BREAKING BOUNDARIES (a BaRa s...

By sultry_leo

68.4K 1K 93

Hi guys. Nagbabalik na po ako uli. Sana you can once again spare time and read my second story BREAKING BOUN... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE: BUMPING INTO EACH OTHER AGAIN
CHAPTER TWO: THE ANIMOSITY
CHAPTER THREE: THE SWEET BEGINNING
CHAPTER FOUR: UNCERTAINTIES
CHAPTER FIVE: THE ANNOUNCEMENT
CHAPTER SIX: the Reconciliation
CHAPTER SEVEN: LIKING THAT SIDE OF YOU
CHAPTER EIGHT: SILENT WISHES
CHAPTER NINE: AMBIGUITY
CHAPTER TEN: STILLNESS OF TIME
CHAPTER 11: BONDING
CHAPTER 12: "I Love You Goodbye"
CHAPTER 13: FATED
CHAPTER 14: OFFICEMATES
CHAPTER 15: SPONTANEOUS
CHAPTER 16: TO FRIENDSHIP
CHAPTER 17: CROSSING
CHAPTER 18: UNTIL WE FALL IN LOVE AGAIN ...
CHAPTER 19: THE SHIPPER
CHAPTER 20: REINTRODUCTION
CHAPTER 21: TGIF
CHAPTER 22: WHEN GLUTTONY HITS!
CHAPTER 23: SLEEPOVER
CHAPTER 24: SWEET MONDAY
CHAPTER 25: KEEPING THE BOUNDARIES
CHAPTER 26: MISTAKEN UNIT
CHAPTER 27: ONE STEP CLOSER
CHAPTER 28: TOWING THE LINE
CHAPTER 29: BREAKING BOUNDARIES
CHAPTER 30: REALIZATIONS
CHAPTER 31 ON THE BRINK OF LOSING
CHAPTER 32: BRIGHTER DAYS AHEAD
CHAPTER 33: WHILE GRIEVING
CHAPTER 34: START OF A NEW JOURNEY
CHAPTER 35: RETURN AND ADMISSION
CHAPTER 36: THE FIRST DATE
CHAPTER 37: RELISHING LOVE AND FRIENDSHIP
CHAPTER 38 THE MORNING AFTER
CHAPTER 39: PROUDLY IN LOVE
CHAPTER 40: THE PUNISHMENT
CHAPTER 42: WHEN HEARTS AND BODIES FUSE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 41: WILL TODAY BE THE END?

1.4K 21 3
By sultry_leo

Dumating si Kim at Vic na magkasama sa Solaire Hotel pasado alas diyes ng gabi.

Inikot agad ni Kim ang paningin sa loob ng venue ng party para makita kung saan nakapuesto ang bullies at si Bang, saka pa lang ito itinuro kay Vic.

"Wafs tara, ayun sila oh," turo ni Kim sa mga kaibigan nila.

Sakto namang pagpaling ng tingin ni Vic sa itinuro ni Kim ay ang paghawak sa bewang ni Bang ng general manager nila na si Mr. Davila, na obviously ay wala talagang planong tantanan ang girlfriend ni Vic.

Talagang 'yang ungas na iyan ayaw kaming tantantan e, iritadong sabi ni Vic pagkakita sa pasimpleng pag-take advantage ng GM nila kay Bang.

"Kalma bro for sure naman napipilitan lang si Bang na makisama dahil Christmas party ito," sabi ni Kim.

Nakaka-buwisit naman kasi! Alam na niyang kami ni Bang pero ayaw pa rin tumigil. Sana di ba respeto sa tao? asar na sagot ni Vic.

Tinapik ni Kim sa balikat si Vic saka sumenyas na lumapit na sila sa grupo.

Bago pa tuluyang makarating sa bullies ang dalawa, muling pinaalalahanan ni Kim si Vic.

"Vic, sana kaunting lamig ha. Party ito ng opisina, hindi magandang pairalin natin ang personal issues natin kanino man ngayon ha?" sabi ni Kim.

Habang lumiliit ang pagitan nila Vic at Kim sa kinaroroonan ng grupo ay siya namang pag-alis ni Bang sa puwesto para makipag-sayaw sa GM nila.

Kaya paglapit ng dalawa sa mesa, paalala agad ang bunga d kay Vic.

"Vic, kalma ha. Kami na nagsabi kay Bang na pagbigyan na si GM para tigilan na rin siya. Nakaka-ilang balik na iyong rin kasi iyong tao, nakakahiya din naman sa kanya lalo pa at general manager natin siya di ba?" paliwanag ni Aby.

Tinapik lang naman ni Cienne si Vic, senyales na okay lang iyon.

Si Mika naman: "Oh Vic, Kim, ano hindi pa ba kayo kakain? Hindi pa ba kayo gutom? Tara kaya muna samahan ko na kayo dun sa buffet table baka sakaling mag-iba ang mood nitong si Vic.

Halika nga Miks, mabuti pa nga samahan mo kami nitong si Vic dahil siguro gutom na rin naman ito, dagdag naman ni Kim.

Hinigit na ni Mika si Vic mula sa upuan nito at nilambing ng bahagya para mapasunod na kumain na lang sa halip na magmukmok.

"Daks, please tara na muna dun sa buffet. Kunyari na lang ako muna ang date mo kahit hanggang makabalik lang si Bang sa puwesto natin," malambing na sabi ni Mika.

At dahil sa lahat sa kanilang magkakaibigan, si Mika ang pinaka-malapit kay Vic kaya kapag ang una ang humiling mahirap para kay Vic ang hindi magpa-ubaya lalo at alam naman niya na gusto lang siyang aliwin nito.

Okay sige na, sige na. Hay! Lakas mo lang talaga sa akin e, sabi ni Vic.

Pero napaisip si Vic sa huling sinabi ni Mika .... Honestly natuwa ako sa huling hirit mo Mika. Sige gusto ko iyong idea na ikaw uli ang ka-date ko ngayon. Mukha namang nage-enjoy na siya e, so I might as well enjoy din naman di ba?

"Vic, huwag ka ngang ganyan. Alam naman nating nakikisama lang si Bang dahil boss naman natin si Mr. Davila. Mag-enjoy tayo hanggat gusto mo pero wala ng isip ng kung ano-ano. Pede naman di ba? paliwanag ni Mika.

Tsaka mas ngayon tayo dapat mag-enjoy dahil parang mini-reunion na rin natin ito di ba? It's been a while since lumabas tayo at kung gigimik man hindi tayo nakukumpleto, paliwanag ni Cienne.

Oo na. sige Wafs na muna ngayong gabi para sa inyo, sang-ayon ni Vic.

So, okay na? Pede ng kumain? Gutom na talaga ako e, reklamo ni Kim.

Sinenyasan ni Kim si Mika para ayain na si Vic at isinunod sa kanya.

Samantalang si Bang, helpless. Pagtapos na isayaw siya ni Mr. Davila ay hindi ito hinayaan ng lalaki na makabalik sa puwesto ng kanyang mga kaibigan. Sa halip ay inaya ito na samahan siyang i-entertain ang foreign partners and visitors ng kanilang kumpanya.

At dahil may kinalaman naman sa kumpanya ang alok sa kanya ay hindi na siya nakatanggi.

"Hanggang ngayong gabi na lang Bang. Last na ito hon, sana maintindihan mo na bahagi lang ito ng pakikisama. But after tonight hindi na talaga. Kung kailangang kung ipamukha kay Mr. Davila ng paulit-ulit na kailangan niya akong tigilan na gagawin ko, bulong ni Bang sa isip matapos na makita niya si Vic na malungkot kahit na kinukulit ng mga kaibigan niya.

"Sorry hon," bulong ni Bang.

Kahit na nakikipag-kulitan si Vic sa mga kaibigan niya, deep inside ay masama ang loob niya dahil disappointed siya sa naging turnout ng gabing ito para sa kanila ng taong mahal niya.

I thought this would be a perfect night for us.... a much better night than last year where things happened in swift. Pero thanks to that magical moment dahil destiny seemed to have paved the way for us, isip ni Vic.

Dahil observant si Mika pagdating kay Vic ay mabilis niyang napansin na seryoso na naman ito at walang imik samantalang ang mga tao sa paligid nila ay naka-party mode na akala mo ay wala ng bukas.

Si Vic naman panay-panay lang ang shot ng alak na hinahatid sa kanilang table ng waiter

Inilagay ni Mika ang isang kamay sa balikat ni Vic, ang isa naman naka-angkla dito habang nakaupo silang magkatabi. Gusto sana ni Mika na i-divert sa sobrang pag-inom ang atensyon ng kaibigan.

"Vic, sayaw mo naman ako, please? Sayang ang tugtog ang ganda pa naman "I'm Not The Only One," sabi ni Mika na isinandal pa ang kanyang ulo kay Vic.

Nang marinig naman ito ni Cienne ay agad din itong nag-aya kay Kim.

"Immy, ako din sayaw mo rin please? aya ni Cienne.

Tumayo si Kim, inabot ang isang kamay kay Cienne ... "Cienney, can you dance with me?" sabi ni Kim na kunyaring yumuko ng bahagya.

Kinuha naman ni Cienne ang kamay ni Kim na natatawa, "yes of course baby" sabi nito saka tumayo at sumama na kay Kim pero sumenyas muna kay Mika na sumunod din sila ni Vic.

Papunta na sa dance floor ang dalawa nang makasalubong ni Kim si Riri. Binulungan niya ito na puntahan at isayaw din si Aby na itinuro niya kung saan nakaupo kasama sina Mika at Vic.

"Hey beautiful kapitana, puwede ka bang isayaw?" nangingiting sabi ni Riri na tumingin pa muna kina Vic at Mika.

Kahit na nagulat ay sumama na din si Aby sa nag-ayang sumayaw sa kanya, sa isip niya "sayang naman ang gabi kung magbubutas lang din siya ng bangko."

"Vic, tayo na lang ang natira. Baka naman pedeng isayaw naman ako ng ka-date ko?" pabirong sabi ni Mika.

Sumenyas lang si Vic ng wait at sinaid ang laman ng baso niya, tumayo at inayos ang buhok at saka hinawakan ang isang kamay ni Mika para alalayan itong tumayo at saka inilagay ang isang kamay sa bewang ng kaibigan para mas sweet.

"To my first love and forever date? nakangiting sabi ni Vic ... "May I?"

Hindi na pinatapos ni Mika ang sasabihin ni Vic. Ngumiti na siya agad at tumayo para makipag-sayaw dahil alam naman niyang kargado na ng alak ang kaibigan.

Kahit na alam ni Mika na dala lang naman din ng alak ang sweetness ni Vic sa kanya ngayon ay nakaramdam pa rin siya ng saya sa puso, siguro dahil na rin sa sinabi nitong "first love" pagkat maging siya ay guilty dahil ito din ang kanyang unang pag-ibig.

Ilang sandali lang ay nasa dance floor na ang mga ito hindi nagtagal ay natapos ang unang musika hanggang sa nasundan pa ng ibang sweet music.

Thanks Mika for being with me tonight. Alam ko naman na gusto mo lang akong pasayahin, sabi ni Vic.

Hindi naman kailangang magpasalamat, Vic. You, us, will always be special di ba? with or without that special someone in our individual lives? Last year hindi naman tayo magkasama. And the last time na ganito tayo masyado ng matagal. Puwede naman siguro dagdagan ang memories di ba? sabi ni Mika.

Hay! Mika, bakit kasi hindi mo ko minahal dati, biglang nasabi ni Vic na tuluyan na medyo emotionally drowned na ng mga sandaling iyon.

"Vic," sabi ni Mika na idinikit ang noo niya sa noo ni Vic.

"Wala pa naman tayong 30's. Hindi ba may usapan tayo na when we reach the age of 30 at single pa rin tayo at parehong available, we can try naman di ba? Sana lang pagdating ng panahon na iyon andiyan pa rin yan special na meron tayo ngayon sa isa't-isa," nakangiting sabi ni Mika.

Hay nako Mika! sana nga pwede nating i-rewind ang panahon at mga bagay-bagay at iyong meron sa atin dati ay ngayon na lang para mas sigurado ka na at kaya mo na akong panindigan, seryosong sabi ni Vic.

Napatigil sa pagsasayaw si Mika. "Dun muna tayo sa labas," sabi nito kay Vic na agad na hinila ang kamay palabas sa venue ng party.

Nang makarating sa labas ... sa open space .... "anong ginagawa natin dito?" sabi ni Vic.

"Para sana presko lang? Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo at umayos 'yang isip mo. Kung ano-ano na kasing mga nasasabi natin eh," paliwanag ni Mika.

Ayos lang naman ako. Dahil ba ito sa nasabi ko a few moments ago? paglilinaw ni Vic.

Hindi nagsalita si Mika.

Miks, totoo naman kasi. Hindi na sana dumating si Jus at hindi umabot sa ganito kung hindi ka natakot harapin iyong sa atin dati. I am not mad, sinasabi ko lang sana iyong bagay na baka pareho tayong hindi komportableng pag-usapan ngayon, sabi ni Vic.

Sa tingin mo ba magiging ganito pa rin ka-special ang samahan natin hanggang ngayon kung hindi totoo ang naramdaman natin noon? dagdag pa ni Vic.

Naiintindihan kita. I can't blame you kung natakot kang harapin ang totoo noon at baka nga hanggang ngayon, sabi pa rin ni Vic.

"Minahal mo rin kaya ako tulad kay Bang ngayon, kung napanindigan kita noon?" malungkot na sabi ni Mika.

Ewan. Hindi ko alam ang sagot kasi hindi naman naging tayo Miks. Pero sigurado ako na minahal kita higit pa sa kayang ipakita ko sa'yo, sagot ni Vic.

"Sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko e, magiging masaya ba ako na ang first love ko ... ang taong mahal ko finally natagpuan na ang taong para sa kanya o manghihinayang na sana ako na lang siya, na sana ako na lang uli," pag-amin ni Mika.

Mali man isipin, but we still have tomorrow to look forward to. Hindi naman natin alam ang kung anong mangyayari sa hinaharap di ba?Basta Daks, Mika, you will always be a special part of me kahit na anong mangyari, sabi ni Vic bago niyakap si Mika ng mahigpit.

"Thanks Vic – sa friendship, sa pagmamahal and sana para sa future ... if you can keep that special part for me," sagot ni Mika.

Matapos ang ilang minutong yakapan ng dalawa ay nagpaalam si Vic.

Miks, okay lang ba na hindi na ako sasama pabalik sa loob? Ikaw na lang ang bahalang magsabi sa kanila in case magtanong, pakiusap ni Vic.

"Paano ka uuwi? Gusto mo hatid na lang kita? Wala ka namang sasakyan ngayon," sabi ni Mika.

No. Hindi na kailangan marami namang masasakyang taxi dito, tanggi ni Vic.

"Please ingat. Uwi ka na ng diretso ha?" bilin ni Mika.

Yes, I will. Paki-sabi na lang din kay Kim na tawagan ko na lang siya para dun sa gamit ko naiwan sa kotse niya, pakiusap muli ni Vic.

Okay sige. Basta ingat ha? sabi uli ng dalaga.

Opo. Sige na pasok ka na muna bago ako sumakay, sabi ni Vic.

Sumunod naman agad si Mika. At ng wala na sa paningin ni Vic ang kaibigan ay saka ito pumara ng masasakyang taxi.

Pagkasakay sa loob ay agad na nagbilin si Vic kung saan ang punta nila ... "Kuya sa Mandaluyong, Policarpio Street."

Okay po. Paki-lock na lang ng mga pinto, maikling sagot ng taxi driver.

Ilang sandali pa ay bumababa na si Vic sa harap ng malaking gate. Ito ang bahay na binili para sa kanya ng kamamatay lang na amain.

"Dito na muna siguro ako ng buong holiday season," sabi ni Vic na kausap ang sarili habang iniikot ang kabuuan ng bahay.

Mabuti rin pala at matiyaga si Ate Miling na alagaan itong bahay kung hindi ay kawawa naman, sabi muli ni Vic.

Maya-maya pa ay naisipan nitong ibilin ang unit niya kaya mabilis nitong tinawagan ang administrator ng building.

"Hi. Sorry to advise this late ... yes, Vic Galang .... Yes 8th floor ... Please if you can monitor my area because I will be gone for two weeks," bilin ni Vic sa kausap.

Muli na naman itong nag-dial ng telepono ... "Hello. Ate Miling? ... opo si Vic nga, bibilin ko lang na punta kayo bukas dito sa Policarpio ha, dala kayo ng maluluto dito po muna ako ... ha ha ha sige na po bukas na lang tayo magkuwentuhan .... Sige bye.

Makaraan ang dalawang tawag na ginawa ay dumiretso na si Vic sa bar, kumuha ng baso mula sa mini-ref at dinampot ang isang bote ng alak na stock niya at binitbit sa likod ng bahay kung saan mayroong mini-garden.

Sinimulan ni Vic ang pag-inom niya nung una okay lang, kalma, habang lumalalim ang gabi ay unti-unti na rin siyang bumibigay sa epekto ng alak at pagod mula sa maghapong trabaho.

Hindi na niya alam kung nakaka-ilang oras na siya sa garden mag-isa ng mag-ring ang telepono nito.

Hello hon? Sabi ng boses sa kabilang linya.

Hello, sweetheart? sagot ni Vic.

Nasaan ka ba? Bakit hindi ka umuwi? nag-aalalang sabi ni Bang.

Wala nagpapalipas lang ako, sagot ni Vic.

Sige na sabihin mo na kung nasaan ka pupuntahan kita, kahit saan pa 'yan, pakiusap ni Bang.

Don't worry safe naman ako e. Mag-isa nga lang ako dito saka itong yosi ko at alak, sagot ni Vic.

Alam ko masama ang loob mo. Galit ka kasi hindi man lang tayo nagkita sa party. Sorry na please, bati na tayo? lambing na pakiusap ni Bang.

Hindi naman ako galit e, masama lang ang loob, sagot naman nito.

Kaya nga sorry na sana. Di ba usapan natin KAHIT ANONG MANGYARI BATI LANG TAYONG DALAWA. SABI MO GUSTO MO MASAYA LANG DI BA? bakit bigla ayaw ng magsabi? dagdag ni Bang.

Masama lang naman ang loob ko e, pede naman sanang palipasin lang para hindi tayo magkakasamaan ng loob? sagot ni Vic.

Kaya nga e, ayusin na natin 'to. Promise hindi ako papatol kahit anong sabihin mo, sabi ng dalaga.

Si Vic na desididong ubusin ang laman ng boteng iniinom niya at nagsindi muli ng sigarilyo, hindi na kumibo.

Hon, uy kausapin mo na ako. Kung ano man sorry. PUWEDE NAMANG BUMAWI di ba? PUWEDE NAMANG MAY SECOND CHANCE SANA? Please? pakiusap muli nito.

Isipin ko pa, sagot ni Vic.

Sige na BATI NA TAYO PLEASE? PLEASE .... PLEASE .... (naka-caps lock para mabasang mabuti) kahit anong gusto mo okay lang .... Bati na lang sana tayo please? sabi na naman ni Bang.

Talaga? Kahit ano? paglilinaw ni Vic na wala na sa tamang pagsasalita at wisyo.

Opo, kahit ano basta okay na tayo. Sabihin mo lang kung nasaan ka? sagot ni Bang.

Pangako? pagsisiguro ni Vic.

Opo pangako, masuyong sagot ni Bang.

Text ko sa'yo. Siguruhin mong darating ka dito na mag-isa lang ha at walang kasamang ibang asungot ha? dagdag ni Vic.

Ilang sandali pa ay nagpaalaman na ang magkasintahan. At bago pa nga mawala sa ulirat si Vic ay nagtext ito kay Bang ... address kung saan siya mismo sa Policarpio Street sa Mandaluyong matatagpuan.

Mabilis na inayos ni Bang ang sarili. Pumasok muna siya sa kuwarto kumuha ng duffel bag naglagay ng ilang damit na pambahay, undies, ilang pirasong pang-alis at iba pang personal belonging niya.

Inilock ang pinto sa terrace. Binunot ang plug ng ibang kuryente, piñatay ang mga ilaw at saka lumabas na ng bahay.

Paglabas ni Bang sa lobby ng building ay nagtungo muna ito sa admin office ng building para ibilin na mawawala siya ng ilang araw at kung maari ay i-monitor mabuti ang area niya para siguruhin na safe lang ang kanyang unit.

Pagkatapos ng bilin ni Bang ay binagtas na niya ang kahabaan ng Pioneer, Mandaluyong halos diretso lang naman ang biyahe niya. Kakanan lang siya pagdating sa P. Cruz Street at saka tutuntunin ang Policarpio Street kung saan nandoon ang mahal niya.

Less than 30 minutes dahil wala ng traffic at madaling araw na ay nasa harap na si Bang ng address ng bahay na sinabi ni Vic.

Hindi naka-lock ang maliit na gate kaya pumasok din agad si Bang matapos na i-lock ang remote ng kotse niya.

Namangha si Bang dahil kung maganda ang itsura ng bahay sa labas ay higit pa ito sa loob ng bakuran. Bago muli siya magtuloy na pumasok ay ini-lock na niya ang gate, mahirap na masyado ng tahimik ang paligid baka mamaya masalisihan sila ng mga manloloob.

Bakit nga naman hindi, isa ang Policarpio Street sa Mandaluyong na kilalang lugar ng mga may kaya at isa rin site to see para sa mga bata lalo na kung ganitong panahon ng Kapaskuhan dahil hitik ang lugar sa mga nagga-gandahang Christmas lights at decorations.

Pumasok na ng tuluyan si Bang sa main door ng bahay.

Vic? Vic? hon? Saan ka? malakas na tawag ni Bang kay Vic.

Sinundan ni Bang ang ilan patungo sa likod ng bahay kung saan narinig niyang may bumagsak na babasagin.

Napatakbo si Bang .... Vic? Vic?

At paglabas niya sa stainless door kung saan ang mini-garden sa bahay ni Vic ay nakasubsob na sa mesang Vic ang nadatnan ni Bang.

Dala ng sobrang kalasingan ay natabig na ni Vic ang bote at baso na nasa harap niya at may bahagyang paso na rin siya ng sigarilyo sa braso dahil nalaglag na sa mesa ang nakasinding sigarilyo nito.

x

Continue Reading

You'll Also Like

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
7.9M 477K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
10K 1.5K 42
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...