MOLAVE

1.2K 52 10
                                    

Aga's POV

Well, well, that was hilarious.

If Kyra didn't interrupt us baka magkakaroon na sila ng nakababatang kapatid.

Nyahaha..

Anyway, kailangan na ko nang pumunta sa opisina dahil masyado na akong late para sa business meeting ko ngayong araw. According to Ariel, malelate daw si Miss Arevalo pero may taong ipapadala daw siya to represent her at hahabol din siya. Pero 30 minutes na ang nakalipas sa nakatakdang oras ng usapan, kaya malabong maabutan ko din sila.

20 minutes drive pa kasi mula rito sa bahay and considering traffic baka abutin na ako ng mahigit forty minutes.

...

Nakabusangot akong sinalubong ni Ariel.

"What's with you, Cody? We've been waiting for you. L Nakakahiya kina Miss Arevalo at nung kasama niya, inantay ka nila ng halos isang oras."

"Nasaan na sila?" Humihingal na tanong niya. Naglakad takbo kasi ako mula sa parking area.

"Umalis na. Hindi naman natin hawak ang oras nila." Naiinis na sabi ni Ariel. Hindi ko naman siya masisi. Importante ito sa amin kasi nagsisimula pa lang kami at kahit small time o big time ang makuha naming project, kailangan naming pagbutihin para lumago itong nasimulan naming negosyo.

"Anong naging agreement?"

"Push through tayo doon sa unang proposal mo."

"But that design no longer applies to the new location. We have to modify the structural materials we are going to use to fit the condition of the site."

"Cody, there's no time for that. Naghahabol silang tapusin ang project na ito within the year."

"You should reason out with them. Nakakasalalay dito ang license mo. Remember? Hindi ako pipirma sa Program of works, plans and specifications. Because Cody Aquino doesn't exist."

"You should be the one doing that. Mahihirapan akong ijustify ang changes including the additional costs kasi hindi naman ako ang gumawa. We'll schedule a meeting with them again this afternoon. Kailangan ikaw na ang pumunta dahil ikaw naman ang nagdesign nun at bahala ka na rin sa mga alternative materials para dun."

When we started this business, akala ko isa akong structural engineer dahil na rin sa mga proof na pinakita sa akin ni Shania. Hindi ko naman alam na peke ang lahat ng iyon and I don't want to worsen the situation by pretending that I am the unknowing Cody Aquino.

"Hindi ko pa siya nameet in person kaya mas mabuti siguro kung kasama ka rin kasi kilala mo na siya." Sabi ko na lang para matapos na ito. May tiwala naman sa akin si Ariel and I don't want to break that trust, since he is the first person to trust and believe in me noong mga panahong kahit ako mismo ay pinagdududahan ang kakayahan ko.

"Don't worry. Sasama naman talaga ako." He assured me.

...

Sa ikapitong pagkakataon, muli kong tiningnan ang aking pambisig na relo.

"Ang usapan 6:00 pm, anong oras na?" Nabubugnot kong tanong.

"You're one to talk." Ariel said sarcastically. "Ikaw nga itong palaging late e. At least now naiintindihan mo na ang pakiramdam ng naghihintay."

"Pare naman, I told my children na sasamahan ko silang manood ng movie ngayon kasi sabado bukas and this is my treat to them."

Actually, wala naman talaga kaming usapan ng mga anak ko. Naeexcite lang akong umuwi dahil gusto ko nang makita ang asawa ko.

Gusto ko siyang tuksuhin dahil sa nangyari kaninang umaga. Siguradong todo iwas na naman siya mamaya..

Haha..

"Makakahabol ka naman a. Mga alas otso, nakauwi ka na." Si Ariel.

"Ang layo ng lugar na to sa bahay namin tapos matatraffic pa ako. Swerte na lang kung nasa bahay na ako ng alas nyebe." Himutok niya.

"Exaggerated naman to, E di bukas ka na lang bumawi. At siyanga pala, hindi mo pa ako pinapakilala sa pamilya mo a."

"Malapit na pare. Kapag okay na ulit kami ng asawa ko. Medyo awkward pa kasi kami sa isa't isa ngayon."

"Okay."

Ilang minuto pa ang lumipas nang sa wakas at makarinig kami ng mga yabag sa tiled floor ng restaurant na kinaroroonan namin ngayon.

Bahagya kasi akong nakayuko kaya hindi ko agad nakita ang mukha nila.

I readied myself and smiled before looking up.

"Good evening, Miss Ar---" naputol sa ere ang pagbati ko dahil sa sobrang pagkagulat.

"Uhm, Good evening, Miss Carmen Arevalo, this is my partner Engr. Cody Aquino." Pagpapakilala ni Ariel sa amin.

Syet!

"Ikaw si Miss Arevalo?" Manghang tanong ko sa babaeng nakasuot ng black long-sleeves, khaki pants and pointed black shoes na siyang tinukoy ni Ariel na Carmen Arevalo.

She smiled sweetly at me and nodded slightly.

Oh Gad! Those dangerous red lips.

Anak ng butiki naman o!

Ang client namin that goes with the name Miss Arevalo is none other than my wife, Lea.

"Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Ariel.

"I think so. But I know her with a different name." I said.

Of course hindi niya kilala si Lea kasi they never meet.

"Magandang gabi, Engr. Aquino. I'm glad we could finally meet." Nakangiting sabi niya sabay lahad sa kanang kamay.

"Same here, Miss Arevalo." Hindi ko alam kung bakit ako nakikiayon sa kabaliwang ito ni Lea pero I felt the strong urge to see how this whole thing will spell out.

Anong laro mo, Lea?

After ten years of marriage, Lea still holds a lot of mystery.

And I reckon there are more surprises to come.

●●●

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now