JuliElmo One Shots Book 2

By MyTrixietrix

92.5K 4.1K 213

Anything beyond your imagination. More

"Sleep Well"
"My Plan"
"Cold Coffee"
"Scratch"
"Iron Girl"
"Ocean Eyes"
"April Fools"
"With a Smile"
"Focal Point"
"Fluctuating"
"So Much"
"Cruel Dreamer"
"Statue"
"Correction"
"Naririnig"
"Red Box"
"Harmonica"
"Takas"
"Sixth"
"Final Walk"
"Manga"
"Chemistry"
"Last Man"
"If it's Love"
"Early"
"Cupid"
"Fight Song"
"Deleted"
"Destination"
"Pokemon"
"Pasalubong"
"Prom"
"Quits"
"To be Continued"
"Lifeline"
"Miracle"
"Best Part"
"Air"
"Seed"
"Game Over"
"Take a Bow"
"For Now"
"One of Us"
"Bulong"
"Gamot"
"Elevator"
"Bestie Goals"
"Inevitable"
"Receive"
"Pangarap"
"Salad"
"Unperfect"
"Single"
"Tiptoe"
"Timing"
"Take Two"
"Cycle"
"B"
"Too"
"Instead"
"Chase"
"Signature Move"
"Count to Three"
"Escape"
"Preso"
"Y and X"
"Coin"

"PromoShoot"

1.2K 61 4
By MyTrixietrix


"PromoShoot"

"Juliepuff!"

May narinig ako na tumawag sakanya. Sigurado akong siya yun.

"Uii! Ben? Aga ah?"

"Siyempre makikita kita babe."

Napakunot noo ako. Babe talaga?

"Ikaw talaga!"

Sinilip ko sila at may paghampas pa talagang naganap.

"Sa pagkakaalam ko wala kang lahing mamboboso."

Dahan dahan akong napalingon sa likod ko. Nakita ko naman si Tito Jonathan na nakangisi sakin. Napakamot tuloy ako sa ulo ko at nahihiyang ngumiti sakanya.

"Sorry po Tito."

"Ano ka ba? Bakit ka nag sosorry?"

"Eh kasi po binabantayan ko po si Julie."

"Ikaw naman! Halika nga mag usap tayo."

Bigla naman akong napatingin kay Ben at Julie na nag uusap ngayon. Napabuntong hininga ako.

"Don't mind them. Nandyan ang Tita Ivic mo."

"Sige po, Tito."

Pumunta muna kami sa bakanteng dressing room. Umupo kami sa sofa doon pero bago ako umupo kumuha muna ko ng coffee.

"Elmo."

"Po?"

Inabot ko sakanya ang coffee na ginawa ko.

"Wag kang humingi ng sorry dahil lang sa binabantayan mo si Julie. Hindi kita pinipigilan doon kasi karapatan mo naman yun."

"H..Hindi naman po yun ang problema ko, Tito. Ayoko lang po na maisip niyo ni Tita Marivic na wala po akong tiwala sa kung ano man po ang ginagawa ni Julie. Simula palang po na maging kami at pareho pa po kaming nasa showbiz, hinanda na po namin ang sarili namin sa kung ano po ang pwedeng mangyari lalo na po ang trust issues. Hindi na po yun maiiwasan."

"Alam ko yun. Kaya nga tutol ako sa pag sho-showbiz ni Julie. Dahil mahal ko ang anak ko, siyempre kung saan siya masaya susuportahan ko lalo na napatunayan naman niya sakin na kaya niyang pagsabayin ang pag aaral at trabaho. Ang hindi ko lang inaasahan yung maging kayo."

Napangiti ako. Naalala ko kasi kung paano ako humingi ng pirmiso kay Tito Jonathan na ligawan ang anak niya. Nung una ayaw niya talaga ni kahit ilabas ko lang si Julie para mag date.

"Oo nga po, hinigpitan niyo pa nga po kami."

Natawa siya.

"Pero worth it naman diba? Ibinigay ko sayo ang tiwala ko na ipaubaya ang anak ko sayo."

"At nagpapasalamat po ako at ipinagkatiwala niyo po sakin ang anak niyo po. Pero Tito, humihingi pa din po ako ng tawad sainyo. Hinding hindi po ako magsasawa na humingi po ng tawad sa mga nangyayari noon at lalo po ngayon."

"Naiintindihan ko naman at may tiwala ako sa na makakaya mo yan."

Huminga ako ng malalim.

"Sana nga po makaya ko kahit mag isa lang po ako. Ilalaban ko parin po ang anak niyo."

Malungkot siyang ngumiti sakin. Alam ko kasi na nalulungkot siya sa mga nangyayari samin.

"Magtiwala ka lang sa pagmamahal ng anak ko para sayo."

Napayuko ako.

"Sana lang po hindi niya makalimutan na mahal ko siya."

Tiningnan ko si Tito. Pareho nalang kami na napainom sa kape na hawak namin. Ilang sandali pa lumabas na kami ni Tito para icheck si Julie. Nagsisimula na sila mag photoshoot. Nakita ko si Ate Rose na kinunan sila gamit ang cellphone niya. Nakalimutan ba niya na kasama ako dito? Nakalimutan ba ni Julie na nandito ako?

Pero hindi ka pwedeng magpatalo.

Pero natatalo ka nga eh.

Tss.

Nakita ko sila na nagtatawanan at nagkukulitan. Hindi naman ako bato para hindi masaktan. May nararamdaman naman ako. At sa hindi ko inaasahang gagawin ko? Tumalikod ako at lumayo dahil ayoko ng nakikita ko. Pumunta ako sa roofdeck. May nakita ako na nagigitara doon. Tawa lang sila ng tawa siguro mga staff. Lumapit ako sakanila at tinanong kung pwede ako makisali. Ilang beses din kami kumanta ng tinawag sila. Naiwan naman sakin ang gitara kaya ako nalang ang mag isa na kumanta.

Di kita mapipigilan

Kung ako'y iiwan mo

Ngunit sayong pagbabalik

Maghihintay ang puso ko..

Ikaw lang ang laman

Ang nilalaman ng puso ko

Sayo lang ibibigay

Ang pag-ibig at aking buhay

Ikaw lang ang sigaw

Ang sigaw nitong damdamin ko

Walang ibang ipapalit

Dahil ikaw..

Ikaw lang ang pag-ibig ko.

Matapos ko kumanta napabuntong hininga ako kasabay nun ang palakpak na naririnig ko mula sa likuran ko. Humarap ako at nakita ko na nakatayo siya di kalayuan sakin. Suot pa din niya yung gown niya.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."

"H..Hinahanap mo ko?"

Bigla naman siyang ngumiti sakin. Dahan dahan siyang lumapit sakin hanggang sa magkatapat na kami.

"Bakit ba hinahanap ang isang tao?"

"D..Dahil nawawala ito?"

Natatawa siya habang umiiling.

"Hindi noh. Dahil..."

Niyakap niya ko.

"Namimiss niya na ito."

"Akala ko nakalimutan mo na nandito ako."

Tumingala siya sakin.

"Nasabi mo ba yan dahil nakita mo kami ni Ben na nagkukulitan?"

"Ngayon ko lang kasi nakita na sweet pala kayo."

"Sweet ka dyan? Haha."

"Kaya ka nga inaasar ng mga kaibigan mo sa SPS."

"Ito ang tatandaan mo ha? Kahit asarin pa nila ako, ikaw lang ang iniisip ko."

"Totoo?"

Tumango siya at pinangigilan ang pisngi ko.

"Oo naman! Kaya wag ka na magselos ah? Minsan na nga lang tayo magkita tapos nagseselos ka pa."

"Bakit ikaw din naman ah? Nagseselos ka kay Jea."

Tinaasan niya ko ng kilay.

"Asa ka!"

At naglakad na siya. Natawa naman ako. Hindi daw siya nagseselos eh nagtataray? Haha. Sinundan ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"Hindi pa ba tapos? Masyado ng masakit ang nakikita ko eh. Masakit sa puso tapos masakit pa sa mata."

"Loko! Haha. Malapit na po."

Sinamahan ko siya sa nag mamake up sakanya. Hinahanap ng mata ko kung nasaan si Ben pero hindi ko siya makita.

"Saan na yung loveteam mo?"

"Hm, malay."

Nag uusap kami sa may salamin.

"Loveteam talaga ang tawag mo sakanya noh? Dyan din tayo nagsimula."

"Oo dyan tayo nagsimula at hindi tayo dyan matatapos. Hindi ka lang pang loveteam, Julie. Magiging asawa pa kita."

Natawa naman siya.

"Baliw ka talaga! Umupo ka na nga dyan."

"Alam ba niya na nandito ako?"

"Hmm, hindi. Hindi naman siya nagtatanong kung sino kasama ko. Ang alam niya si Papa, Mama at Ate Rose."

"Ahh."

Bigla kaming may narinig na tumatawag kay Julie.

"Julie! Babe! Juliepuff!"

Nakita ko siya na may hawak na paperbag at isang rose. Halatang nagulat siya ng makita ako sa likod ni Julie. All smiles pa siya kanina ngayon nag fade na ito.

"E..Elmo."

Tinanguan ko lang siya.

"Nandito ka pala?"

"Oo kanina pa."

"Uhm..good."

Tiningnan ko yung dala niya.

"Ano yan, Ben?"

Tanong ni Julie. Ngumiti naman si Ben. Mukhang nakalimutan na nandito ako.

"Para sayo, uhm..salad."

"Wow, thank you."

"Hindi siya kakain niyan."

Napatingin naman sila sakin. Biglang dating naman ni Tito at Tita.

"Moe?"

Tiningnan ako ni Julie at hinawakan sa kamay.

"Hindi niya kakainin yan, ikaw nalang. I'm having a dinner date with my Julie..my girlfriend."

"G..Ganun ba?"

"Oo ganon."

Tumayo si Julie at humarap kay Ben.

"Sorry Ben masungit itong Ma-Mau. Pagod lang siya"

"O..Okay lang. Sige punta muna ko sa make up artist ko."

Tumalikod na siya. Bago pa man siya makaalis tinawag ko ulit siya.

"Ben!"

Lumingon siya sakin.

"Julie Anne San Jose, Julie, Julie Anne, JAPS."

Binigyan niya ko ng nagtatanong na mukha.

"Pwede kang mamili sa mga sinabi ko na itatawag mo sakanya. Kahit ano dun pwede. Kahit kelan hindi siya nagkaroon ng pangalang babe. Kaya wag mo siyang tawagin na ganun."

"S..Sorry."

Ngumiti ako.

"Pinapaalala ko lang, Ben."

"Sige. Uhm? Una na muna ko."

Umalis na siya. Nakaramdam naman ako ng hampas sa dibdib ko. Napatingin ako kay Julie. Nakasimangot siya.

"What?"

"Anong what? Bakit mo ginawa yun?"

"Bakit? Wala ba kong karapatan?"

Napakagat labi siya sabay upo.

"Meron."

Natawa ako. Pati sila Tita at Tito natawa din. Pumunta ako sa likod niya at hinalikan ang balikat niya.

"Ang tagal matapos ng PromoShoot niyo."

"PromoShoot?"

Ngumisi ako.

"You're mine, Julie Anne San Jose Magalona."

"Excuse me, Julie Anne San Jose palang ako."

"Don't make me wait, my Julie."

Hinatak niya ang ulo ko palapit sakanya. Narinig namin si Tito at Tita na sinabihan kami na naglalandian nanaman kami kaya umalis na muna sila.

"Are you going to kiss me?"

"No."

Tumingin ako sa labi niya.

"Moe."

"Hmm?"

Nakatingin pa din sa labi niya.

"Willing to wait?"

"Kahit forever pa yan."

Bigla niya kong hinalikan. Nagulat ako doon at siya naman tawa ng tawa.

"I meant the kiss."

Napangiti ako. This PromoShoot is not bad after all.

The End.

Continue Reading

You'll Also Like

231K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
19.1K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...