw yun."

P*t*ng *na! Gusto kong magwala, sumigaw at suntukin ang matandang ito.

Pero nanghihina ako.

Paano nila nagawa sa akin to. Tatlong taon kong hindi nakasama ang pamilya ko at tatlong taon din silang naghirap sa pag-aakalang namatay na ako.

"I will file a lawsuit for this." Napatayo na ako sa aking kinauupuan. "Anong klase kayong tao at nagawa niyo ito?. Ano ba ang meron sa akin at ganun na lang ang paghahangad ni Shane na makuha ako?" Bulyaw ko.



"Aga, Shane loves you so much, sabi ko nga kanina ikaw lang ang tanging lalaki na hinangad niya ng ganun katindi. Kahit alam niyang may asawa ka na at mga anak. I can't do anything because I'm afraid.. my daughter has a very weak heart." Pagpapaliwanag niya.



"Bullshit! Ganun ba ang may sakit? Halos araw araw nagpaparty? Kung mag travel akala mo parang walang bukas?" I yelled again.

"Last year lang namin nalaman ang tungkol sayo, umamin siya sa amin kasi hindi ka na niya kayang itago pa. Pero hindi namin magawang ibunyag na buhay ka kasi pwede mo siyang kasuhan at maaaring ikapahamak niya yun. Anak ko siya, Aga at bilang ama niya, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti niya."


"Hindi niyo ba naisip na anumang oras pwedeng bumalik ang alaala ko? Na lahat ng kinatatakutan niyo ay mangyayari pa rin?"



"The doctors said you have a slim chance of gaining back your memory. Only time will tell kung kailan if ever na marecover mo pa. Sinamantala yun ni Shane. Ganoon siya ka obssess sayo."



Buti na lang hindi ako pumayag na pakasalan siya noong nagpipilit siyang magpakasal na kami.



"Aga, I know I don't have the right to ask you this, kahit hindi na sa akin pero para sa anak ko, please forgive her." Naluluhang sabi ni Mr. Torres.



Ganun lang yun? Ganoon lang ba kadali yun? Oras at pagkakataon ang ninakaw nila sa akin.


Mapapatawad ko lang sila kung kaya nilang ibalik ang oras at panahon.




"Magdedemanda ako."



"Do what you must. Malaki ang naging kasalanan namin sayo, pati na rin sa pamilya mo. Pero sana hayaan mong tulungan kita."



Nagpupuyos ang aking damdamin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ang luha. Nangingibabaw ang sobrang galit at pagkamuhi sa mga taong naglayo sa akin sa pamilya ko.




"Kung kinakailangang kausapin ko si Dr. Lea para maipaliwanag sa kanya ang lahat ng nangyari, gagawin ko. At kahit makulong ako, bukal sa loob kong papasok sa loob ng bilangguan."


"Huwag na huwag kang magtatangkang kausapin si Lea." I said in a firm voice. "Wag mo nang dagdagan ang sakit na idinulot niyo sa kanya."




Bagama't galit ako, ayoko rin namang makulong siya sa edad niyang ito. Kahit naman paano, naging mabuti sila sa akin kahit minsan medyo hindi. At para na rin sa pagliligtas ng anak niya sa akin kahit iba ang naging motibo.



"Kapag lumapit ka kay Lea o kahit na sinong myembro ng pamilya ko, itutuloy ko ang demanda laban sayo." Pagbabanta ko saka nagmamadaling lumabas sa bahay na nila.


Ang dami ko pang gustong sabihin pero hindi ko na masabi.


Paglabas ko sa gate nila, doon na ako sumabog.


Ang luhang ayaw lumabas kanina ay parang waterfalls na ngayon na umaagos sa pisngi ko.


Nakatingin ang guard sa akin pero hindi siya nagtangkang lapitan ako.


I need to get away. Hindi na ako makahinga dito.


>>>

Muntik na akong mabangga dahil sa biglaang pagsakit ng sentido ko dahil sa mga memories na unti unting bumabalik.


Dahil sa sobrang sakit ng sentido ko at pati na rin ang paninikip ng dibdib ko ay nakatulog ako sa loob ng sasakyan sa gilid ng kalsada.


>>>

Nagising ako sa mahinang katok sa bintana ng sasakyan.

"Sir, bawal pong magparking dito." Sabi ng isang nakasando at shorts na lalaki.



Medyo madilim na ang paligid, mag aalas sais na kasi.




Hindi ko na sinagot ang lalaki, pinaandar ko na lang ang sasakyan at nagdrive.



Hindi ko alam kung saan ako pupunta.



Uuwi na ba ako sa apartment? Sa opisina? Or uminom na lang sa bar?


After almost an hour na pagmamaneho, I found myself in front of a house I've known so well.

A house where I used to call..












HOME!

✩✩✩



Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now