JuliElmo One Shots Book 2

By MyTrixietrix

92.5K 4.1K 213

Anything beyond your imagination. More

"Sleep Well"
"My Plan"
"Cold Coffee"
"Scratch"
"Iron Girl"
"April Fools"
"With a Smile"
"Focal Point"
"Fluctuating"
"So Much"
"Cruel Dreamer"
"Statue"
"Correction"
"Naririnig"
"Red Box"
"Harmonica"
"Takas"
"Sixth"
"Final Walk"
"Manga"
"Chemistry"
"Last Man"
"If it's Love"
"Early"
"Cupid"
"Fight Song"
"Deleted"
"Destination"
"Pokemon"
"Pasalubong"
"Prom"
"Quits"
"To be Continued"
"Lifeline"
"Miracle"
"Best Part"
"Air"
"Seed"
"Game Over"
"Take a Bow"
"For Now"
"One of Us"
"Bulong"
"Gamot"
"Elevator"
"Bestie Goals"
"Inevitable"
"PromoShoot"
"Receive"
"Pangarap"
"Salad"
"Unperfect"
"Single"
"Tiptoe"
"Timing"
"Take Two"
"Cycle"
"B"
"Too"
"Instead"
"Chase"
"Signature Move"
"Count to Three"
"Escape"
"Preso"
"Y and X"
"Coin"

"Ocean Eyes"

1.4K 53 0
By MyTrixietrix


"Ocean Eyes"

Napakamot ako sa ulo ko kasi tinatawanan ako ni Tito Jonathan at hindi ko naman alam kung anong gagawin ko.

"Jonathan, stop na nga yan."

"Haha. Sorry asawa ko. Si Elmo kasi nakakatawa."

"Hmm? Ano naman ang nakakatawa sa ginawa niya? Ang sweet nga eh."

Pagtatanggol sakin ni Tita.

"Pambihira ka Elmo. Kung hindi pa kita nakilala kanina edi hindi ka makakapasok dito? Sobrang pag disguise naman kasi ang ginawa mo anak."

"Uhm..ayoko lang po kasi na gamitin ang pagka Elmo Magalona ko dito. Hindi po natin alam baka may mga press sa paligid."

Napailing si Tito. "Sabihin mo nga sakin anak, anong sadya mo dito?"

"Po?"

"Jonathan! Siyempre ang makita ang anak natin."

Ngumisi si Tito. "Asawa ko, dalawang bagay lang naman yan eh. Ang makita ang prinsesa niya at bantayan ang sirena niya."

Napakunot noo si Tita Marivic.

"Oh...dahil ba.."

Tumingin siya sakin.

"So tama ba ang Tito mo Elmo?" Ngisi niya.

"Ah..eh..ano po..uhm.."

Tinapik ni Tito ang balikat ko.

"Dyan naman ako bilib sayo Elmo eh. Yung pinapaalam mo sa iba kung ano ang pag aari mo. Pagpatuloy mo ah? Hanggang finish line."

Napangiti naman ako.

"Opo Tito. Sama sama tayo hanggang finish line."

"Okay boys. Tama na yan. Anak, hindi ka muna ba magpapakita kay Julie?"

Umiling naman ako.

"Mamaya na po siguro, Tita. Ayoko naman po kasi na madistract siya habang kinukuhaan siya"

"Totoo ba yan anak? O baka naman ayaw mo lang makita ka ni Julie na nagseselos?"

"May tiwala naman po ako sakanya. Minsan lang talaga nauunahan ako ng selos."

Tumango tango si Tito.

"Sige anak, ikaw ang bahala. Sa kotse na muna ko ah? Maiwan ko muna kayo ng Tita mo."

Umalis na siya. Naiwan kami ni Tita sa tagong cottage na ito. Tumingin ako kay Julie na hindi naman ganun kalayo samin. Sapat lang para hindi niya ko makita at sapat para mabantayan ko siya.

"She never stopped dreaming anak.."

Napatingin ako kay Tita Marivic.

"Po?"

Tumingin siya kung nasaan si Julie.

"She still believe that you and her will be joining in one stage again...together. Sa concert niya. Nakita ko kung paano siya malungkot kapag nakakabasa siya ng tweets about you na gusto ka ng fans niyo na makita sa concert niya. Gusto niyang pagbigyan pero paano? Hindi niya sinasabi sayo kasi alam niyang imposible."

Tumingin siya sakin.

"Elmo, anak, nagawa mong maging surprise guest sa debut ni Janella, sana magawa mo din maging guest sa concert niya. Kahit sa dressing room lang. Alam ko na magiging busy ka na pero sana kahit konting minuto ibigay mo sakanya sa May 14."

Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang wallet ko at may kinuha doon. Inabot ko sakanya. Agad niya itong binuksan at napatingin kaagad sakin.

"You mean.."

Ngumiti ako. "Hindi ko po papalampasin."

Napayakap sakin si Tita ng sobrang higpit. Yumakap din naman ako sakanya pabalik. After namin mag usap pumunta muna siya kay Tito. Tiningnan ko si Julie gamit ang telescope ko.

"Ang sexy.."

Napatingin ako kay Jeric. Nakatingin siya kay Julie. Magsasalita na sana ako ng magulat ako dahil napatingin si Jake sa gawi ko. Napangisi naman siya. Tumayo siya at naglakad kung saan ako nagtatago. Binaba ko kaagad ang telescope ko.

"Sabi ko na nga ba eh."

"Uhm.."

Natawa siya. "Wag kang mag alala okay lang siya dun. Walang magpapapansin sakanya."

"Salamat Jake. Binabantayan mo parin siya para sakin."

"Oo naman. Tska tingnan mo oh. Wala naman siyang ginawa kundi maglaro sa tubig."

"Hmm. Nakita ko na nakatingin si Jeric sakanya."

Napailing siya habang natatawa.

"Okay lang yan. Crush lang naman niya si Julie eh. Ikaw naman ang mahal ni Julie. Panalo ka pa din."

Tumingin ako kay Julie. Masaya pa din siyang naglalaro ng tubig. Tumayo naman ako at naghubad ng pang itaas ko.

"Ui..bakit?"

"Break time niyo diba?"

Tumango siya. "Oo bakit?"

Ngumisi ako. "Oras na para makita ng sirena ang prinsepe niya at alisin ang ibang shokoy sa paligid niya."

"Tsktsk. Seloso ka talaga."

"Mahal ko eh."

Naglakad na ko papunta kay Julie. Hindi niya ko napapansin. Kasabay ko si Elmo. Lahat napapatingin sakin at si Jake naman ang taga sabi na wag maingay. Napatayo si Jeric at ngumiti sakin. Ngumiti nalang din ako. Bumaba ako sa pool.

"Have a nice swim, Elmo."

"Thanks Jake."

Hindi alam ni Julie na isa isa ng umaahon ang mga kasama niya sa pool. Maya maya narating ko siya at agad siyang niyakap. Nagulat naman siya.

"Ay kalabaw!"

Napangisi ako. "Si Isko?"

Nanlaki ang mata niya. "E-Elmo?"

Ngumiti ako sakanya. "Hi baby."

"Omg."

Niyakap niya ko kaagad. Ang sarap naman sa pakiramdam. Kumalas siya sakin at tiningnan ako.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na mag set visit ka?"

"Edi hindi ka nasurprise?"

"Ikaw talaga. Wala namang nakakita sayo?"

"Hmm. Mukha bang may tao?"

Napatingin siya sa paligid. Wala ng tao.

"Tss. Kalokohan mo talaga, Elmo."

"Para sayo naman."

"So what brought you here?"

Binuhat ko siya at inupo sa may semento doon. Nasa pagitan ako ng legs niya.

"Edi may love for you."

"Asus."

Namula naman siya.

"K..Kamusta pala debut ni Janella?"

"Okay lang."

"Hmm. Yun lang?"

Tumango ako. Kinuha ko ang kamay niya. Nalaglag siya ulit sa tubig. Pinayakap ko siya sakin at nagsayaw kami sa gitna ng pool. Nakadikit ang noo ko sa noo niya.

"Extended pa naman ang JuliElmo day diba?"

Natawa siya. "Oo naman.."

"So pwede pa din ako magbigay sayo ng gift?"

"Kakabigay mo lang kahapon ah? Yung kwintas?"

Umiling ako. "Hindi lang dapat yun."

"Hmm.."

Nakapikit pa din kami. Nakakapit pa din siya sa balikat ko at ako naman nakahawak sa bewang niya.

"Okay lang ba kung iregalo ko sayo ngayon ang pagpunta ko sa concert mo?"

Bigla siyang napahinto. Ramdam ko na minulat na niya ang kanyang mata.

"M..Moe?"

Ngumiti lang ako.

"Ulitin mo please."

Binuksan ko ang mata ko. Kita ko sa mata niya ang ganda ng kalooban niya. Ang babaeng minahal ko. Ang babaeng nagpaiyak, nagpasaya, at kumumpleto ng buhay ko. Ang mata niya na nagsasabi ng marami salita. Ang malawak niya mata na nagpapa fall sakin bawat araw araw. Ang mata niyang naglulunod sakin ng pagmamahal niya. Her ocean eyes.

"See you sa concert."

Naiiyak na siya. Pinunasan ko naman yun at hinalikan siya sa labi. Niyakap niya ko kaagad.

"Thank you."

"Welcome."

Tumingin siya sakin. Sumisinghot pa siya.

"Hindi ka libre ah. Bumili ka ng ticket."

Natawa naman ako. "Bibili ako."

The End. 

Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 379 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
3.4K 102 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.