CHUNKEE

1K 57 43
                                    


Lea's POV


"Let's go inside. Mukhang matindi ang pinagdadaanan mo ngayon." I said when he finally let go of me.

Walang kibo namang siyang sumunod sa akin sa loob ng bahay.

Buti na lang nasa kanya kanyang kwarto na ang kambal. Panigurado, kukulitin nila si Cody kapag nakita nila. E mukhang wala sa mood pa naman ang isang ito.

"Kumain ka na?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Follow me."

He followed me sa dining at sumandal sa may entryway.

"I don't know kung anong hilig mong pagkain pero I hope you like this."

"Kahit anong pagkain basta galing sayo, kakainin ko." Seryosong sabi niya.

Uh-huh!

****

"Dahan dahan lang ang pagsubo Cody. Saan ka ba galing at parang gutom na gutom ka?" Naamuse ako sa kanya kasi parang hindi siya kumain ng ilang araw.

"Wala naman, medyo nakakastress lang sa work."

"Ah ganun ba, dapat pala something sweet ang kinakain mo. I have chocolates sa ref, try some later."

Ipinagpatuloy niya ang pagkain, tatayo sana ako para makuha ng water pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?"

"Kukuha lang ng tubig. Bakit?"

"Ah, akala ko kasi iiwan mo ako dito. Nakakawalang gana kasi ang kumain mag-isa." Sagot niya.

"No, I won't leave you, diyan lang ang kusina o. Pwede mo na bang bitawan ang kamay ko?"

"Ay, sorry."

Nasaan na ang Cody na overconfident at playful?


I watched him habang kumakain.

Maya maya pa, iniabot niya sa akin ang kanyang pinggan.

Wala nang laman.

"Tapos ka na?" Tanong ko sabay abot dun sa plate.

"Hindi. Ipaghain mo pa ako." Utos niya.

Demanding?! Ayus ang isang ito a.

Tinitigan ko siya para sana maiparating na hindi ako natutuwa sa inaasal niya pero walang effect.

Wow, Ginawa akong katulong sa sarili kong pamamahay. To think na nakikikain lang siya. Ang kapal ng mukha!

But I didn't say that out loud.

Habang naglalagay ako ng kanin sa plato, bigla kong naalala nung buhay pa ang asawa ko. Ganito din kasi ang ginagawa ko kapag nalelate siyang umuuwi mula sa opisina.

My late husband is the type of man na uuwi sa pamilya para kumain kahit mag aalas dose na nang gabi. At kadalasan, late nga siya umuuwi at tulog na ang mga kasambahay. Sa madaling salita, ako ang nag-aasikaso sa kanya pagdating niya mula sa trabaho, at kailangang samahan ko pa siya habang kumakain.

And now I'm doing the same thing.

But..


For another man.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Ano palang sadya mo dito?" Hindi ko alam kung ilang beses ko na itong tinanong mula kanina.

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now