REBISCO

2.1K 56 15
                                    

Cody's POV

Kanina pa ko pa hinihintay yung attending physician ko, mahigit isang oras na a, gusto ko nang lumabas sa ospital na ito.

Pinaka ayoko kasi ang amoy ng disinfectant.

Mag-isa ko lang ngayon kasi yung girlfriend ko nagpasabi na hindi siya makakarating dahil sa isang urgent meeting.

Mas importante pa sa akin.

Bumukas ang pinto ng room at pumasok ang isang babae. Katamtaman lang ang taas.

Ni hindi man lang siya tumingin sa akin. Kinuha niya yung chart ko at naglabas ng notepad mula sa kanyang coat.

"Sino ka?" Tanong ko.

"I'm Dr. Lea Muhlach." Simpleng sagot niya.

"Ikaw ang doctor ko?"

"Oo, bakit?"

"Wala lang. Akala ko kasi nurse ka e. Do you have a boyfriend?"

"Wala."

"Sa ganda mong yan? Pihikan ka siguro noh?"

"I don't have a boyfriend because I'm already married." Naiiritang sagot niya.


"Oh, sayang naman." Natural na yun para sa isang magandang babae. Mas magtataka naman ako kung wala pa siyang asawa.

"You must be in your mid thirties, am I right?"

She glared. "My age is not subject for discussion."


"I think we're on the same age bracket, so there is nothing to be timid about. So 33 to 35? Or 36 maybe?"


No response, she's busy scribbling something on her notepad.

"Mr. Aquino, pwede ka nang madischarge bukas."

"Cody."

"What?"

"Call me Cody. Ayokong Mr. Aquino, masyadong pormal. Para kang instructor ko nung college pag ganun."

She sighed. But she opted not to utter another word.

"I need to go, marami pa akong pasyenteng dadalawin." She said then left the room. "Mukhang ok ka naman na, kaya pwede ka nang lumabas ngayong araw."

Ha? Akala ko ba bukas pa?

"Aarrgghhh.. Doc, masakit pa tagiliran ko, hindi ba pwedeng maexamine muna ito bago ako madischarge?"

Kumunot naman ang noo niya at lumapit siya sa akin.

"Pull up your shirt."

Ngumisi ako sa kanya.

"Before I do that, let me warn you, baka matukso ka."

She threw me a deadly glare.

She's so beautiful when she does that.

Itinaas ko ang aking shirt tapos sinipat niya ang aking tagiliran.

"Wala namang pasa."

"Pero masakit." Sabi ko at nag-anyong nasasaktan.

"Don't even think for one second na hindi ko alam ang umaarte at sa totoong nasasaktan."

I grinned at her.

She's no nonsense. And I a thing for intelligent women.

"Ganyan ba ang mga Doctor? Masungit?"

Hindi siya sumagot, tinitigan lang niya ako.

Tinitigan ko lang siya habang nakangiti ng nakakaloko.

Dalawang minuto na ang lumipas na nasa ganito kaming posisyon.

"Ang gwapo ko noh?" Sabi ko sa kanya at mukhang natauhan naman siya.

"Kamukha mo talaga siya." Narinig kong bulong niya. Then she immediately left the room without saying another word.

Sabi niya pwede na akong lumabas ngayon pero parang ayaw ko pa.. haha

She's sexy for a doctor. From her pixie cut hair to her round face, those cheeks and her perfect lips.. perfection. Even the eyeglasses adds to her charm.

Wait? Are you attracted at her?

I smiled to myself.

Who wouldn't?

Dr. Lea Muhlach.

Beautiful name for a gorgeous woman.

I think you'll gonna be in my dreams now, Dr. Lea.

'Hoy Cody, may asawa na, wag ka nang makigulo at saka may girlfriend ka rin.' Sabi ng conscience ko.

Sabi ko sa dreams. Fantasy, ganun. Hindi ko naman sinabing susulutin ko.

Pero kung wala lang sana siyang asawa, I will pursue her.

I made up my mind. I need to see her one more time.

I want to know her more.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now