JuliElmo One Shots Book 2

MyTrixietrix tarafından

92.5K 4.1K 213

Anything beyond your imagination. Daha Fazla

"Sleep Well"
"My Plan"
"Cold Coffee"
"Scratch"
"Iron Girl"
"Ocean Eyes"
"April Fools"
"With a Smile"
"Focal Point"
"Fluctuating"
"So Much"
"Cruel Dreamer"
"Statue"
"Correction"
"Naririnig"
"Red Box"
"Harmonica"
"Takas"
"Sixth"
"Final Walk"
"Manga"
"Chemistry"
"Last Man"
"If it's Love"
"Early"
"Cupid"
"Fight Song"
"Deleted"
"Destination"
"Pokemon"
"Pasalubong"
"Prom"
"Quits"
"To be Continued"
"Lifeline"
"Miracle"
"Best Part"
"Seed"
"Game Over"
"Take a Bow"
"For Now"
"One of Us"
"Bulong"
"Gamot"
"Elevator"
"Bestie Goals"
"Inevitable"
"PromoShoot"
"Receive"
"Pangarap"
"Salad"
"Unperfect"
"Single"
"Tiptoe"
"Timing"
"Take Two"
"Cycle"
"B"
"Too"
"Instead"
"Chase"
"Signature Move"
"Count to Three"
"Escape"
"Preso"
"Y and X"
"Coin"

"Air"

1.4K 56 1
MyTrixietrix tarafından


"Air"

Nakaupo ako ngayon sa isang cafe restaurant. Maaga akong umalis ng matanggap ko kaagad ang message niya. Tiningnan ko ang oras ko at ilang minuto na din akong naghihintay.

"Traffic!"

Sabay may humalik sa pisngi ko.

"Kanina ka pa?"

Nagulat naman ako sa gestures niya pero mas pinili ko nalang na wag nalang pansinin.

"M..Medyo."

Ngumiti siya sakin.

"So kamusta ka na? Inaaway ka pa din ba ng fans mo?"

"Hindi naman mawawala yun. Nasaktan ko sila."

"Gusto mo lang sumaya."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"And I'm that happiness."

Pilit akong ngumiti sakanya. Bago lang sa akin ito. Hindi naman sa hindi ako sanay siguro hindi ako sanay sa taong kasama ko.

"Kayo ba ni Elmo?"

"H..Ha? What about him?"

"Nag usap na ba kayo? I mean alam na ba niya na nasa dating stage na tayo?"

Natahimik ako.

"Boo?"

"Hindi naman niya kailangan malaman pa at masyadong mabilis ang media kaya panigurado alam na niya."

"Okay, basta Julie hindi ka nagkamali na ako ang pinili mo. Papatunayan ko sayo na I'm better than him."

Pilit akong ngumiti sakanya.

"Order lang ako."

Umalis na muna siya. Napatingin ako sa labas ng coffee shop. Naalala ko nung kami ni Elmo ang nag dadate, palaging patago. Humahanap talaga kami ng mga resto na tago talaga at bihiri pumunta ang press. Gusto namin ng peaceful date. Nung una na eenjoy ko kasi nakaka discover kami ng masarap na kainan pero nung katagalan na natanong ko sa sarili ko na hanggang kelan kami ganito? Hanggang kelan niya ko itatago? Si Ben at Elmo? Magkaiba sila. Si Elmo kung magkikita man kami sisiguraduhin niya na susunduin ako o mauuna siya sa resto. Alam niyo naman na palaging late yun pero sa mga special events sa buhay namin palagi siyang early bird. Si Ben? Nagsisimula palang kami marami pa kong aalamin sakanya.

"Cheese cake and mocha frappe."

Nilapag na niya ang order sa mesa.

"Thank you."

Tiningnan ko yung pagkain na nasa harap ko. Naalala ko na favorite namin ni Elmo ang cheese cake. At pagdating naman sa inumin na ganito, sisiguraduhin niya na palaging may tubig na kasama kasi bawal sakin ang matamis.

"Julie? Ayaw mo ba? Gusto mo palitan ko?"

"Ha? Hindi okay lang."

"Sure ka? Hindi ka kasi kumakain. Gusto mo ba heavy meal?"

Umiling naman ako at ngumiti.

"Okay lang sakin ito."

"Okay."

Ngiti niya sakin. Matapos namin kumain lumabas na kami sa coffee shop at naglakad lakad sa mall. Manunuod daw kami ng movie ngayon. Hindi ko naman alam kung anong movie, siya nalang ang hahayaan ko na mamili. Papunta na kami sa floor kung nasaan ang movies ng may familiar akong mukha na nakita. Hindi ko alam pero para akong tumatakbo ng napakabilis sa kaba ng makita ko siya. Sakto naman na napatingin siya sakin.

"Okay ka lang, Julie? Namumutla ka."

Hinawakan ni Ben ang kamay ko. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ni Ben. Lalo na nasa harap namin siya. Ayoko naman na maging bastos kaya kusang gumalaw ang paa ko palapit sakanya.

"T..Tita Pia."

Serious face lang siya. Lumapit naman si Ben sakin.

"H..Hello po."

Tumango lang si Tita Pia. Tiningnan niya ko.

"Let's talk."

Tiningnan ko naman si Ben. Ngumiti lang siya sakin.

"Hihintayin kita. Kukunin ko nalang yung susunod na screening."

"Salamat."

Nauna ng maglakad si Tita Pia. Kinakabahan ako sa totoo lang. Pumunta kami sa smoking area. Buti wala namang tao. Umupo kami doon. Hindi ako nagsasalita at hinayaang mamayani ang katahimikan saming dalawa.

"You told my son to forget about you."

"Uhm.."

Tumango naman ako. Yun lang naman kasi ang magagawa ko. Hindi na namin pwedeng ipagpatuloy ang relasyon namin o pagmamahalan namin kung may nagugustuhan na kong iba.

"I'm very disappointed in you, Julie Anne."

Tumingin ako sakanya.

"I know and I understand na ang dami niyo ng pinagdaanan ni Elmo. Isa pa nga ako sa mga dahilan ng pagpapahirap sa love story niyo pero para sainyo din naman yun. Hindi ko lang maisip kung bakit ginawa mo ito."

"Tita, hindi ko po hawak ang puso ko. Hindi ko po alam kung sino ang magugustuhan nito. Choice po yun ng puso ko."

"Hindi yun ang ibig kong sabihin Julie. Hindi ko lang maisip na gagawin mo ulit ito."

Tiningnan ko ang mata niya. Yung pagka serious na mukha niya lumambot at parang nasaktan siya.

"You left my son again."

"Tita.."

"You left him without assuring that he has something to hold on to."

Napayuko naman ako.

"Sinukuan mo nanaman siya kung kelan lumalaban siya. Julie for the record hindi ako galit sayo. Disappointed, Oo. Sobra. Kasi nasasaktan ang anak ko ng dahil sayo eh. I always believe that you are the dream girl for my son but I realize that you are the nightmare in his life."

Napaluha naman ako doon.

"Sana maintindihan mo kung bakit ko sinabi sayo ito. Ina ako, Julie. At kung ikaw ang nasa posisyon ko? Baka sinaktan mo na ang babaeng nananakit sa anak mo."

"I'm sorry po."

Nagkaroon na katahimikan samin. Mahina akong umiiyak ng maramdaman ko na na may nagpupunas ng luha ko. Napatingin ako sakanya.

"Tita Pia.."

Pilit siyang ngumiti.

"You are the greatest love of Elmo. At kahit pa kalimutan mo ang anak ko? He will always be a part of you. You are my once dream, Julie. A dream that you will be my future daughter in law."

"Tita.."

Niyakap naman niya ko.

"We love you, Julie."

"Thank you Tita. Thank you po."

Naisipan ko ng balikan si Ben baka kasi naghihintay na siya ng matagal. Hindi na kami umalis sa cinema kasi malapit na din naman kaming pumasok ng may nakita kaming kumpol kumpol ng tao. Nang isa isa ng nawawala ang tao nagulat ako sa nakita ko.

"Elmo."

Tumingin siya samin. Wala akong emosyon na nakikita sa mata niya. Tumingin ako sa kasama niya.

"Hello, I'm Janella."

Nginitian ko naman siya.

"Manunuod din kayo ng movie, Elmo?" Tanong ni Ben.

Tumango si Elmo.

"Yes, Mr. Alvez. So excuse us."

Aalis na dapat sila ni Janella.

"Moe."

Biglang lumabas sa bibig ko. Nakatalikod na siya sakin. Dahan dahan niya kong nilingon.

"Yes, Ms. San Jose?"

Ms. San Jose.

"What's with the formality, Elmo?"

Natatawa pa si Ben nung sinabi niya yun. Hinintay namin sumagot si Elmo. Nginitian lang niya ang pagtawa ni Ben.

"That is how I give respect to the people I don't know."

Natahimik naman kami ni Ben. Lalo na ko na nanigas nalang sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo? Ganyan ka ba? Parang wala lang si Julie sayo ah? She's your ex and your friend!"

"Ben."

Nakita ko na nanggigigil na si Ben. Umiling naman si Elmo.

"She's nothing to me, Mr. Alvez."

"ANONG SABI MO!"

"Ben!"

Ayoko magkaroon ng iskandalo dito. Napapaiyak na ko sa mga naririnig ko.

"Cookie Monster."

"Anong pinagsasabi mo Magalona! Bakit mo palaging sinasaktan si Julie!"

Tumalikod si Elmo.

"Don't blame me, Mr. Alvez. This is what she asked for. Right Ms. San Jose?"

Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mata ko.

"Tarantado ka talaga, Magalona."

Hindi na ko nakarinig ng salita mula kay Elmo. Umalis na sila ni Janella.

"Julie.."

"I..Iwan mo muna ko, Ben."

"Ha? Pero.."

"Please? Maglalakad lakad nalang muna ko. Gusto ko mapag isa."

"Julie.."

Naglakad na ko ng mabilis. Mabilis hanggang sa makalayo ako sa pinangyarihan ng masasakit na salita na narinig ko sakanya. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko. Kaya naman ng inangat ko ang ulo ko nakita ko na nasa tapat na ko ng unit niya. Napaupo ako sa may gilid ng pintuan niya at umiyak doon. Inaalala ang bawat sakit na salita na narinig ko kanina. Pinikit ko muna ang mata ko hanggang sa ayun na.

"Mmm.."

Napaunat ako bigla. Kinusot ko ang mata ko at nakita ko na nasa kwarto na ko. Napaupo ako kaagad. Paano ako nakarating dito? Alam ko nasa condo ako ni Elmo. Paanong..

"Kuya! Namiss kita. Sana palagi ka nalang dumadalaw ulit dito."

"Oo nga, Kuya. Diba you promised me na mag road trip tayo nila Ate sa Antipolo? Sana tuparin mo yun."

"Haha. Kayo talagang dalawa. Wag kayong mag-alala kapag maluwag ang sched ko sa born for you, date tayong tatlo."

Narinig ko ang convo ni Elmo kasama ang mga kapatid ko. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Joanna. Medyo bukas ang pinto doon.

"Hindi kasama si Ate Julie, Kuya?"

Hindi sumagot si Elmo at hinaplos nalang ang buhok ni Jac. Itinuloy nila ang paglalaro. Ako? Bumalik nalang ako sa kwarto ko at umupo sa dulo ng kama ko. Iniisip ko lahat ng nangyari. Lahat ng naging desisyon ko. Hindi ko akalain na sa isang desisyon ko lahat ng tao sa paligid ko naapektuhan.

"You're awake."

Napatingin ako sa may pinto ng kwarto ko. Naglakad siya palapit sakin at umupo sa tabi ko.

"S..Salamat sa pag uwi mo sakin dito."

Umiling siya.

"Hindi ako. Si Ben."

"H..Ha?"

"Siya ang nag uwi sayo dito. I called him para sunduin ka."

"G..Ganun ba.."

"And I'm here because I want to make sure that you're safe."

Pilit akong ngumiti sa statement niyang yun.

"Salamat."

Nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa. Tiningnan ko siya. Nakatingin lang siya sa sapatos niya.

"If only I had a choice.."

"You always have a choice, Julie."

Natigil ako sa sasabihin ko.

"And you always choose to break my heart."

"Moe.."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ayoko na maghanapan pa tayo ng butas para lang malaman kung sino ang tama at mali sa ating dalawa. Naiintindihan ko naman at nirerespeto ko ang desisyon mo nung sinabi mo sakin na kalimutan na kita. Ngayon ko lang narealize kung bakit mo ginawa yun. Thank you for saving me from this pain, Julie. But just so you know, it hurts me even more when you choose to save me."

Tumayo na siya at lumabas sa kwarto ko pero bago yun.

"He seems nice."

At tska tuluyan na siyang umalis. Wala akong ginawa kundi umiyak. Hahayaan ko nalang ba siya? Hahayaan ko nalang ba siya na umalis sa buhay ko? Tama..dapat hayaan ko nalang. Bumaba ako at hinabol siya. Sasakay na sana siya sa kotse niya ng makita ako. Lumapit ako sakanya.

"Moe.."

"If you're planning to change your mind and tell me sweet things to make me stay, then don't. Mas masakit asahan lahat ng salitang yun."

Sumakay na siya sa kotse niya. Binaba niya ang bintana nito. Nakita ko na lumabas sa bahay ang pamilya ko. Naka focus ako ngayon kay Elmo. Julie, think. Kapag hinayaan mo siyang umalis ngayon, JuliElmo will be forgotten. You and him.

"Julie, you're thinking out loud."

"Moe.."

Ngumiti siya sakin.

"As long as we breathe the same air, together with the one who believes in us, then JuliElmo will never be forgotten."

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa may pinto. Lumuluha nanaman pala ako.

"You are my first love and I will never ever forget you even if you asked me to."

Ngumiti siya sakin. I'm not asking him to stay nor to love me again dahil alam ko na nasasaktan siya hanggang ngayon. Sapat na sakin na kahit hiniling ko sakanya na kalimutan ako hindi niya gagawin. Sapat na yun para panghawakan ko.

"Until we meet again, Ms. Julie Anne San Jose."

Sinarado na niya ang bintana niya. Nakikita ko pa naman siya kahit may nakaharang na sa aming dalawa. At parang nung just one summer lang, same situation, same emotions. Nag kiss kami sa bintana niya. Ngumiti lang siya sakin matapos yun at pinaandar na ang kotse. Napayuko naman ako at tsaka umiyak ng umiyak. Letting him go is my most biggest mistake.

"ATE!!!"

Sigaw nila Joanna. Napatingin naman ako sakanila. Nakangiti sila samin. May itinuro sila sakin. Tumingin ako doon at nakita ko na sa di kalayuan nandun ang kotse ni Elmo. Kinabahan naman ako bigla. Lumabas siya st tumingin sakin. Tumakbo siya palapit sakin at niyakap ako.

"I won't give up. No, I won't give in till I reach the end. I still wanna make all of these, worth it. Because JuliElmo is worth every pain and every fight."

Yumakap ako pabalik sakanya.

More than anything else, Elmo is all worth it.

The End. 

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

10.5K 375 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
112K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
18.6K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
185K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...