GRAHAMS

1.1K 59 37
                                    


✩✩✩

Lea's POV


I am standing on the threshold, ready to leave when I caught a familiar figure just outside our house.


I squinted my eyes for a better look and hoping that it wasn't him.


But the deep set of dimples is unmistakable.



Cody!


"Andito ka na naman?" Pasigaw kong tanong sa kanya para marinig niya dahil ilang metro din ang layo niya sa akin.

"Bakit masama bang dumalaw?" Tanong niya at siya na mismo ang nagbukas ng gate at pumasok ng walang paalam.

Kasuhan ko kaya ito ng Trespassing.

"Oo. Dahil ayokong makita ka."


"E di tumalikod ka, o kaya'y pumikit para di mo ako makita. Hindi naman ikaw ang sadya ko dito a." Pabalang na sagot niya.


Parang umakyat lahat ng dugo sa utak ko sa narinig.


Bakit parang si Vice kung sumagot. Ito na ba ang impluwensya niya sa madalas na pagkikita nila?

"I'm here for the twins. Wag masyadong nag aassume, doc. Hindi dahil sinabi kong may gusto ako sayo, ikaw na palagi ang gusto kong makita." He smirked.

Ghad!!!


Matutuyuan ako ng dugo sa lalaking ito.


Kulang yata ang dalawang sampal na natamo niya nung hinalikan niya ako, baka kailangan ng pangatlo.


Pero baka naman naalog ang utak niya sa lakas ng sampal ko kaya ganito siya ngayon.


"Kanina pa ako hinihintay ng mga bata kaya kung may lakad ka, tumuloy ka na baka naiinip na si Manansala." May himig pangungutya sa boses niya.


"On second thought, isasama ko na ang mga anak ko dahil kung ano pa ang matutunan nila sayo. I thought si Vice ang makakasama nila today, kung alam ko lang na ikaw ang pinapunta niya, salamat na lang."

Napaismid lang siya at nagtuloy tuloy na pumasok sa bahay.

Ay? Iniwan ako in the middle of my rave?

"Hoy, bumalik ka dito." Sigaw ko sabay habol sa kanya.



Nawawala ang pagkaprofessional ko sa taong ito.

Ang aga aga, nakakabwisit.


"Hi kids!" Masayang bati niya sa kambal na nagkataong nasa sala lang.

"Tito Cody!" -sabay pang naibulalas ng kambal pagkakita kay Cody.

Bakit ganun? Ang saya saya nila kapag kasama si Cody?

"Mommy? Bakit di pa kayo nakakaalis?" Tanong ni Kyra.

At gusto na nila akong paalisin? Parang kanina lang ayaw nila akong umalis. Nandito lang si Cody, pinapaalis na ako.


"Isasama ko na pala kayo sa pupuntahan ko kasi nandito lang si Mr. Aquino para sabihing hindi niya kayo masasamahan boung araw." I know masamang magsinungaling pero I can't help it.

Now it's Cody's turn to frown.

"Actually, I'm here to take all of you to Manila Ocean Park."

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now