JuliElmo One Shots Book 2

By MyTrixietrix

92.5K 4.1K 213

Anything beyond your imagination. More

"Sleep Well"
"My Plan"
"Cold Coffee"
"Scratch"
"Iron Girl"
"Ocean Eyes"
"April Fools"
"With a Smile"
"Focal Point"
"So Much"
"Cruel Dreamer"
"Statue"
"Correction"
"Naririnig"
"Red Box"
"Harmonica"
"Takas"
"Sixth"
"Final Walk"
"Manga"
"Chemistry"
"Last Man"
"If it's Love"
"Early"
"Cupid"
"Fight Song"
"Deleted"
"Destination"
"Pokemon"
"Pasalubong"
"Prom"
"Quits"
"To be Continued"
"Lifeline"
"Miracle"
"Best Part"
"Air"
"Seed"
"Game Over"
"Take a Bow"
"For Now"
"One of Us"
"Bulong"
"Gamot"
"Elevator"
"Bestie Goals"
"Inevitable"
"PromoShoot"
"Receive"
"Pangarap"
"Salad"
"Unperfect"
"Single"
"Tiptoe"
"Timing"
"Take Two"
"Cycle"
"B"
"Too"
"Instead"
"Chase"
"Signature Move"
"Count to Three"
"Escape"
"Preso"
"Y and X"
"Coin"

"Fluctuating"

1.5K 63 1
By MyTrixietrix


"Fluctuating"

Kakatapos lang ng interview ko sa GMA. May mga press parin na kumakausap sakin. Kumuha ako ng pagkakataon na hindi sila nakatingin sakin. Sinilip ko ang cellphone ko.

I'll pick you up.

Napakunot noo naman ako. Nang matapos ang interview pumunta ako kaagad sa dressing room ko. Nandun sila Papa at Mama. Nagbihis ako ng mas kumportableng damit.

"Anak? Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali. May gumugulo ba sa isip mo?" Sabi ni Mama.

"Naku, isa lang naman ang nagpapagulo sa isip at sa puso niyan eh." Ngisi naman ni Papa.

Napapailing nalang ako.

"Tara na po?"

Tumango naman sila. Bumaba na kami. Habang nasa elevator kami hindi maalis ang tingin ko sa cellphone ko.

I'm here at the lobby.

Hmm. Paano ba kita haharapin? Ano bang kailangan mo sakin? Pagkababa namin sa lobby agad akong tumingin sa paligid. Wala namang tao. Baka prank lang. Huminga ako ng malalim.

"Okay ka lang, nak?"

Ngumiti ako. "Okay lang po, Ma."

Kukunin na sana ni Papa ang kotse ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"JULIE!"

Napalingon kami. Nanlaki ang mata ko. So totoo na nandito siya? Nang makalapit siya samin ngumiti siya kaagad.

"Hello po."

Ngumiti naman sila Papa.

"Hi Julie."

"Uhm, Hi.."

"Ah..pwede ko po na mahiram si Julie Anne? Mag coffee lang po kami, something like that."

Nagkatinginan si Mama at Papa.

"Okay lang naman basta okay sa anak namin. Tska sure ba na walang makakakita sainyo?"

Umiling siya. "Wala po."

Tumingin sila sakin.

"Julie Anne?"

Napabuntong hininga ako. Hindi ko talaga alam kung bakit pero baka nga kailangan ko to.

"Una na po kayo, Mama, Papa."

Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

"Baka ito na yung closure na hinahanap mo anak. Minsan kasi kailangan din ito."

Ngumiti ako. "Salamat po."

Tumingin sila sakanya.

"Ikaw na ang bahala sa anak namin?"

Ngumiti siya. "Makakaasa po kayo na safe si Julie Anne."

"Okay sige."

Dumating ang kotse niya. Sumakay kaming dalawa. Hindi kami nagsasalita sa kotse. Ilang sandali pa huminto ang kotse na sinasakyan namin. Bumaba ang driver niya at iniwan kami nito sa loob. Napalunok ako. Hindi naman sa natatakot ako pero bakit nga ba ako sumama at ano nga ba ang dahilan niya?

"Julie.."

Ito na. Tumingin ako sakanya.

"Hmm.."

"Galit ka ba sakin?"

Napatingin ako sakanya. Hindi muna ko nagsalita.

"Wag ka mag alala hindi ako masasaktan sa isasagot mo."

Huminga ako ng malalim.

"Tatapatin na kita, Janine. Oo, galit ako sayo. Nagseselos ako sayo. Naiinis ako sayo. What do you expect? Kasama mo ang boyfriend ko. Do you expect me to be happy knowing that you're with him?

"About that.."

"Ako muna, please?"

Napatingin ako sa labas ng bintana. Ngayon lang ang magbubuhos ng sama ng loob.

"Hayaan mo muna ko hangga't kaya ko pa sabihin ang nararamdaman ko. Kapag kasi pinigilan ko sumasakit ang dibdib ko. Mas naiipon kaya nasasaktan ako."

"Okay sige. Makikinig ako."

Napaluha ako.

"Alam mo ba kung gaano ako naiinggit sayo? Naiinggit ako sayo kasi nakakasama mo siya. Yung kahit alam mong mababash ka okay lang sayo magkasama naman kayo. Naiinggit ako kasi wala kayong problema ng pamilya niya. Close pa nga kayo. Naiinggit ako na nagseselos kasi..kasi yung pwesto ko bilang girlfriend niya parang nawawala na kasi nandyan ka. Nagseselos ako tuwing magkasama kayo eh ako naman din mismo ang may kasalanan dahil palagi akong hindi pwede kaya ano? Ikaw..ikaw ang nandyan para pumalit sakin. Alam mo ba kung gaano kasakit sakin yun? Yung makita siya na kasama ka? Tahimik lang ako pero sobrang nasasaktan ako. Iniisip ko nga hanggang kelan ba kami lalaban para sa relasyon na to kung marami ng nakalatag na problema para tuluyan na kaming bumitaw.."

Hindi ko napigilan na umiyak na. Ayoko umiyak. Hindi ko gusto umiyak lalo na sa harap ng karibal ko pero ano pa ba ang pwede kong gawin? Hindi naman ako nananakit ng tao. Hindi ko naman siya pwedeng patayin. Gusto ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko. Tama na siguro yun para kahit papaano mabawasan. Punong puno na kasi.

"Alam mo Julie Anne, sinasabi ko lang sayo ah? Yung mga sinabi mo kanina lahat naman yun tama eh. Tama lang na maramdaman mo malamang karapatan mo yun. Pero gusto ko lang sabihin sayo ang nararamdaman ko, alam ko na wala kang pakialam. Sino lang ba ko diba? Taong pinagseselosan mo lang. Taong extra sa love story niyo. Pero Julie, gusto ko lang sabihin sayo na ang gaga mo."

Napatingin ako sakanya.

"Sorry pero yun ang totoo. Ang gaga mo lang. Ang gaga mo na isipin yan. Julie, lahat ng karapatan binigay sayo kasi girlfriend ka. Ikaw ang girlfriend pero anong ginagawa mo? Kapag nasaktan ka mananahimik ka. Iniipon mo at hindi mo nilalabas. Sinong mas nasasaktan? Akala mo ba ikaw?"

Umiling siya.

"Hindi ikaw Julie. Yung taong mahal mo ang nasasaktan. Julie, girlfriend ka eh. Gamitin mo ang karapatan mo bilang girlfriend. Ikaw, ikaw si Julie Anne San Jose na girlfriend ni Elmo Magalona. Ikaw at hindi ako. Imbis na naiinggit ka sakin, imbis na nagseselos ka, bakit hindi ka nalang mag focus sa relasyon niyo? Kayo naman ang mas importante eh. Kayo ang bida sa istoryang to. Alam mo naman yun."

Hindi ako makapag salita kasi puro luha lang lumalabas sa mata ko.

"Maniwala ka man o hindi, gustong gusto ka nila makasama. Sinama lang nila ako kasi gusto ko lang mapanuod yun pero as a friend lang yun. Hindi naman kami nag date o kung ano pa. Alam mo ba na kapag hindi ka nakakarating sa mga pagkakataon na iniinvite ka nila? Sa buong pag uusap nila, ikaw ang topic nila. Kung gaano sila ka proud sayo kasi tingnan mo naman, nag aaral ka habang nag ta-trabaho. Naiintindihan ka nila Julie. Kung iniisip mo na pinapalitan ko ang pwesto mo pwes nagkakamali ka. Yung pwesto mo sa puso nila hinding hindi na mawawala yun."

"J..Janine.."

Mali ako. Hindi ko alam. Ngumiti siya sakin.

"Okay lang, Julie. Gusto ko lang ipaalam sayo yun. I'm here to help you guys kahit pa ang tingin sakin eh kakaiba at panggulo lang sa istorya niyo, ayos lang kasi isa naman ako sa nagpapalakas sainyo. Tingnan mo, kapag nagseselos ka, mas lalo mong siyang hindi binibitawan. Bakit ka pa kakapit kung may humihila na sayo para bumitaw ka? Mahal mo kasi siya. Yung pagmamahalan niyo lang ang nagpapatatag sainyo. Hindi lahat ng akala mong problemang darating sayo ay isang problema na talaga na makakasira sa relasyon niyo, minsan yung akala mong problema yun pala ang magpapalakas sayo. Minsan kailangan pala talaga siya.."

"S..Sorry. Sorry talaga Janine kung ano man ang tumakbo sa isip ko. I'm sorry."

"Wag sakin..wala kang kasalanan sakin. Wala kang kasalanan actually, nagmahal ka lang. Mahal mo lang talaga siya."

Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti naman ako at hinawakan ko din ang kamay niya. Niyakap niya ko at tinapik ang likod ko.

"I'm sorry kung nagiging dahilan ako ng pag iyak mo."

"Sorry din kung naging ganito ako. Hindi ko naisip na nag eeffort ka din."

Kumalas siya sa yakap namin.

"Okay lang yun. I'm willing to help you guys. Ilang beses ko naman ng sinabi sainyo yun."

Napatingin ako sa salamin. Mahina akong napatawa.

"Hmm, ang panget ko na. Nawala na yung make up ko."

Natawa siya. "Oo nga, ang panget mo pala kapag umiiyak. Mas maganda ka kapag kinikilig at inlove"

Napangiti naman ako doon. Inayos ko ang sarili ko. Matapos nun tumingin ako sakanya.

"Sige, para makabawi naman ako sayo sagot ko na ang dinner natin. Saan mo gusto kumain?"

Nakangiti siyang umiiling sakin.

"Gusto mo talagang bumawi sakin? Lumabas ka sa kotse ko tapos punta ka doon."

"Ha?"

Lumabas siya sa kotse at binuksan ang pintuan. Hinila niya ko palabas.

"Janine?"

Ngumiti siya. "Pambawi mo na yan."

Medyo tinulak niya ko. Pumasok siya sa loob ng kotse. Kinatok ko ang bintana niya.

"What? Janine, ano to? Iiwan mo ko dito?"

Tumango siya.

"Akala ko ba.."

Ngumisi siya. "Laking istorbo niyo kayang dalawa sakin. Binabash ako ng dahil sainyo. Haha. Gantihan lang."

"Ha?"

"Bye Julie!"

At umandar na ang kotse niya. Hinabol ko pa ito pero dahil naka heels ako nahirapan ako.

"JANINE!"

Hindi ko na siya naabutan. Talagang iniwan niya ko. Paano ako uuwi? Tsk. Tiningnan ko yung paligid. Malapit na mag sunset. Pero teka, familiar sakin ang lugar na to. Naglakad ako. Parang nakita ko na to. Napuntahan ko na ang lugar na ito. Napahinto ako ng may marinig ako. Tunog ng piano yun. Pumasok ako sa loob ng isang malaking cottage. Bumukas ang ilaw at grabe ang ganda. Pati yung ilog umilaw. Buong paligid umilaw.

Each day, my love grows deeper

Deeper like never before

Love is not easy but I'm holding on to this

So don't give up

And fill my heart

Nothing else matters,

But you and me.

Napahinto ang mundo ko ng marinig ko ang kantang yun. Sa dulo, nakita ko siya. Ang taong dahilan kung bakit nagmamahal ako. Kung bakit natuto akong magmahal at lumaban. Hindi ko napigilan na mapaiyak habang pinapanuod siya na mag piano. Tumingin siya sakin.

We're drifting apart

My only greatest fear

I thought I could live without you

Shouldn't drown in tears.

To you my all I surrender

I've been waiting patiently

I'd never leave,

I promised be your man,

I love you freely.

Tumigil siya sa pagkanta. Tumayo siya at lumapit sakin. Ngumiti siya sakin.

"You've been interviewed about your love life. And you answered you want it to be private. So, here we are. No Mommy Pia, no gang, no mama and papa, no sisters, no flash, no press, no fans, no cameras, no directors, no friends and no social media accounts. This time, it's you and me. Just you and me."

"Moe.."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Remember?"

Tumingin siya sa paligid kaya napatingin na din ako. Bukod sa may candle light table, balloons, bubbles, piano, foods, petals, lights, na nasa paligid ko, mukhang alam ko na kung nasaan kami.

"Ito yung venue nung maynila natin. Yung first maynila natin. Victims of love."

Ngumiti siya at tumango. Napangiti na din ako.

"Why here, Moe?"

"Hmm, because we are. The victims of love. We got hurt even before but after that we stayed strong. Fluctuating."

"Moe.."

Huminga siya ng malalim.

"I'm your private property, Julie. And if you really want it to be private.."

Nilapit niya ang ilong niya sa ilong ko. Napa pikit ako. Nakangiti ako habang ginagawa niya yun.

"Then let's make it private."

Niyakap ko siya matapos.

"I love you.."

Hinalikan ko siya. Tumingin ako sakanya. Yung tingin na kilig at inlove.

"Thank you."

The End. 

Continue Reading

You'll Also Like

86.7K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
15.4K 1.6K 26
Why can't Travis love Stacey even if Stacey loves him? Why do they agree in arranged marriage if there's only one-sided love occured? Does it have a...
937 51 11
This is the story about the Farmers daughter and a Millionaire daughter, nor they met when they was a children saving each other in the danger and Fa...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...