Back in Time [Completed]

By KraftPaper

68.2K 2.9K 1K

Upon the death of her husband, Lea's world was shattered. But three years after just as she is finally moving... More

FITA CRACKERS
REBISCO
SKYFLAKES
OREO
NISSIN WAFER
DEWBERRY
JOLLY
CHIPS DELIGHT
SUNFLOWER
CREAM O
PRESTO CREAMS
BRAVO
MARIE
SUPER THIN
HANSEL
CHIPS AHOY
BINGO
BUTTER COCONUT
MAGIC FLAKES
CHOCO MALLOWS
BUDDY CRACKERS
GRAHAMS
COMBI
HIRO
TIGER
ACE
FROOTEES
EGGNOG
HAYLAYF
MONACO
BUTTER CREAM
SNAX
SMILEYS
HUM TUM CRACKER
COOKIE SAYS
DIGESTIVE
NARRA
MOLAVE
YAKAL
APITONG
PLUM
CYPRESS
ILANG-ILANG
OAK
MAPLE
PALM TREE
COCONUT
MANGOSTEEN
Tamarindus Indicus
Johnson's Baby Powder
Nivea - White and Repair
Myra 300 e
Cebuana Lhuillier
PAWNSHOP
Sayonara
EPILOGUE

CHUNKEE

1K 57 43
By KraftPaper


Lea's POV


"Let's go inside. Mukhang matindi ang pinagdadaanan mo ngayon." I said when he finally let go of me.

Walang kibo namang siyang sumunod sa akin sa loob ng bahay.

Buti na lang nasa kanya kanyang kwarto na ang kambal. Panigurado, kukulitin nila si Cody kapag nakita nila. E mukhang wala sa mood pa naman ang isang ito.

"Kumain ka na?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Follow me."

He followed me sa dining at sumandal sa may entryway.

"I don't know kung anong hilig mong pagkain pero I hope you like this."

"Kahit anong pagkain basta galing sayo, kakainin ko." Seryosong sabi niya.

Uh-huh!

****

"Dahan dahan lang ang pagsubo Cody. Saan ka ba galing at parang gutom na gutom ka?" Naamuse ako sa kanya kasi parang hindi siya kumain ng ilang araw.

"Wala naman, medyo nakakastress lang sa work."

"Ah ganun ba, dapat pala something sweet ang kinakain mo. I have chocolates sa ref, try some later."

Ipinagpatuloy niya ang pagkain, tatayo sana ako para makuha ng water pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?"

"Kukuha lang ng tubig. Bakit?"

"Ah, akala ko kasi iiwan mo ako dito. Nakakawalang gana kasi ang kumain mag-isa." Sagot niya.

"No, I won't leave you, diyan lang ang kusina o. Pwede mo na bang bitawan ang kamay ko?"

"Ay, sorry."

Nasaan na ang Cody na overconfident at playful?


I watched him habang kumakain.

Maya maya pa, iniabot niya sa akin ang kanyang pinggan.

Wala nang laman.

"Tapos ka na?" Tanong ko sabay abot dun sa plate.

"Hindi. Ipaghain mo pa ako." Utos niya.

Demanding?! Ayus ang isang ito a.

Tinitigan ko siya para sana maiparating na hindi ako natutuwa sa inaasal niya pero walang effect.

Wow, Ginawa akong katulong sa sarili kong pamamahay. To think na nakikikain lang siya. Ang kapal ng mukha!

But I didn't say that out loud.

Habang naglalagay ako ng kanin sa plato, bigla kong naalala nung buhay pa ang asawa ko. Ganito din kasi ang ginagawa ko kapag nalelate siyang umuuwi mula sa opisina.

My late husband is the type of man na uuwi sa pamilya para kumain kahit mag aalas dose na nang gabi. At kadalasan, late nga siya umuuwi at tulog na ang mga kasambahay. Sa madaling salita, ako ang nag-aasikaso sa kanya pagdating niya mula sa trabaho, at kailangang samahan ko pa siya habang kumakain.

And now I'm doing the same thing.

But..


For another man.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Ano palang sadya mo dito?" Hindi ko alam kung ilang beses ko na itong tinanong mula kanina.

Tapos na kasi siyang kumain tapos ngayon nanonood na ng TV.

Aba parang bahay na niya a.

Sa totoo lang, medyo naiirita na ako.

"Pwedeng makitulog?" Imbes na sagutin ang tanong ko, iba naman ang tinanong.

Ito kaya ang problema niya? Walang matutuluyan?


"Bakit pinaalis ka na ba sa tinutuluyan mo?"

"Hindi, tinatamad na kasi akong umuwi."


"Hindi pwedeng makitulog dito, hindi hotel ang bahay ko. Ano ba talagang problema mo?"



"Hindi ko na mahal ang girlfriend ko."




Seryoso siya?






"O edi sabihin mo. Makipaghiwalay ka, problema ba yun? Kesa naman araw araw mo siyang lolokohin na mahal mo siya pero hindi pala. Pareho lang kayong magiging miserable kapag ganun."


"Madali nga sana kung di lang nagkaproblema."


"Kanina ko pa tinatanong sayo kung anong problema. Ayoko ng paulit ulit Cody."



"Buntis siya. Ako daw ang ama."

O_O

.

.

.

.

.

Oh? Oohh..ouch, Lea?
Charot..😁



"Congratulations." Pinilit kong pinasaya ang boses ko kahit medyo nadismaya ang heart ko sa narinig.


"Aakuin ko naman ang responsibilidad. Kaso lang ayokong pakasalan, kung hindi ko naman gagawin yun, ilalayo niya sa akin ang anak ko."


"Gago ka pala, binuntis mo tapos ayaw mong panagutan? Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Kapag nakuha niyo na ang gusto niyo, basta na lang kayong nang-iiwan?" Nainis na ako ng tuluyan.

Ano ba naman kasi yung reasoning niya.


"Bakit? Ginawa ba yun sayo ni Aga?"
Ganting tanong niya.


"My husband is the exception to the rule." Mataray kong sabi.

"Aba, ang tindi rin ng kompyansa mo sa asawa mo a. Engineer siya diba? I'm sure maraming chicks yun, pustahan tayo."

"Don't speak ill of the dead." Seryosong sabi ko. Though once in our marriage, nagduda rin ako sa katapatan ni Aga. Lalo na noong madalas siyang magtungo sa Cebu prior to his death.


"Sorry." Hinging paumanhin niya.


"Umuwi ka na nga. Matutulog na ako."

Napatingin siya sa sout na wrist watch. "Alas otso pa lang."

"At anong gusto mo, hihintayin ko pa ang alas nwebe o alas dyes para
matulog?"

"Bat ba ang sungit mo? Meron ka siguro ngayon noh?" Nanlolokong tanong niya.

"Bastos ka din ano? Pwede bang lumayas ka na sa pamamahay ko, pagkatapos kitang patuluyin at pakainin ganito pa ang igaganti mo sa akin?"


"Hala, nanunumbat ka ba? Masama pala ang loob mo e di sana hindi ka na lang nag-offer."

Tapos nag walk out.

What the hell was that? Parang babae kung magwalk-out.

Hinabol ko siya sa labas.

"Cody!"

No pansin, tuloy tuloy lang papunta sa gate.


"Cody! alright, you can stay for the night." Sigaw ko ulit. Ako man ay nagulat sa sinabi kong iyon pero huli na para bawiin ko pa.

Kasing bilis ni Flash, nasa harapan ko na agad siya at nakangiting parang aso.

"Thank you ha." Sabi niya tapos pumasok na uli sa kabahayan.


I rolled my eyes kasi parang si Kenneth lang kabilis magbago ng mood.


"Dito ka sa Sala matutulog kasi wala akong spare bedroom." Sabi ko.

"Ang laki ng bahay mo pero wala kang spare bedroom? Pero ayos lang naman ako dito sa sala, no problem." Agad na bawi niya sa naunang komento.

"Kukuha lang ako ng kumot at extrang unan."

"Sure Babes." Wala sa loob na sabi niya.

Unti unti naman akong napalingon sa kanya.

"What did you just say?"

"Ha? I said .. 'Sure Babes'. sorry ha, di pala kita babes. Hehe. Sige na kunin mo na yung kumot at unan." Pagtataboy niya.

Inirapan ko muna siya bago umalis.

Antipatiko!


»»»»


Pagbalik ko sa Sala dala ang unan at kumot, nakahiga na siya sa Sofa at nakapikit na ang mga mata.


"O sir, ito na po ang mga gagamitin niyo." Nang-aasar na sabi ko baka sakaling mapikon naman.

Pero walang sagot.


Hala, tulog na ata.

Based on his breathing, tulog na nga.


Nilapitan ko siya at tinitigan. Just like I did noong gabing naadmit siya sa ospital.

Ang tanging dasal ko nung mga oras na yun ay sana mabuhay siya at sana siya ang asawa ko.

Hindi ko namalayan na hinaplos ang mukha niya.

Sana ikaw na lang si Aga.

« « « 🎲 » » »

A/N:

Paubos na po ang mga baon kong cookies and biscuits. An indication that this is coming to an end.

Thank you po sa mga sumuporta.

♡ ♡ ♡

Continue Reading

You'll Also Like

45.7K 1.5K 42
𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗲𝗱𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 ,,It supposedly started with a promise of marriage" ©-𝘁𝗮𝘀𝗺𝗶𝗶 / 2021
71.8K 3.2K 29
YGTB AU SERIES BOOK 2. Bang Yedam had been forced to become the student council president of the school after losing a bet with his group of friends...
3.1M 182K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
2.5K 139 5
When you cut a hole into my skull, do you hate what you see like I do?