JuliElmo One Shots Book 2

By MyTrixietrix

92.5K 4.1K 213

Anything beyond your imagination. More

"Sleep Well"
"My Plan"
"Cold Coffee"
"Scratch"
"Iron Girl"
"Ocean Eyes"
"April Fools"
"With a Smile"
"Focal Point"
"Fluctuating"
"So Much"
"Cruel Dreamer"
"Statue"
"Correction"
"Naririnig"
"Red Box"
"Harmonica"
"Takas"
"Sixth"
"Final Walk"
"Manga"
"Chemistry"
"Last Man"
"If it's Love"
"Early"
"Cupid"
"Fight Song"
"Deleted"
"Destination"
"Pokemon"
"Pasalubong"
"Prom"
"To be Continued"
"Lifeline"
"Miracle"
"Best Part"
"Air"
"Seed"
"Game Over"
"Take a Bow"
"For Now"
"One of Us"
"Bulong"
"Gamot"
"Elevator"
"Bestie Goals"
"Inevitable"
"PromoShoot"
"Receive"
"Pangarap"
"Salad"
"Unperfect"
"Single"
"Tiptoe"
"Timing"
"Take Two"
"Cycle"
"B"
"Too"
"Instead"
"Chase"
"Signature Move"
"Count to Three"
"Escape"
"Preso"
"Y and X"
"Coin"

"Quits"

1.2K 65 27
By MyTrixietrix


"Quits"

"Cookie monster ang sarap nitong ice cream na binili ko gusto mo?"

Napatingin ako kay Janella.

"Cookie monster?"

Pilit akong ngumiti sakanya. Lumapit ako sakanya. Alam ko na alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko. Binaba niya ang binili niyang ice cream at lumapit ulit sakin.

"Hug nalang kita?"

Niyakap ko nalang siya at doon nagsimulang umiyak. Hindi ko akalain na maipapakita ko kay Janella ang side kong ito. Yung down na down. Para akong batang inagawan ng candy, iniwan ng magulang, nasugatan dahil sa pag bibike.

"Shh..kaya mo yan."

Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa balikat niya. Ilang minuto din akong umiyak sakanya. Umupo kami. Nakatulala lang ako habang siya naman pinapanuod ang video na nagpabago ng takbo ng puso ko. Nagpabago sa takbo ng pinanghahawakan ko. Nagpabago sa pananaw ko.

"Cookie Monster.."

Tumingin siya sakin matapos niyang mapanuod yun. Hindi ako nagsasalita. Tumayo siya at lumabas muna. Ilang sandali pa bumalik na siya. Tahimik lang kami doon lalo na ako na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko. Masyado kong iniisip ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Cookie monster, labas muna tayo. Pahangin ka muna. Kapag masakit na ihinga mo muna."

Kinuha niya ang kamay ko at inilabas ako. Madaming tumatakbo sa isip ko ngayon at hindi ko na alam kung anong uunahin ko.

"Moe!"

Napaangat ako ng tingin. Nakita ko na kakalabas lang ni Maqui sa kotse niya. Nakatingin siya sakin. Lumapit siya sakin.

"Moe.."

Napayuko nalang ulit ako.

"Halika nga.."

Binigyan niya ko ng madiin na yakap. Heto nanaman ang tubig sa mata ko gusto nanaman nilang bumagsak. Kumalas si Maqui.

"Tinawagan ako ni Janella."

"Alam ko kasi na mababawasan ang sakit na nararamdaman mo Cookie Monster kung may tao kang masasabihan."

"Sorry Moe. Wala ako sa tabi mo nung nasasaktan ka na ng best friend ko."

"Maq.."

"Tagay tayo?"

"Moe.."

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at naglakad na. Bago pa ko makapasok sa kotse ko narinig ko na sumigaw si Janella.

"Cookie Monster!"

Huminto ako sa paglalakad.

"Ya I liked him palang naman. Hindi pa naman yes i'll marry him. May pag-asa ka pa!"

Nilingon ko si Janella. Pilit akong ngumiti sakanya. Tiningnan ko si Maqui. Sumakay na siya sa sarili niyang sasakyan. Sumakay na din ako at nag drive. Mabilis akong nakarating sa isang convenience store. Bumaba ako at bumili ng maraming alak.

"Moe, ang dami naman niyan."

"Nag text ako kala Rocs. Pupunta sila sa condo. Doon nalang tayo mag inuman."

Napabuntong hininga si Maqui.

"Kuha lang akong chips."

Matapos namin mabayaran nagpunta na kami sa condo ko. Nagbihis muna ko. Nagpunta ako sa kusina at nagluto ng pwede naming mapulutan.

"Oh Maq, ang bilis mo naman ata. Si Moe?"

"Nasa kusina. Wala sa sarili."

"Red alert ba?"

"Hindi ko alam. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan."

Matapos ko magluto nakita ko na nandun na sila Rocco, Sef, Kris, Derrick, Wyn, Maqui at wala pa yung iba. Nilapag ko ang pagkain sa may mesa doon. Nasa sala kami. Nakaikot sila doon.

"Moe, tama na ito may chips pa naman." Sabi ni Sef.

Tumango naman ako. Kumuha ako ng alak at uminom. Ganun na rin ang ginawa nila. Hindi kagaya ng dati na maingay kaming nag iinuman at nagtatawanan. Ngayon kasi mabibingi ka sa katahimikan.

"Ehem ehem."

"Bakit Sef?" Sabi ni Kris.

"Moe."

Tumingin ako sakanya.

"Sa una lang naman yan masakit eh. Madami na kayong napag daanan malay mo isa lang ulit itong challenge. Malalagpasan mo din ito."

"Tama si Sef, Moe. Tska mas maganda kung kausapin mo muna si Julie. Mag usap muna kayo." Sabi ni Kris.

Lumapit naman sakin si Wyn.

"Moks, alam mo naman na ikaw ang greatest love niya diba? Laban pa."

"You only lived once, Moe. YOLO. So ipaglaban mo kung anong nagpapasaya sayo." Payo ni Derrick.

"Moe, bulag lang ang bestfriend ko pero hindi yun bingi para hindi pakinggan ang nararamdaman mo. Kausapin mo siya." Sabi ni Maqui.

"Hindi ko alam..."

Yun lang tanging nasagot ko.

"Moe."

Napatingin kaming lahat kay Rocco.

"White flag, surrender na."

"Rocs!" Sigaw nilang lahat.

Umiling si Rocco. Tumayo siya at nagdala ng isang alak.

"No guys. Alam ko na lahat kayo may point sa gusto niyong ipagawa kay Moe. Pero hindi niyo ba nakikita? Durog na yung puso niya oh. Durog na. May mga bagay lang talaga tayo na kailangan tanggapin. Mga desisyon na kailangan intindihin. Mga laban na dapat ng isuko lalo na kapag talo ka na. Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ni Elmo. Milyong milyong karayum ang tumutusok sa puso niya ngayon at ayung milyong yun ay katumbas ng mga fans nila na umaasa sakanila. Umaasa na may gagawin si Elmo para ipaglaban si Julie. Pero guys JuliElmo nga diba? Hindi lang si Elmo ang dapat lumaban pati dapat si Julie pero asan na? Wala na."

Napayuko ako. Nay point si Rocco. May point silang lahat pero hindi ko alam kung anong papakinggan ko. Tumayo ako.

"May bibilhin lang ako.."

Lumabas na ko. Naglakad lakad muna ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko hanggang sa marating ko ang parking lot. Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho. Dahil traffic napatingin ako sa may harapan ko. May nakasabit na rosary. Nagkaroon ako ng idea. Nag park ako sa isang church. Pumasok ako at umupo sa may pinakaharapan doon.

"Lord, hindi ko na po alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko po alam kung anong dapat kong gawin at dapat kong pakinggan. Hindi ko po alam ang sagot. Nakikiusap po ako sana ituro niyo po sakin ang tamang gagawin ko."

Nanatili muna ako sa labas ng simabahan. Mas nakahinga ako doon. Wala akong iniisip na stress. Pinapaunod ko lang yung mga tao na naglalakad. Mga bata na naglalaro.

"Wala namang madaling paraan para naghilom yung sakit na nararamdaman ko ngayon pero siguro ito muna ang pinaka tamang magagawa ko."

Sumakay na ko sa kotse ko at tinahak ang daan papunta sakanila. Pagkarating ko doon napansin ko na may naka park na kotse. Mabuti nalang at madilim at hindi kita ang kotse ko dito. Hindi pa naman ako nakakarating sa tapat ng bahay niya. May lumabas sa gate at nagulat ako sa nakita ko. Hinalikan ni Benj si Julie sa kamay nito tska nagpaalam. Kumaway naman si Julie kay Benjamin habang paalis na ito.

"Kaya mo ito."

Pinaandar ko ang kotse ko at tumapat kaagad sa bahay nila. Nagulat naman si Julie. Bumaba ako.

"M..Moe."

Hindi ako lumalapit sakanya. Hindi ko din alam pero sa isip ko kapag lumapit ako sakanya bilyong karayom na siguro ang tutusok sa puso ko. Nanatili lang akong malayo sakanya.

"B..Bakit Moe?"

Huminga ako ng malalim.

I wish I was strong enough

To lift not one but

Both of us

Someday, I will be strong enough to lift

Not one but

"Both of us."

"Moe.."

"Julie Anne, there is 99.9 percent chance that you and him will ended up together but I will use that 0.1 percent to fight for you."

"Elmo."

Sumandal ako sa kotse ko.

"A while ago, I had the chance to finally let you go. Kasi alam mo, masakit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero ito na ang tama na pwede kong magawa para masave yung sarili ko sa pain."

Tumingin ako sakanya.

"Tatanggapin ko kung anong desisyon mo. Kung saan ka masaya, sige. Pero sasabihin ko lang sayo hindi ko tinatapos ang laban na ito. I will make this fight worth it."

"Moe, mas masasaktan lang tayo kung pilit pa nating ilalaban."

"Pero mas masakit isipin na hindi mo man lang nakuhang lumaban."

Natahimik siya sa sinabi ko.

"Hindi kita pinipilit lumaban kasama ko. Kasi kaya ko ito, kaya namin ito."

Napayuko si Julie. Lumapit ako sakanya pero nga tatlong hakbang lang ang pagitan.

"Fill that hole inside your heart. Fall in love with that attention. Fall in love with the idea of love. And me? I'll make sure that you will fall for me again. You just have to find the way back to me."

"Elmo.."

Tumalikod na ko.

"Bibitawan kita ngayon pero hindi kita susukuan."

Nakaramdam na ko ng pagkahilo lalo na madami akong nainom kanina.

"Moe!"

Inalalayan niya ko.

"I'm okay."

"Lasing ka ba? Uminom ka ba?"

Tumango ako.

"Bakit ka uminom tapos nag drive ka pa? Moe naman eh! Are you trying to kill yourself?"

"You're killing me."

Napabuntong hininga siya. Kinuha niya ang kamay ko at inakay ako papasok sa bahay nila. Dinala niya ko sa kwarto niya at hiniga doon. Napapikit ako. Ilang sandali pa naramdaman ko na may malamig na bagay na dumapo sa noo ko. Napamulat ako at nakita ko siya na pinupunasan ako.

"You don't have to do this especially if you like someone else."

"Yes. I already like someone else but It's not easy to ignore the one I used to love or maybe I still love."

"Ha?"

"Nothing. Dito ka na matulog baka mapaano ka pa sa daanan. Kukuha lang ako ng mainit na gatas para mahimas masan ka."

Tatayo na sana siya ng hinila ko siya pabalik.

"Moe."

Kinuha ko ang pagkakataon na magkalapit kami. Hinalikan ko siya. I swear naramdaman ko yung pagmamahal na meron siya para sakin. Ilang minuto din kaming ganun. Kumalas ako at dinikit ang noo ko sa noo niya. Umiiyak siya at sa hindi ko malamang dahilan umiiyak na din ako. Hindi ko alam kung dahil sa tuwa o sakit.

"Quits na tayo."

Humiga ako. Pinahiga ko siya sa dibdib ko. Tahimik lang kami at walang nagsasalita.

"Tama ba ito? May gusto ako kay Benj pero iba naman ang kasama ko."

"Parang ako, may girlfriend ako pero ikaw ang mahal ko."

Tiningnan niya ko. Ngumiti ako at pinikit na ang mata ko. Nakatulog na kaming pareho. Nagising din ako kaagad. Inayos ko siya ng higa at kinumutan.

"Be happy my angel."

Haplos ko sa pisngi niya. Tumayo na ko pero pinigilan naman ako ng mahigpit na hawak ng kamay niya.

"I'll stay if you stay.."

Umiling ako. Hinalikan ko siya sa noo.

"Find the way, Julie. Back to me."

At tska na ko umalis. Hindi ako aalis dahil iiwan ko na siya at ibinibigay kay Benjamin. Tulad nga ng sabi ko hindi ako susuko sakanya pero bibitawan ko lang siya ngayon pansamantala. Naniniwala ako na babalik siya. Babalik siya sakin.

The End.

Pain? Hurt? It's a temporary feeling. Hindi naman magtatagal yan. Dadaanan mo lang yung pain na yan. Mararamdaman mo lang siya. Masakit siya, Oo pero at the end? Maiisip mo mas matagal yung pakiramdam na masaya ka dahil sa JuliElmo kesa sa sakit na naramdaman mo ngayon. If you're mad because of the pain you feel at this very moment just remember how much you love them and eventually you're going to say to yourself that I'm staying. I still want to stay even if I have all the reasons to let go. I'm staying because I love them and I'm staying because the fight is not yet over. :) 

Continue Reading

You'll Also Like

2K 113 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
5K 181 31
slam dunk fan fiction
15.5K 1.6K 26
Why can't Travis love Stacey even if Stacey loves him? Why do they agree in arranged marriage if there's only one-sided love occured? Does it have a...
116K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...