SUPER THIN

955 48 14
                                    

CODY's POV


Pagkagaling ko sa ospital ay sa opisina na agad ako dumiretso.

Papasok pa lang ako sa office namin ay humahangos na sumalubong si Ariel.

"Saan ka ba nanggaling? Tinatawag kita kagabi pa kasi si Shania nawawala." Pagbabalita niya.


Nawawala? Baka naman gumimik lang, at nagdisappearing act na naman tulad ng madalas niyang gawin.


Nakakainis naman ang ganito, badtrip na ako dahil dun sa Manansala na pumoporma kay Doc Lea tapos sasabay pa itong si Shania.



Bakit Cody? Sino ba sa dalawa ang girlfriend mo? Diba si Shania? Dapat siya ang priority at hindi si Doc Lea. -sabi ng konsensya ko.



"Paanong nawawala?" Tanong ko nang wala man lang halong pag-aalala.


Sanay na kasi ako sa girlfriend ko. Kung saan saan nagpupupunta ng walang paalam at biglang hindi magtetext ng ilang araw at magbabalik na kunwari magsusurprise.


"Di ko rin alam ang boung kwento. Tumawag lang dito ang papa niya, hinahanap ka, ang sabi di daw nila matawagan si Shania, kahapon pa daw ng umaga yun umalis sa kanila." Paliwanag ni Ariel.

"Anong sabi mo?"

"Sinabi ko na baka magkasama kayo. Pareho kayong hindi makontak e. Saan ba kayo galing?"

"Hindi ko siya kasama." Sagot ko.

Marami siyang tawag na di ko nasagot kahapon. Nagtext siya pero hindi ko na binasa dahil I turn-off my phone na.


Nakakasawa kasi e, puro "nasaan ka?", "anong ginagawa mo?" , "sino kasama mo?" ang mga text niya.




"Kung di mo kasama, e di nasaan siya?" Tanong ni Ariel.



Malay ko.




Tawagan ko na nga lang.


Nang buksan ko ang aking phone, sunod sunod na sms ang nareceive ko galing kay Shania.


>>>

From: Shane
10:23am

Where are you?


>>>

From: Shane
10:33am

Papunta ako sa MOA today, magkita tayo doon.


>>>

From: Shane
10:50am

Why aren't you answering your phone?

>>>

From: Shane
1:22pm

Hon, nasaan ka na ba? I'm waiting here at Figaro.

>>>

From: Hon
1:30pm

I'm getting paranoid kasi may babaeng kanina pa sumusunod sa akin.

>>>

From: Shane
2:05pm

Natatakot na talaga ako. She's really following me. Palabas na ako dito sa Mall at mukhang susundan pa ata ako hanggang sa parking area.

>>>

Yun na ang huli niyang message.

My blood ran cold.

Shit! Totoo kaya ito?



"Uy, pare. Ayos ka lang?" Tanong ni Ariel nang makita niyang namumutla ako.

Imbes na sagutin, ipinabasa ko sa kanya ang mga text messages.

"We need to report this. Ang mabuti pa tawagan mo si Mr. Torres at alamin mo kung nakauwi na ang anak nila at kung hindi pa, sabihin mo sa kanya ang mga messages ni Shania." Payo ni Ariel pero naitulos ako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw.

What have I done?

Kung may masamang nangyari kay Shania at sa magiging baby namin, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili.


Where are you, Shane?

○ ○ ○

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now