JuliElmo One Shots Book 2

By MyTrixietrix

92.5K 4.1K 213

Anything beyond your imagination. More

"Sleep Well"
"My Plan"
"Cold Coffee"
"Scratch"
"Iron Girl"
"Ocean Eyes"
"April Fools"
"With a Smile"
"Focal Point"
"Fluctuating"
"So Much"
"Cruel Dreamer"
"Statue"
"Correction"
"Naririnig"
"Red Box"
"Harmonica"
"Takas"
"Sixth"
"Final Walk"
"Manga"
"Chemistry"
"Last Man"
"If it's Love"
"Early"
"Cupid"
"Fight Song"
"Deleted"
"Destination"
"Pokemon"
"Pasalubong"
"Prom"
"Quits"
"To be Continued"
"Lifeline"
"Miracle"
"Best Part"
"Air"
"Seed"
"Game Over"
"Take a Bow"
"For Now"
"One of Us"
"Bulong"
"Gamot"
"Elevator"
"Bestie Goals"
"Inevitable"
"PromoShoot"
"Receive"
"Pangarap"
"Salad"
"Unperfect"
"Single"
"Tiptoe"
"Timing"
"Take Two"
"Cycle"
"B"
"Instead"
"Chase"
"Signature Move"
"Count to Three"
"Escape"
"Preso"
"Y and X"
"Coin"

"Too"

1K 44 0
By MyTrixietrix


"Too"

10:00 PM.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog. Ang pagkakatanda ko lang ay nagkausap kami kanina. Hindi ko alam kung totoo yun o panaginip lang.

"Ay kabayo!"

Napahawak ako sa bibig ko ng mapasigaw ako ng malakas. Nandito kasi natutulog ngayon sa kwarto ko si Joanna at Jac. Tumayo ako at tumingin sa bintana at nanlaki agad ang mata ko ng makita ko siya na nasa ibaba.

So totoo nga? Baliw na talaga siya.

Kumuha ako ng maayos ayos na damit at nagpalit kaagad. Matapos nun dahan dahan akong lumakad papunta sa pintuan ng kwarto ko pero bago pa ko makalabas narinig ko si Jac at Joanna na tinawag ako. Napalingon ako sakanila.

"Ate, ingat ka." Sabi ni Joanna.

"Ate, sabihin mo sakanya pasalubong ah?" Sabi ni Jac.

Napailing nalang ako at tumango. Sumenyas ako sakanila na matulog na ulit. Ngumiti lang sila sakin. Lumabas na ko sa kwarto ko at nadaan ako sa kwarto nila Mama. Hindi na ko nagpaalam pa at lumabas na kaagad sa bahay namin. Pinagpawisan ako doon ah? Kung nagkataon na mahuli ako ng magulang ko na tumatakas, malalagot talaga ako.

"Hey."

Tiningnan ko siya. Pa hey hey pa siya, hindi ba siya nag-iisip at kung ano nalang ang pumasok sa isip niya bigla nalang niyang gagawin at hindi man lang inaalam kung anong kakalabasan ng actions niya?

"Let's go?"

Lumapit siya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Talagang ginagawa mo kung anong gusto mo noh?"

Ngumiti siya sakin.

"I told you.."

"Whatever."

Pumasok na ko sa kotse niya. Nakita ko siya na napatawa nalang sabay pasok na din sa kotse niya. Nagsimula na siyang mag drive at nakangiti pa ito habang nagmamaneho.

"Saan ba tayo pupunta? Kapag ako napagalitan ni Papa sa ginawa kong pagtakas, malalagot ka sakin!"

Ngumiti lang siya. Hindi niya ko sinagot kaya kinulit ko pa siya ng kinulit para sabihin kung saan kami pupunta. Ilang minuto pa ang nakakalipas huminto ang sinasakyan namin.

"Hoy! Hindi mo ba talaga ako sasagutin kung saan tayo pupunta?"

"Nandito na tayo."

Napakunot noo ako. Tumingin ako sa bintana at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung nasaan kami. Bigla akong napatingin sakanya at nakangiti lang siya sakin.

"Tara?"

Lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Muli akong tumingin sakanya sabay tingin ulit sa simbahan.

"Anong.."

"Simbang gabi."

Sagot niya sakin.

"Makikilala tayo, alam mo ba kung anong ginagawa mo?"

Napailing siya bigla.

"Bakit nag-aalala ka na malaman ng ibang tao na magkasama tayo o nag-aalala ka na malaman ng bf mo na magkasama tayo?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko lang sigurong pag-usapan ang tungkol doon lalo na kung siya ang kaharap ko dahil alam ko na hindi tama yun. Natigil ako sa pag-iisip ng hawakan niya ang kamay ko.

"You're safe with me."

Hindi ko na masyadong inintindi pa ang sinabi niya dahil alam ko naman sa sarili ko na totoo yun. Hinila niya ko sa loob ng simbahan, bago pa kami makapasok naglagay na siya ng cap sa ulo ko at ganun din siya. Isang oras din ang nakakalipas ng matapos ang misa at nagsi-alisan ang mga tao. Tiningnan ko siya na nakatingin pa din sa statue ni Jesus.

"Moe, hindi pa ba tayo uuwi? What I mean, hindi mo pa ba ko ibabalik sa bahay namin? Nagawa naman na siguro natin ang napag usapan sa phone diba?"

Hindi niya ko sinagot. Napabuntong hininga lang ako. Tumayo na ko para mauna sa kotse ng marinig ko siya na magsalita.

"I missed you, Julie."

Napatingin ako sakanya.

"What, Moe?"

Tumayo siya at tumingin sakin. Napaka seryoso ng binitiwan niyang mga titig sakin. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"I missed you.."

Napalunok ako sa sinabi niya. Tumalikod ako kaagad dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sinabi niya.

"T..Tara na.."

Maglalakad na sana ako ng pigilan ako ng mga yakap niya.

"I terribly miss you, Julie. I don't want to take this any longer, kanina ko pa gustong gawin ito. I wanna hear your voice, smell you, feel you. Seeing how the years, months, days, hours and minutes without your presence is damn so wrong and I reached this point in which I couldn't take it anymore, I just wanna be with you, end of the story."

Ilang segundo ko din pinigil ang paghinga ko ng marinig ko na sabihin niya ang mga katagang yun. Bumagal ang paghinga ko, bumilis ang tibok ng puso ko. Anong nangyayari sakin, Elmo?

"M..Moe.."

Ilang minuto na din siyang nakayakap mula sa aking likod. Humarap ako sakanya. Mali ito, maling mali. Ang puso, isa lang. Hindi dalawa para magmahal ako ng sabay. Hindi pwede yun.

"T..Tara na."

Naglakad na ko ng mabilis at iniwan siya. Pagkalabas ko ng simbahan, huminga ako ng malalim. Lumanghap din ako ng hangin mula sa malamig na gabi.

"Mahal mo pa ba ko, Julie?"

"Ay kabayo!"

Tiningnan ko siya.

"Nakakagulat ka naman!"

"Tell me, Julie. Mahal mo pa ba ko?"

"Hindi na, Moe."

Oo, nag praktis talaga ako. Alam ko na magkakaharap at magkakaharap kami kaya sinanay ko ang sarili ko sa sitwasyong katulad nito. Sinanay ko na ang sarili ko na sabihin na hindi ko na siya mahal.

"You're not good at lying, Julie."

"I'm not. Mahal ko si.."

"Hindi mo siya pwedeng mahalin, Julie. Hindi mo siya pwedeng mahalin kung mahal mo naman ako. I hate seeing you with that guy! Hindi kayo bagay! Wala kang mapapala sakanya dahil sigurado ako na ginagamit ka lang niya!"

PAK!

Inaasahan ko na maririnig ko sakanya na masasabi niyang hindi kami bagay pero ang marinig na ginagamit lang ako? Ganun ba palagi ang mga maririnig ko sa lahat ng tao na nasa paligid ko? Wala na ba akong pwedeng pagkatiwalaan dahil lahat ginagamit ako? Tiningnan ko siya ng masama. Hindi ko naman gusto na sampalin siya, nabigla lang ako.

"Iuwi mo na ko, Elmo."

Sasakay na ko sa kotse ng hilahin niya ko at malakas yun kaya napayakap ako sakanya.

"You still love me, Julie. Aminin mo nalang kasi."

Bakit nakuha pa niyang ngumiti? Sinampal ko na nga siya ganyan pa din siya. Baliw ba ito?

"Stop it, Moe."

Umiling siya. Mas hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko.

"You love me."

"I loved you. Move on move on din, Moe. Binaon ko na sa ilalim ng puso ko lahat ng nararamdaman ko para sayo."

Such a liar, Julie. Kung binaon mo na sana hindi mo siya kasama ngayon.

"Mmm."

Tumango tango siya sabay ngumisi sakin.

"Precisely, Julie. Those feelings are buried but still...nandyan pa din yan."

Fudge! May sagot pa talaga siya.

"Haynaku, Moe!"

Tumawa siya. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Nilapit niya ang ilong niya sa ilong ko. Napapikit ako sa ginawa niya. Yung puso ko mas lalong lumakas ang kabog nito.

"Naniniwala ako na ako pa din ang mahal mo at mamahalin mo, Julie."

"B..Bakit?"

"Because you loved me once and you might love me again."

Minulat ko ang mata ko. Magkadikit na ang mga noo namin. At sa hindi ko inaasahan na pagkakataon nailagay ko ang kamay ko sa batok niya.

"I loved you once and I already know how it will end if I'll love you again. We still end up having a tragic ending. A tragic story."

Binitawan niya ko. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at pinapasok ako doon. Habang nilalagyan niya ko ng seatbelt, nakatingin lang ako sakanya. Nasaktan ko nanaman ba siya?

"M..Moe."

Tumingin siya sakin. Sumilay ang ngiti sa labi niya.

"That's the best part of having a tragic story..a tragic ending. It hurts so much that you won't be able to forget it. You won't be able to forget me."

Sinarado niya ang pinto at sumakay na sa kotse. Napatingin ako sakanya. Nakangiti lang siya. Ibig bang sabihin nito hindi siya susuko? Kahit may bago na, ipipilit pa din niya? Mabilis lang kaming nakarating sa bahay at ganun naman kabagal mawala sa isip ko ang mga sinabi niya kanina.

Pinagbuksan niya ko ng pinto.

"I'll see you again, Julie."

Napatingin ako sakanya.

"I'll make you mine again, so stay still."

Papasok na sana siya sa loob ng kotse ng..

"Mahal pa rin kita pero hindi ito tama."

Finally, nasabi ko na din. Wala namang rason para itago ko pa.

"Then gagawin kong tama, Julie. Just give me a chance."

"Masasaktan ka."

"Hindi na bago sakin yun."

"Maghihintay ka ng matagal."

"Wala akong pakialam kahit gaano katagal pa yan."

Lumapit siya sakin at ngumiti.

"Wag mo kong subukan, Julie."

Napangiti na din ako. Sige, magbibigay ako ng chance.

"You're smiling because of me? Thank God."

"Asa ka!"

Natawa siya.

"By the way, yung mga gifts ko para sainyo nabigay ko na."

Napakunot noo ako.

"Nabuksan na namin lahat ng gifts wala namang.."

"Pinadala ko kanina habang nasa simabahan tayo."

Kaya pala..

"I need to go, ayoko man iwan ang prinsesa ko pero kailangan dahil malalagot ako sa mga kapatid ko."

"Sino ba naman kasi nagsabi na pumunta ka dito? Pasaway ka."

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan yun.

"Puso ko ang nagsabi."

"Hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba natatakot sa gusto mong mangyari? Given na binigyan nga natin ng chance ang isa't isa, hindi ka ba natatakot na mangyari ang nangyari na?"

"Julie.."

Lumapit siya sakin at hinaplos ang pisngi ko.

"I'm scared, Julie. Believe me because I am, but I know someday, we will find a way back to each other's arms."

Binigyan niya ko ng halik sa noo at sabay tumitig sa mata ko. Binigyan ako ng ngiti.

"And if that day happen, i'll make sure that chance won't be ever be destroyed again."

Hindi na niya ko hinayaan na makapagsalita at tumalikod na siya sakin. Kanina ko pa naririnig na nagriring ang phone niya. Tumalikod na ko at binuksan ang gate. Papasok na sana ako ng tawagin niya ko kaya napaligon ako.

Ngumiti siya sakin.

"Sleep well, my love."

Tumango ako sakanya at ngumiti.

"Ingat sa pag drive."

Papasok na ulit ako..

"Julie!"

Tumingin ako sakanya.

"Merry Christmas! I love you."

Pumasok na siya sa loob at pinaandar na ito. Tumingin ako sa kalangitan. Napangiti ako.

12 midnight.

"Merry Christmas too, Elmo."

I love you too.

The End. 

Continue Reading

You'll Also Like

15K 1.6K 26
Why can't Travis love Stacey even if Stacey loves him? Why do they agree in arranged marriage if there's only one-sided love occured? Does it have a...
183K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
74.1K 3.1K 50
In which Izana and Y/N have been academic rivals since their freshmen year. Both of them are competitive and are out to destroy one another. But what...