MARIE

1K 51 14
                                    

Cody's POV


"Pwede bang ako na lang si Aga?"

...

Maging sa pandinig ko hindi maganda ang mga salitang namutawi sa bibig ko.

Sa dinami dami naman kasi ng pwedeng hingin, yun pa.

I should not have said that.

"Pakiulit?" She asked unbelievingly.

"Wala. Nevermind." I automatically said.

"Gusto mong maging si Aga?" -si Lea.



Narinig mo pala e, ipapaulit pa.



"Biro lang." Nakangiting sagot ko.


"Ah, okay, akala ko seryoso ka, papatulan ko pa naman sana yang hiling mo." Sabi niya.

Napamulagat ako sa narinig.

WHAT?!!!

"Talaga?" Excited na tanong ko.


"Joke lang din." Nakangising sagot niya.

The smile in my face instantly faded so is the hope.

Strike one!

"Sige na, may pupuntahan pa ako." Pagtatanoy na naman niya.


"Ihahatid na kita." Alok ko kasi gusto ko pa talaga siyang makasama nang mas matagal pa.

"Wag na. Di ka pa naliligo."

"E di maliligo na ako dito." Sagot ko agad.

"May dala ka bang damit?"

"Wala. Ipahiram mo na yung mga damit ni Aga. Hindi mo naman magagamit yun. I-donate mo na lang sa akin."


Hindi siya nakasagot agad. Pinag-isipan pa ata.

"Kailangan ng matinding pag-iisip Doc? Wag mong sabihing ipapamana yun kay Kenneth." Pang-asar ko.

She glared at me.

"O siya sige na." Pagpayag niya.

Yes!

Pilitin kasi ang ayaw kasi anong malay mo, pumayag, diba?

Haha!!

»»»

Nagprisinta akong samahan siya hanggang sa loob ng ospital pero hindi na daw kasi hindi naman siya bata para ihahatid pa.

Pero syempre, sumama pa rin ako hanggang sa loob.

"Good morning, Lei." Bati ng isang tsinitong lalaki kay Lea pagpasok namin sa loob ng ospital.

"Good morning, Rob." Masayang bati din ni Lea.

Sino tong epal na to?

Napatingin sa akin yung lalaking tinawag na Rob.

"Bagong driver mo?" Tanong niya at nakaturo pa talaga sa akin ang hintuturo.

Sa gwapo kong ito, pinagkamalan akong driver.

Pero kung para kay Doc Lea, okay lang sa akin. 😁 kahit walang sahod.


"Ay hindi, Rob, this is Engineer Cody Aquino. Cody, this Doctor Robert Manansala, isa sa mga resident doctor dito sa hospital." Pagpapakilala ni Doc Lea sa amin.

"Oh, I'm sorry about that, nice to meet you, pare." Sabi ni Rob tapos inilahad ang kanang kamay.

Tumango lang ako saka ko tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"Uh, so nagpasya ka na bang magrenovate ng bahay mo?" Tanong ni Rob kay Lea.

"Oh no, Cody here is just a friend. Isa sa mga pasyente ko dati. Inihatid lang niya ako today. Diba, may pupuntahan ka pa?" Tanong niya bigla sa akin.

Wala naman akong sinabi sa kanya na may pupuntahan ako.

Pero the way she looked at me, parang nagbabanta.

Hindi naman ako tanga para hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.

"Ah, oo. Mauna na ako." Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.

I walked briskly on the corridor and didn't looked back.



Insecure ka sa Tsinitong Doktor na yun noh?


Pagdating ko kung saan nakaparada ang sasakyan ko, agad kong pinaandar.

Isasara ko na sana ang pinto ng mahagilap ng mata ko si Lea na nakatayo sa may main entrance at matamang nakatingin sa akin.


Nagsimula na siyang maglakad patungo sa kinaroonan ko pero pinaharurot ko na ang sasakyan bago pa siya makalapit sa akin.

Bumalik ka na lang dun kay Manansala, tutal pareho naman kayong doktor.

✩✩✩

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now