PLUM

1K 55 13
                                    

Lea's POV


"Bakit wala pa sila?"

Para akong tanga na kinakausap ang sarili habang palakad lakad dito sa sala.

I tried calling Aga for the nth time tonight pero hindi pa rin makontak.

Kinakabahan na ako dahil ang sabi ni Maya ay alas dyes pa lang ng umaga noong umalis ang mag-aama ko dito sa bahay at hanggang ngayon ay wala man lang text o tawag mula sa magaling kong asawa.

Dahil hindi pa rin makontak si Aga, si Vice ang naisipan kong tawagan bakasakaling kasama nila.

Pero sa kasamaang palad maging si Vice din ay hindi rin makontak.


"Ma'am, baka naman po natraffic lang." Sabi ni Mylene na kanina pa pala nakatayo sa gilid at pinapanood lang ako.

Napaupo ako sa sofa at tiningnan muli grandfather clock.

20:12

"Mylene, tumawag ka na sa police station." Utos ko.

Agad namang sumunod si Mylene pero bago pa niya maidial ang numero ay narinig ko na ang pamilyar na ugong ng sasakyan ni Aga.

Napatayo ako at dali daling nagtungo sa main door.

"Mommy!" Sigaw ni Kyra at nagtatatakbong lumapit sa akin pagkababang pagkababa sa sasakyan.

"Saan kayo nanggaling?" Tanong ko kay Kyra na mahigpit na nakayakap sa akin.

"Namasyal po." Sagot ni Kenneth na may dala dalang box.

Malamang sapatos ang laman niyon.

"At saka mommy, maganda sayo ang curly hair pero mas nagagandahan ako kapag ganyan lang ang ayos niyo." Dagdag pa ni Rohan.

Ipinagtaka ko naman ang komento niyang yun. Mula kasi noong maliit pa sila, hanggang shoulder length ang buhok ko kaya paano nila nasabi na mas maganda ang curly hair? Never pa akong nagpakulot ng buhok.

"Curly hair? Hindi naman ako nagpapakulot a." Sabi ko sa anak ko.

Kenneth is about to respond when Aga interjected.

"Kids, go inside. Prepare for bed." Utos ni Aga sa kambal.

"Yes dad." The twins said in unison. Then kumalas na si Kyra sa akin at humalik sa pisngi. Ganun din ang ginawa ni Kenneth.

Pumanhik na sa loob ang kambal at naiwan kaming dalawa ng asawa ko dito sa labas.

Akmang papasok na siya sa loob na hindi man lang ako papansinin.

"Aga,."

Tumingin siya sa akin at naghintay ng sasabihin ko.

"Saan kayo galing?" Kaswal kong tanong. Base sa itsura niya, mukhang wala sa mood.

"Diyan lang. Namasyal." Matipid na sagot niya.

"Saan ang 'diyan lang'?" Pangungulit ko.

Sa totoo lang, gusto ko siyang suntukin dahil binabalewala niya ang nararamdaman ko.

Asawa niya ako at may karapatan akong mag-usisa kung saan saan siya nagpupupunta.

Ayokong patuloy na ganito na lang kami. Kung mag-aaway kami, so be it. But I need to know where they went.

"Sa mall. SM."

"Hanggang alas otso ng gabi?"

"E ano ngayon? Kahit abutin kami ng alas onse, anong problema don?" Inis na turan niya.

Aba, siya pa ang galit. Ako itong kanina pa na alalang-alala sa kanila.


"Malaki. Lalo na kung ang pinag-uusapan dito ay yung mga anak ko. Kahit saan mo sila dalhin, ayos lang sa akin dahil mga anak mo din sila pero yung ni isang text o tawag wala akong natanggap mula sa'yo? Yun ang mahirap intindihin. Ako ang nanay nila at nag-aalala ako sa kalagayan nila." Mahabang litanya ko.


Nakakainis lang kasi parang wala siyang ginawang hindi maganda. Kung siya kaya ang nasa sitwasyon ko baka nga iba ang magawa niya.

"Ok, I'm sorry." He said insincerely. Itaas na pa ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

Tapos pumasok na siya sa kabahayan.

Naalala ko tuloy yung eksena namin dati noong si Cody pa lang siya. Somehow, in the span of three years, naka acquire siya ng mga bagong traits na nakakastress.

Sumunod na ako sa kanya sa loob.

He went to the kitchen at nagbukas ng ref. Naglabas ng maiinom. And when he saw me standing just a few feet behind him, he completely ignores me.

I crossed my arms on my chest and stared at him.


"Hindi ka pa ba tapos?" Tanong niya sa akin. "May kailangan pa ba akong ihingi ng tawad?"

The way he said it is so sarcastic.

"Sino ang kasama niyo kanina?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na yun, basta bigla na lang lumabas sa bibig ko.

De javu.

Nangyari na to dati, three years ago at hindi naging maganda ang kinahinatnan.

"Wala. Kaming tatlo lang."

"Sana next time---"

"Pwede ba, Lea! Ang ingay mo. Ang sakit sa tainga. Nakakarindi!" Sigaw niya.

I gaped at him. Hindi makapagsalita dahil sa sobrang gulat. Hindi ko kasu lubos akalain na sisigawan niya ako.

Nagtatanong lang naman ako at maayos naman akong makipag-usap sa kanya.

"Nagsorry na nga ako, diba? Ano pang gusto mong gawin ko?" Si Aga.

Hindi na ako sumagot. Tumalikod na ako para maikubli ang luhang namumuo sa aking mga mata.

Nasa kalagitnaan na ako sa pag-akyat sa hagdan when I heard him call me.

"Lea."

I ignored him, tuloy tuloy lang. Papasok na ako sa aming silid nang maabutan niya ako.


"Lea, look.. I'm sorry."

"I don't need your sorry." I said then pumasok na sa kwarto at inilock ang pinto.


Sa labas ka matutulog.


●●●


Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now