JuliElmo One Shots Book 2

De MyTrixietrix

92.5K 4.1K 213

Anything beyond your imagination. Mai multe

"Sleep Well"
"My Plan"
"Cold Coffee"
"Scratch"
"Iron Girl"
"Ocean Eyes"
"April Fools"
"With a Smile"
"Focal Point"
"Fluctuating"
"So Much"
"Cruel Dreamer"
"Statue"
"Correction"
"Naririnig"
"Red Box"
"Harmonica"
"Takas"
"Sixth"
"Final Walk"
"Manga"
"Chemistry"
"Last Man"
"If it's Love"
"Early"
"Cupid"
"Fight Song"
"Deleted"
"Destination"
"Pokemon"
"Pasalubong"
"Prom"
"Quits"
"To be Continued"
"Lifeline"
"Miracle"
"Best Part"
"Air"
"Seed"
"Game Over"
"Take a Bow"
"For Now"
"One of Us"
"Bulong"
"Gamot"
"Elevator"
"Bestie Goals"
"Inevitable"
"PromoShoot"
"Receive"
"Pangarap"
"Unperfect"
"Single"
"Tiptoe"
"Timing"
"Take Two"
"Cycle"
"B"
"Too"
"Instead"
"Chase"
"Signature Move"
"Count to Three"
"Escape"
"Preso"
"Y and X"
"Coin"

"Salad"

1.4K 61 3
De MyTrixietrix


"Salad"

Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan yung sinabi sakin ni ni Maqui kanina. Tumawag kasi siya sakin para mangamusta. Simula ng magkabati kaming dalawa o kahit dati pa man hindi na mawawala na masali sa usapan namin ang dahilan kung bakit ako ganito.

"Huy!"

Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Si Barbie lang pala.

"Ayos ka lang? Bakit tulala ka?"

"W..Wala Barbara."

"Asus. Alam ko na, iniisip mo nanaman kung anong ipopose mo mamaya sa rooftop noh?"

Natawa siya sa sinabi niya samantalang ako naman binigyan lang siya ng maliit na ngiti. Mukha namang nagtaka siya sa naging reaksyon ko.

"Come on, tell me."

Nagseryoso na si Barbie. Napabuntong hininga naman ako at inaya siya sa may pantry. Kumuha muna ko ng maiinom bago bumalik kung nasaan si Barbie nakaupo.

"Barbara.."

"Hmm?"

"Ang tao ba kapag nasaktan gumaganti?"

Bigla naman siyang ngumiti.

"Julie, ikaw lang din naman ang makakasagot ng tanong mo."

"H..Ha?"

"Diba yun naman ang ginagawa mo all along? Nasaktan ka kasi kaya ka ganyan."

"Anong ibig mong sabihin?"

Huminga siya ng malalim bago ipagpatuloy ang sasabihin niya.

"Tingnan mo nalang ah? Nawalan ka na ng pakialam sa sasabihin ng iba. Sa sasabihin ng mga fans mo. Wala ka ng pakialam kung may masaktan ka pa. Alam mo kung gaano sila masasaktan sa mga ginagawa mo pero pinagpapatuloy mo lang."

Napabuntong hininga naman ako.

"Ganun ba yun Barb? Wala na ba talaga ako agad pakialam? Hindi ba pwedeng nagmamahal lang?"

"Hulyeta, magkaiba ang nagmamahal sa naghihiganti."

"Hindi naman ganun ang pakay ko.."

"Nung panahon na siya ang nasa posisyon mo kahit gaano kahirap pa ang takbo ng relasyon niyo hindi mo siya iniwan. Nasaktan ka, Oo pero yung saya na dulot niya sayo hindi mapapantayan yun. Ngayon naman na nagkabaliktad na ang takbo ng panahon at ikaw na itong nagsasabi na may minamahal ka na at siya naman itong titingnan ka sa malayo, ang tanong, hindi ba paghihiganti yun?"

Tiningnan ko lang si Barbie. Natahimik ako sa mga sinabi niya.

"D..Diba masaya ka naman para sakin? Yung samin ni Ben?"

Ngumiti siya.

"Oo naman. Masaya naman talaga ako para sayo malamang kaibigan kita pero kaibigan ko din siya."

Parang yung linya na sinabi ni Maqui. Hindi lang kasama yung pagiging masaya niya samin ni Ben.

"Hindi ko na alam.."

"Sorry Julie ah? Mas lalo ka bang naguluhan sa sinabi ko?"

Umiling naman ako at pilit na ngumiti.

"Ayos lang."

"Para sayo din naman yung sinabi ko."

Tumango tango ako.

"I know."

"Oh teka, kailangan na ko ni Direk. Mag aala kissy muna ko."

Tumayo na siya. Lalabas na sana siya ng pantry ng tawagin niya ko ulit.

"May isa pa palang tanong Julie."

"Hmm?"

"Masaya ka ba talaga?"

Hindi ako nakasagot. Ngumiti siya at umalis na ng tuluyan. Napaisip ako at bigla nanamang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maqui.

Hindi niya naisip na gantihan ka pero wag sanang dumating sa punto na kapag sinukuan ka niya eh iparamdam niya sayo yung sakit na pinaparamdam mo sakanya. Wag mong hayaan na gumanti siya sayo kasi kapag nangyari yun? Mas doble ang balik sayo.

Mga katagang sinabi ni Maqui kanina bago niya iend ang tawag. Simula nun hindi na ko masyadong makapag focus. Nawawala ako sa focus tuwing iniisip ko yun. Tumayo ako at lumabas na. Hindi ako pwede maging ganito sa buong araw may SPS pa. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang contact number niya. Oo tama kayo. Hindi naman ako ganun ka bitter para burahin ang number niya. Siguro, ito yung isa sa mga ala-ala niya na ayokong mawala. Kabisado ko kasi din ito.

"Julie, set up for kantaserye, rehears na kayo."

Tumango naman ako sa sinabi ng staff. Julie, focus. Malapit na magsimula ang show. Focus lang. Binasa ko ang kakantahin ko sa kantaserye ng mapansin ko na may linya dito.

"Magaling Julie. Magaling magaling magaling."

Paano ako makakapag focus kung may ganitong linya din sa kanta niya. Hindi na muna ko sumama sa rehearsal ng kantaserye. Nagpunta na ko kaagad sa dressing room at nag make up.

"Psst!"

Napatingin ako kay Ate Marian. Ngiting ngiti siya sakin. Natawa ako.

"Bakit po Ate?"

"Hmm. Wala lang. Naisip ko kasi na napaka haba nga talaga ng buhok mo."

Napakunot noo ako.

"Mahaba ang buhok ko?"

Tumango siya at ngumisi. Ilang sandali pa dumating si Mama na may dalang krispy kreme.

"Ma?"

"Pinabibigay niya."

Napangiti naman ako. Ang thoughtful naman ni Ben. Ayoko sana na i-insta pa kaso okay na din naman yun para naman ma-appreciate niya. Sanay naman na ko sa magiging reaksyon ng mga fans ko.

"Oh diba sabi ko sayo ang haba ng hair mo."

Natawa ako kay Ate Yan.

"Gusto mo Ate?"

Umiling siya.

"Naku hindi na. Busog din ako eh."

"Ahh. Ikaw Ma?"

Tiningnan ko si Mama na busy sa cellphone niya.

"Ma!"

Tumingin siya sakin.

"Gusto niyo po?"

"Ayoko masyadong matamis yan. At Julie baka nakakalimutan mo bawal ka niyan."

"Uhm.."

"Bawal ka ng sweets. Hindi mo ba sinabi sakanya yun? Ano ba yan!"

"Ma naman.."

Umiwas ng tingin si Mama sakin. Hindi naman sa ayaw niya kay Ben. Siguro nag aadjust lang siya sa kung anong meron kami. Lumabas na muna sila Ate Yan at naiwan kami ni Mama. Napabuntong hininga ako at lumapit sakanya.

"Ma? He's trying."

"I don't want to talk about it, anak."

"Mama naman. I need your opinion about.."

Hindi ko na natuloy ang sentence ko.

"Hindi ko pa kaya magustuhan siya kasi hindi naman siya si Elmo."

Napatitig ako kay Mama. Ilang beses na namin napag usapan ang tungkol doon. Akala ko tapos na at susubukan na nilang tanggappin pero hindi pa din pala. Akala ko lang pala yun.

"Ma, magkaiba si Ben at Elmo. And Mama, Ben is my present and Elmo is my..."

Napaisip ako. Ano ko nga ba si Elmo?

"Oh? Bakit hindi ka makasagot? Anong idudugtong mo? Sasabihin mo ba sakin na past mo siya?"

"O..Opo. Past."

"Anak, pwede mong lokohin ang sarili mo pero hindi ang mga taong nakakakita kung sino talaga ang mahal mo. Hindi ko ito sinasabi dahil gusto ko si Elmo. Sinasabi ko sayo ito kasi ito ang nakikita ko."

"Ma.."

Tumayo siya. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Wag mong hintayin na magbago ang ihip ng hangin at masayang at mawala ang pagmamahal na binibigay niya sayo baka kasi kapag nagkataon...manghihinayang ka na nga, masasaktan ka pa."

Naglakad na siya.

"Saan po kayo pupunta, Ma?"

"Sa Papa mo. Sasama muna ko umuwi sa Papa mo."

At lumabas na siya ng dressing room. Parang yung sinabi lang ni Maqui. Tatayo na sana ako para pumunta nalang sa ibaba ng makita kong may paperbag sa inupan ni Mama. Dala ata ito ni Mama. Kay Mama kaya?

"Ay Julie, ito na yung tubig mo."

"Ate Rose? Kay Mama po ba ito?"

Turo ko sa paperpag.

"Oo. Dala niya yan kanina. Baka para sayo."

Tumango tango ako. Hindi ko man lang napansin kanina pero bakit hindi niya din inabot sakin nung inabot niya yung krispy kreme? Binuksan ko yung paperbag at may note ako na nakita.

If she's and apple and you're an orange, celebrate your differences make a great fruit salad. Love isn't about being the same it's about being sweet with each other. - E

Kumabog ng napakabilis ang puso ko ng mabasa ko yun. Inangat ko ang nasa ilalim ng paperbag at nakita ko ang isang salad. Naalala niya parin. Dinala ko yun sa mesa at itinabi sa krispy kreme na dala ni Ben.

"Ate Rose?"

"Hmm?"

"May nagbigay po ba nito kay Mama? Yung salad?"

"Uhm.."

Napakamot siya sa ulo niya.

"Ate Rose please? Meron ba?"

Dahan dahan siyang tumango. Huminga ako ng malalim.

"Si Elmo?"

Tumango siya ulit.

"Narinig ko lang sila ni Ate Marivic. Pinaabot niya ito sa Mama mo kasi mukhang may lakad siya. Kasama nga din niya yung partner niya?"

Partner? Si Janella?

"T..Talaga?"

"Oo."

"Thank you Ate Rose."

Nagsimula na ang SPS at naging maayos naman ito. Nakatulong na din kahit papaano na hindi ko maisip ang magulong mundo na ginagalawan ko. Nagtuloy tuloy lang yun hanggang sa natapos na. Nag change outfit muna ko bilang Paloma dahil may taping.

"Hulyetaaaa! Ang dami mo naman pagkain! Penge naman ako ng donut."

Tumango naman ako at inabot sakanya yun. Dumating din sila Jerald at humingi ng donut. Bigla silang napatingin sakin.

"Hala Julie? Ayos lang ba talaga na humingi kami? Galing kasi ito kay Ben?"

Pilit akong ngumiti.

"Ayos lang."

"Sure ka ah? Eh itong salad?"

"Uhm.."

Kinuha ko naman yun.

"Ito nalang yung akin. Sainyo na yan."

"Galing din ba kay Ben yan?" Tanong ni Jerald.

Umiling naman ako.

"Hala? Kanino?" Sigaw niya.

Tumingin sakin si Barbie na parang alam niya na kung anong meron at kung sino ang nagbigay ng salad na yun. Nang umalis na sila Jerald, tiningnan ko si Barbie.

"E for Effort talaga siya noh?"

Tumango ako.

"Kung ako sayo? Wag mo na ipaglaban. Pakawalan mo na."

"Ha?"

"Pakawalan mo na kasi sa ginagawa niya mas sinasaktan mo siya. More of mas sinasaktan niya ang sarili niya."

Tinapik tapik niya ang balikat ko. Inaya na niya ko sa taping ng Adarna. Matapos nun tumakbo ako kaagad sa dressing room at nagbihis. Bumaba ako kaagad sa kotse dala dala ang salad na binigay niya.

"Oh? Nagmamadali ka ata?"

"Pa? Kaya po ba kung pupunta tayo ng bataan?"

Nanlaki naman ang mata ni Papa.

"Bataan? Bataan anak? Anong gagawin mo dun?"

Napatingin sakin si Mama. Nakita niya din na hawak ko yung salad.

"Oh? Nakita mo pala.."

"Bakit hindi niyo po sinabi sakin na nandito siya?"

"Para saan pa anak? May magagawa ka ba kung nalaman mo na nandito siya? May magbabago ba? Mababawasan mo ba yung sakit na nararamdaman niya?"

"Marivic."

Narinig kong tawag ni Papa kay Mama.

"I'm sorry anak. Alam mo naman na anak na din ang turing ko sakanya at ang pareho kayong makitang nasasaktan? Mas masakit samin yun."

Napayuko ako.

"Julie anak?"

Tumingin ulit ako kay Mama.

"Ma?"

"JuliElmo Day ngayon."

Oo nga pala. 30 ngayon. 30 ngayon, Julie. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang mga nakatag sakin. Trending pala ang..

DahilSa JuliElmo.

Matibay talaga sila.

"Teka? Ano na? Bataan ba tayo?"

"Po?"

"Gusto mo ba? Hahabulin natin."

"Okay lang po ba yun? Gagabihin na po tayo."

Natawa sila.

"See anak? You still love him."

Love? Yun pa din ba ang tawag sa nararamdaman ko? Wala sa plano ang pakikipag kita ko sakanya pero gusto ko lang talaga siya makita ng personal. Nasa kalagitnaan kami ng huminto si Papa para magpa gas.

"Anak."

"Po?"

"Sa condo nalang niya ikaw maghintay. Baka kasi pabalik na din si Elmo."

Ngumiti ako kay Papa at tumango. Papunta na kami sa condo niya ng may maalala akong tanungin kay Mama.

"Ma? Kasama po ba niya si Janella kanina?"

"Yeah. Pinakilala nga niya sakin. Ang bait pala ng batang yun?"

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Mama.

"Uhm, diba po mall tour niya? Bakit po niya kasama.."

"Ihahatid niya sa ABS. May gagawin daw kasi si Janella doon. Nasiraan kasi si Janella kaya nakisuyo siya kay Elmo kung pwede niya itong isabay."

Tumango tango naman ako. Nang makarating kami sa condo niya sinabi ko kala Papa na iwan nalang nila ako pero hindi sila pumayag. Tinawagan ni Mama si Elmo at sinabi nito na malapit na siya sa manila.

"Tito! Tita!"

Tumakbo si Elmo ng makita niya si Mama at Papa. Bigla siyang napatingin sakin. Hindi niya ata inaasahan na kasama ako. Madalas kasi na patago silang nagkikita ni Mama at Papa.

Awkward.

"Oh? Iwan ko muna sayo ah? Ikaw na bahala sakanya. Kung ihahatid mo sa bahay namin edi maganda kung iuuwi mo naman sa condo mo basta wag muna ang apo."

Nahampas ni Mama si Papa. Napapailing nalang ako. Tinapik ni Papa ang balikat ni Elmo. Tumango naman siya. Umalis na sila Papa at Mama.

"K..Kumain ka na?"

Umiling naman ako.

"Uhm, gusto mo kain tayo? May alam ako na resto."

"Luto mo nalang."

"H..Ha?"

Nilabas ko ang paperbag. Pinakita ko sakanya.

"Sabay nalang natin kainin?"

"S..Sige. Bili nalang muna ko ng iba pa kung sakali man na magutom ka."

Tumango ako. Bumili siya ng pasta at jamba juice. Pumunta na kami sa condo niya. Binuksan niya ang TV at sakto naman na sila ni Janella ang palabas ngayon. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko? It can't be. Am I jealous?

"Julie?"

"Ha?"

"Kakain na."

Tumango ako at sumunod sakanya. Kumain na kami. Tahimik lang kami at walang gustong magsalita.

"T..Thank you pala sa salad."

Tumango naman siya. Habang tumatagal parang mas nahihirapan ako kaya bahala na.

"I'm sorry, Moe."

Tumitig siya sakin.

"Hindi ko alam kung ano ang hinihingi kong sorry sayo pero sorry talaga. Alam ko na nasasaktan ka at hindi ko sinasadya yun maniwala ka. Ang sabi ni Maqui at Barbie baka daw ginagantihan kita sa mga masasakit na pinagdaanan nating dalawa pero hindi eh. Hindi ko intensyon yun. Nagmahal lang naman ako. Babae lang naman ako. Nakalimutan ko lang kung paano mahalin at magmahal. Masama ba yun? Hindi naman diba? Hindi ko..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makaramdam ako ng paghawak sa kamay ko. Nakita ko si Elmo kasama na din ang nangungusap niyang mga mata. Itinayo niya ko at pumunta kami sa veranda. Niyakap niya ko patalikod.

"Moe.."

"Shhh. Tama na. Ikaw at ako lang muna Julie."

"Pero Moe.."

Hinigpitan niya ang yakap niya sakin. Nilagay niya din ang baba niya sa balikat ko.

"Forget about him and throw away the things inside your mind right now. Tayo lang muna ngayon. Walang Ben at walang Janella. Walang faneys, walang adiks. Just you and me."

Huminga ako ng malalim at ginawa ang sinabi niya.

"Close your eyes."

Pinikit ko ang mga mata ko. Nanatili kaming tahimik. Ang masasabi ko nakaramdam ako ng security sakanya. Yung sa mga yakap niya para bang walang pwede makahawak sakin. Wala ding pwedeng manakit sakin. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganun basta ang alam ko lang ako at si Elmo? Parehong nangungulila.

"Julie.."

"Mmm?"

"I keep on waiting, waiting on the world to change."

"You want to change the world?"

"Nope. I want the world to change not to change the world."

"Meaning?"

"Hmm, I want everything back. I want to be free. Free of loving you. Ipakita sayo na ikaw mismo ang mundo ko na gusto kong baguhin. Alisin lahat ng sakit na naranasan natin. Mawala ang mga taong humadlang sa pagmamahalan natin."

"How about change the world?"

Medyo narinig ko na mahina siyang natawa.

"Change the world? Gusto mo ba lumipat sa ibang planeta at palitan ang Earth bilang mundo mo?"

Natawa naman ako. Tumahimik nanaman kami.

"Can you tell him to find another girl?"

Napatingin ako sakanya. Parang may kumurot sa puso ko ng makita ko ang mata niya sabay ngumiti pa siya. Bakit ka ba ganyan, Moe? Pakiramdam ko ako ang pinaka masamang tao sa buong mundo sa ginagawa mo.

"Because I need my girl back. My one and only girl."

Hinalikan niya ang kamay ko. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya kaagad sa labi. Ilang segundo lang yun bago ako kumalas.

"Bakit hindi ko matanggi na Elmo's girl mo parin ako?"

Nakita ko na ngumiti siya. Pinisil ko ang ilong niya. Kanina pa pala ako naluluha hindi ko man lang napansin.

"Alam mo ba kung bakit ko nararamdaman yun?"

Tinanggal niya ang pagkakahawak saking kamay at pumasok sa loob. Hinintay ko nalang siya at sa pagbabalik niya nakita ko ang isang cake. Napatingin ako kaagad sakanya.

HAPPY JULIELMO DAY.

I'LL STAY - E

"Moe.."

"You belong to me. This is right where you belong, Julie Anne. With me."

At sa pagkakataon na yun nasabi ko sa sarili ko na hindi ko kailangan alalahanin ang sinabi ni Maqui, Barbie, at Mama kanina. Kami ang gumawa ni Elmo nito. Sa amin nagsimula at mukhang hindi pa ito nagtatapos. Dahil ayaw pa niya.

Ayoko pa.

Happy JuliElmo Day!

The End.

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.9K 113 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
39.6K 1.3K 77
Compilation of Vhoice stories.
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...