ACE

1.2K 57 22
                                    

✩✩✩

Vice's POV


Itinulak ko palayo si Aga mula sa pagkakadikit sa akin pagkatapos naming mag-usap ni Lea sa phone.


Pinipilit kasi niyang marinig ang pinag-uusapan namin.


"Pupunta dito ang asawa mo." Imporma ko sa kanya kahit alam kong narinig naman niya ang usapan namin ng asawa niya.


"Hindi ko masyadong narinig ang pinag-usapan niyo. Bakit daw niya ako hinahanap? Pagkatapos niyang ipamukha sa akin na wala na akong halaga sa kanya?" May himig hinanakit niyang turan.


"Ang drama nito. Malamang nalaman na niya ang totoo." sagot ko.



"At kanino naman?"


"E di kay Dr. Rob. Diba siya lang naman ang nakakaalam kung ano talaga ang identity mo maliban syempre kay Mr. Torres. At saka wag mo nga akong gawin automatic answering machine sa mga tanong mo. Wala sa akin ang lahat ng sagot noh!" Nakabusangot kong sagot. Minsan, slow din to, naturingan pa namang matalino.


"Paano kung hilingin niya sa akin na ipawalang bisa na ang kasal namin?" Nag-aalalang tanong niya.


At sa akin talaga itatanong yun?


Pero...

Annulment? Sobrang advance naman mag-isip to.

"Hala? Nega mo naman masyado. Hindi naman siguro. At saka yang sinasabi mong may mahal nang iba si Lea, Jusko, hindi ako naniniwala diyan. Ikaw lang ang mahal nun."


"Kaya gustong gusto kita Vice, pinapalakas mo ang loob ko." Yung ngiti niya, pilit na pilit. Nakakamiss yung kakulitan at mga kalokohan ni Cody.

Ang personality kasi ni Aga, may pagkaseryoso at mahiyaing gago.


"Baket ba kase hende na lang nageng teyo?" Pabebeng sabi ko at pakagat-kagat pa ng labi.

"Hoy! Wag ka nga. Nakakapangilabot ka naman." Sabi niya at anyong nandidiri pa.


Che!


"Di ka na mabiro, syempre hindi ako magkakainteres sayo, patay na patay ka sa asawa mo, ayoko namang maging kabit noh." Biro ko. "At saka balik na nga tayo dun sa isyu, anong sasabihin ko kapag nandito na siya?"


"Ikaw naman kasi, iniiba mo yung usapan. Bahala ka nang magtanong tanong basta ang gusto ko lang naman malaman ay kung may pagtingin pa siya sa akin."


"Ginawa mo pa akong Boy Abunda. Bakit hindi na lang kaya natin tawagan para siya na ang bahalang magpaamin sa asawa mo. Hindi ito The Buzz prend!" Naiinis ako kasi naiipit ako sa kanilang dalawa. Pareho ko silang kaibigan at pareho ko silang mahal.



"Sige wag na nga lang, sabihin mo na lang na umuwi na siya pagdating niya dito." Sabi niya sabay tayo.

"Hoy! San ka pupunta?" Sigaw ko.


"Iinom." Sigaw din niya. "Dun sa lugar kung saan alam kong may dadamay sa akin."



"Uy, saglit lang. Ito naman. Parating na ang asawa mo, mag-usap nga kayo." Sigaw ko din habang hinahabol ko siya.



"Ayoko muna siyang makita."


Hala, lagot na. Baliktad na ba ang mundo?


Kasi noon kapag may hindi sila pagkakaintindihan ni Lea, palaging si Aga ang nanunuyo at nagpapakumbaba. Siya din ang laging umaako sa kasalanan at hinding hindi matitiis si Lea.


Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now